Chapter 2

8K 204 8
                                    

Remember Me

"You know him." Laura said in a matter of fact tone. I shrugged and shook my head. No. Hindi ko siya kilala. Sigurado ako dun. Pero...why does he look so familiar?

I sighed and finally looked at my bestfriend na ngayon ay nakacrossed arms habang ang isang kilay ay nakataas na nakatingin saakin. Suminghap ako bago nagsalita.

"Hindi ko nga siya kilala, Laura. Totoo ang sinasabi ko." seryoso kong saad habang nakatingin diretso sakanyang mga mata para iparating na hindi ako nagsisinungaling.

"Then how will you explain this?" tukoy niya sa drawing ko. Marahan akong umiling habang nakatitig lang sa papel. God knows, wala akong kaide-ideya sa mga nangyayari ngayon. It seems so impossible but...it's happening.

Bumuntong hininga ako. "I don't know." bulong ko.

"You can sit wherever you want Mr. Hellvard." Napaangat ang tingin namin pareho nang biglang magsalita ang propesor namin. Nanginginig na ang labi ko sa kaba. Kabang hindi ko alam ang dahilan.

"But as long as it's vacant, ofcourse." humalakhak ang propesor namin sa sarili niyang joke. Pero ni hindi man lang nagbago ang ekspresyon nung Damon. Nanatiling malamig ang aura niya habang diretso ang tingin sakin. His eyes are pitch black and it makes my knees weak. Gustuhin ko mang mag-iwas ng tingin ay hindi ko magawa. Para bang may magnet ang bawat titig niya na kahit anong gawin mo, hindi mo kayang tumingin sa iba. Ganun kalakas makahatak ang presensya niya.

Napalunok ako pero nanatili ang titig namin sa isat-isa. Labis-labis ang pintig ng puso ko nung malapit na siya sa pwesto ko. Sa kaliwa ko nakaupo si Laura habang sa kanan ko naman ay bakante. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Pero nang nilagpasan niya ako ay agad akong bumuga ng hangin. Dumiretso siya sa may likuran banda. Isang pwestong kitang-kita ako kaya malaya siyang tingnan ang mga kilos ko.

"Okay, naniniwala na ako. Kahit na halos magtunawan na kayo sa kakatitig sa isat-isa." ani Laura.

"H-Hindi naman ako ang tinitingnan niya." depensa ko saka namula ang pisngi.

"Sus, deny ka pa! Alangan namang ako ang tinitingnan niya diba? Hays asa pa ako. Eh tuwing magkasama tayo lage akong napagkakamalang yaya mo." irap niya, tumawa ako.

"Uy, hindi naman."

"Anong hindi? Wag na nga tayong maglokohan, Gel. Oo na, tanggap ko na na pangit ako. Wala akong magagawa e malamang sa sobrang tamad ko nung nagpasabog si Lord ng kagandahan, natutulog ako. Kaya heto ang resulta. Tsk."

Napahalakhak ako pero agad ding napawi ang ngiti sa labi ko nang may mahagip ang mata ko na isang itim na ibon. Hindi ko alam pero mukhang saakin nakatingin yung itim na uwak. Nakatitig lang ako dito ng ilang sandali at pagkatapos ay biglang tumahimik ang lahat. Napatingin ako sa katabi kong si Laura at nagtaka ako na nakatulala lang siya habang tahimik. Ganun din ang iba ko pang kaklase. Sa takot ay napatayo ako at agad na tumakbo palabas ng klasrum. Pero bago pa ako makalabas ay biglang may isang lalaking sumulpot sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ito.

"D-Damon..." Napalunok ako.

"Finally, we met, my angel." Ngisi niya.

"Anong pinagsasabi mo? A-Atsaka...kilala mo ako?" turo ko sa sarili ko habang naguguluhan na nakatitig lang sakanya.

"I've been watching you from afar. Keeping you away from danger. Making sure you're safe so that when the right time will come...you will be mine, completely." sabay hawak niya sa pisngi ko. Kinilabutan ako sa hawak niya. His hands were warm.

"H-Hindi ko maintindihan. Pinagloloko mo ba ako? Right time? To be yours? No, I will never be yours. Hindi kita kilala. Malay ko ba na sasaktan mo lang ako. Atsaka..." tumingin ako sa paligid at may biglang naalala. "Wait..is this a dream?" bulong ko sa sarili pero tama lang para marinig niya.

"Tama, panaginip lang ito. Hindi ka totoo." saad ko habang palihim na kinukurot ang sarili, nagbabakasakaling baka magising ako sa panaginip na ito.

This is just a dream. Madalas akong magkaron ng panaginip na ganito. Weird things happen in my dreams. Yes, this is just like any other dreams I had.

Biglang siyang ngumisi habang umiling-iling. "No, Angel. This is not a dream. Stop hurting yourself." Mariin niyang saad at agad na hinablot ang braso kong kanina ko pa kinukurot. Napaso ako sa hawak niya at ganun din siya kaya agad niya akong binitawan. Tumiim ang bagang niya habang nakatingin diretso sa may leeg ko. Biglang naging kulay pula ang kaninang itim na itim niyang mga mata. Napaatrass ako sa takot habang nakahawak sa kwintas kong lageng pinapasuot sakin ng mga magulang ko kahit san man ako magpunta.

"Remember this day, my Angel. Remember me." He hissed then just disappeared infront of me.



@missimihmih's

Alam kong walang kwenta ito kaya wag niyo na ipamukha. Oke bye! hhahahahahahaha xx

Obsession Series II: TDPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon