It'd be awesome if you'll leave some comments! :)
---------
Polaris
Nagising ako na hinihingal sa aking kama. Suot-suot ko parin yung damit ko kahapon. Tumayo ako at tiningnan ang orasan.
8:45 P.M
Dinungaw ko ang bintana at nakitang madilim ang paligid. Gabi na?
Bumaba ako ng hagdan at nakita ko sila Mama na naghahanda ng hapagkainan. Kumunot ang noo ko.
"Oh, hija, nakatulog ka? Halika at kumain na tayo. Nagluto ako ng paborito mong ulam. Sinigang na hipon." Ngumiti si Mama.
Alanganin kong sinuklian ang kanyang ngiti.
Ano to?!
Anong nangyayari?!
"Ano pong araw ngayon, Mama? Friday na po ba?"
Kumunot ang noo ni Mama, "Thursday palang ngayon, anak."Kinagat ko ang labi ko.
"Okay ka lang ba, anak?" Tanong ni Papa nang mapansing tulala ako sa kawalan. Pilit ko pang inaabsorb ang mga nangyari.
So.. panaginip lang ang lahat ng 'yon? So ibig sabihin halos dalawang oras lang akong nakatulog pero.. ang daming kababalaghang nangyari sa panaginip ko.
Si Damon.. ay isang demonyo. T-Tapos si P-Polaris ay pinatay niya. Panaginip lang 'yon?
Hinawakan ni Papa ang kamay ko kaya bigla akong nabalik sa realidad.
"Angeline,"
Tiningala ko siya. "P-Po, Papa?"
Tiningnan niya ako ng mabuti. "Ayos ka lang ba? Bakit parang wala ka sa sarili?"
Lumunok ako ng laway. "O-Okay lang po ako, Pa. Gutom lang po ako. Kain na po tayo?" Pinilit kong pasiglahin ang tono ng boses ko kahit na halos hindi na ako makahinga sa kinauupuan ko. Ang bilis na rin ng tibok ng puso ko.
"Ganun ba? Oh edi kumain ka ng marami." Ngumisi si Mama.
Ngumiti din ako atsaka sumandok na ng kanin at ulam. Agad akong sumubo ng marami. Pero habang kumakain ako ay lumilipad parin ang isip ko.
Hindi pala totoo ang lahat. Walang namatay. Buhay si Polaris!
P-Pero si Damon. Hindi naman ako siguradong demonyo siya. Kung panaginip lang ang lahat bakit parang totoo? Naweweirduhan na ako kay Damon. Bakit sa dinami-dami ng tao... siya pa ang pumasok sa panaginip ko? At higit sa lahat.. bakit isa siyang demonyo sa panaginip ko?
Masama ang mag-isip ng masama sa kapwa. Kaya pilit kong binubura sa isipan ko na si Damon ay isang demonyo. Imposible, d-diba?
Malaki ang posibilidad na lahat ng mga nakikita ko ay pawang mga ilusyon ko lang. Mga gawa-gawa lang ng isip ko.
"Angeline," Nagulat ako nang mariin akong tinawag ni Papa. Para bang may ginawa akong hindi tama.
"P-Po?"
"May nakalimutan ka ata." Malamig na saad nito. Kumunot ang noo ko.
"Anton, b-baka naman gutom lang talaga ang anak mo. Hayaan mo na." Pilit pinapakalma ni Mama si Papa.
Wala parin akong imik. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila.
Bumuntong hininga si Papa, "Papalampasin ko ito, Angeline. Pero hindi kita pinalaking ganyan. Bakit parang.. parang nakakalimutan mo na ang tinuro namin sayo? Ni hindi ka na marunong magdasal bago kumain." Saad ni Papa na puno ng dismaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/29627658-288-k592213.jpg)
BINABASA MO ANG
Obsession Series II: TDP
Mystery / Thriller"You can't get away from me, Angel. No matter how far you go, I'll always find you. You can't escape me, baby. Never." The Demon's Possession