Chapter 3

133 5 2
                                    


Chapter Three

"Meet Daryll Lopez"


My King Daryll

Queen, nasa labas na ko.

"OMG! Bakla! Nandyan na daw sa labas ang boylet ni Kellybells." napatalon naman si Kelly sa kanyang pagkaka-upo dahil sa matinis na pagsigaw ni Tita Negs na nauna pang mabasa ang message ni Daryll kaysa sa kanya.

"Anu ba yan Negra! Nakakagulat ka naman. Oh siya sige, pagbuksan mo na siya at excited na akong makilala siya." ani Mommy K.

"Ay wag na po Mommy K. Ako na lang po ang sasalubong kay King-- I mean kay Daryll." kinurot naman siya ni Mommy K. "Aysus. Gusto mo lang siyang makita eh. Hay naku, ang baby namin, dalaga na talaga."

"Ganun talaga kapag inlove ka bakla. Palibhasa walang pumapatol sayo kasi chaka ka." napatiim baga naman si Mommy K. "Aba nagsalita ang maganda. Hiyang hiya naman kasi ako sayo noh? Eh kung palayasin kaya kita dito? Gusto mo?" gigil na sabi ni Mommy K.

"Anu ka ba naman bakla, syempre keme lang yun noh. Ikaw kaya ang Dyosa dito sa bahay natin. Diba Kellybells?" at pinanlakihan pa nito ng mata si Kelly.

"Sabi mo eh. Oh sige na, pagbubuksan ko na ang mylabs ko. Char!" ani Kelly sabay labas ng bahay.

Nagtinginan na lang si Mommy K at Tita Negs na parehong hindi makapaniwala sa sinabi ni Kelly.

"Grabe Mars. Dalaga na talaga ang baby natin. Parang kahapon lang kung kailan ko siya unang pinalitan ng diaper kasi hindi ka marunong kaya nagpresinta akong gumawa. Tapos dati-rati lagi ko siyang pinapadede kahit hatinggabi kasi nasa trabaho ka ng mga oras na yun. Oh diba? Parang ang hirap lang tanggapin na hindi ko na magawa yung nagagawa ko sa kanya dati." nairita naman si Mommy K sa sinabi ni Tita Negs kaya binatukan niya ito ng pagkalakas lakas.

"Oh edi ikaw na ang may award ng ulirang Tita 2015! Kung makasumbat ka naman ng mga ginawa mo parang ikaw ang nanay ni Kelly." ani Mommy K.

"Ikaw naman bakla. Hindi ka na mabiro. Syempre kung wala ka, wala tayong kasamang Kelly Velasco ngayon diba?" saad ni Tita Negs na may panunuyong tono ngunit tinalikuran lang siya ni Mommy K at naglakad papunta sa labas upang salubungin si Kelly at ang boyfriend nitong si Daryll.

Nahigit naman ni Kelly ang kanyang hininga ng makita niya ang maka-laglag panty na itsura ni Daryll. Napaka-gwapo kasi nito sa porma niya at kahit simple lang ang damit niya ay dalang dala niya pa rin ang kagwapuhan niya.

Nakasandal ito sa kotse at busy sa kakakalikot sa cellphone niya. Nalipatan niya ito at tumabi sa kanya. Hindi man lang nito napansin ang presensiya niya. "Ang busy naman ng mahal na hari ko. Nakakatampo naman." aniya sabay nguso.

Napangiti naman si Daryll at marahang kinurot ang pisnge ni Kelly. Namula naman kaagad ang pisnge ni Kelly. "Anu ba yan Queen!" nagulat naman si Kelly sa biglaang pagsigaw nito. "Bakit? Anu na namang ginawa ko?" ani Kelly sabay nguso.

"Yun lang ginawa ko sayo kinilig ka na agad? Ipakita mo naman kahit minsan na hindi ka kinikilig sa napaka-gwapo mong asawa." nakangising sabi ni Daryll. "Ang k-kapal talaga ng mukha mo. Namula lang ang pisnge ko dahil sa init noh. Atsaka anung asawa ka dyan?!"

"Bakit? Doon rin naman ang bagsak natin diba? Bakit ayaw mo bang magpakasal sa akin?" ani Daryll na may nakapaskil pa rin na ngisi sa labi. Nahihiyang tumanga si Kelly upang itago ang sobrang pagpula ng kanyang pisnge. "Queen ano? Ayaw mo ba magpakasal sa napaka-gwapo mong hari?"

"S-syempre g-gusto." nauutal na sagot niya habang nakatungo pa rin. Hindi naman napigilan ni Daryll ang mapangiti. Aba, kahit naman lalaki siya, marunong pa rin siyang kiligin noh.

"Naks naman. Akala ko ayaw mo magpakasal sa akin eh. Talagang magwawala ako dito kung nagkataon." lalo namang kinilig si Kelly sa sinabi nito. "Teka nga lang. Bat ka ba nakatungo diyan huh? Tumingin ka nga sa akin." aniya habang pinipilit itunghay ang mukha ni Kelly.

Nang magkatingin sila sa mata, tinitigan siya ng maigi ni Daryll sabay ngiti. "Damn. Ang ganda mo talaga. I love you, queen." ani Daryll sabay halik sa pisnge ni Kelly.

Napangiti naman lalo si Kelly. "I love you too, King."

Sa kabilang banda, parehas namang natulala si Mommy K at Tita Negs sa nasaksihang sweetness nila Kelly at Daryll. Nagkatinginan ang dalawa at tila nag-uusap sa mata. "Beks nakita mo yun? Marunong na pala makipag-LP ang baby natin. Sayang di ko makita yung whole face, naka-shagilid kasi eh. Pero infairness, mukhang yummy." sambit ni Tita Negs habang nakatingin parin kanila Kelly.

"Gaga! Anung LP ka dyan?! Malay mo sa pisnge lang siya hinalikan kasi di naman natin kitang kita dito at natatakpan sila. Atsaka masyado pang bata ang Kelly ko para magawa yun noh." ani Mommy K sabay irap.

"Anu bang iniisip mo dyan bakla? Ang sabi ko LP, ibig sabihin Lips to Lips. Masyado kang green minded e. Akala mo siguro lap- mmpp-" naputol si Tita Negs sa pagsasalita dahil tinakpan na agad ni Mommy K ang bibig niya. "Manahimik ka na nga lang dyan! Bwiset!"

"Aysus. If I know nahihiya ka lang dahil sa pagiging green minded mo." ani Tita Negs atsaka humalakhak. "May sinasabi ka ba negra?"

Agad namang umiling si Tita Negs. "Wala. Tara pasok na tayo sa loob at baka maabutan pa tayo nila Kellybells dito." aniya sabay hila kay Mommy K sa loob ng bahay.

Sakto namang pagkapasok nila ay siya ring pagtapos ng harutan este usapan nila Kelly at Daryll.

"Ready ka na King?" ani Kelly.

"I'm always ready Queen." sagot naman ni Daryll sabay kindat.

"Basta Ryll wag kang kakabahan huh?"

"Of course not. Wala ka bang tiwala sa akin Queen?" ngiting ngiti na sabi nito. "Edi ikaw na." sagot naman ni Kelly.

Pagkapasok nila ay nakita nila sila Mommy K at Tita Negs na busy sa pag-aayos sa kusina.

Tumikhim si Kelly para makuha ang atensyon ng dalawa. Lumingon naman silang dalawa pero mukhang natigilan si Mommy K ng makita si Daryll.

"Ikaw?!" nakangiting sabi ni Mommy K.

"Huh? Magkakilala kayo?" magkasabay na tanong ni Kelly at Tita Negs. Sunod-sunod naman na tumango si Mommy K.

"Daryll Lopez po, boyfriend ni Kelly." ngiting ngiti na sabi ni Daryll.

Itutuloy...


My Father Is A Gay (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon