Oh my god!
Nakarinig ako ng mga taong mahina na nagbubulungan sa paligid ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sakin ang nag-aalalang mukha ni Laura.
"Angeline!" aniya at mabilis na lumapit sakin.
"Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?"
Hindi ko siya sinagot. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at napagtantong nasa clinic ako.
"Oh my gosh! Hindi niya na ako naaalala. Nurse, baka may amnesia ang kaibigan ko dahil nabagok ang ulo niya nung nawalan siya ng malay kanina!" natatarantang saad ni Laura. Napatingin ako sa direksyon niya.
"L-Laura," tawag ko.
Inilapit niya ang mukha niya saakin. Sobrang lapit na para bang may gusto siyang tingnan sa mga mata ko. Ang weird.
"Jusko, salamat naman!" mahinang saad niya sabay tingin sa taas. Napatingin din ako dito at tanging bumbilya lang na umiilaw ang nakikita ko.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya ulit. Tumango lamang ako.
"Ano ba'ng nangyari sayo kanina? Bigla-bigla ka lang tumakbo palabas tapos nung hinabol kita bigla kang...nawala." pahina nang pahina ang bawat bigkas niya sa mga salita. Kumunot ang noo ko at nagtataka dahil taliwas ang sinasabi niya sa nangyari.
Kinabahan ako bigla.
"S-Si D-Damon..." bulong ko sakanya sabay hawak sakanyang kamay.
Kumunot ang kanyang noo.
"Damon?" Napahinto siya at nag-isip. "Ah! Yung bagong kaklase natin na sobrang gwapo at hot?"
Oo, atsaka sobrang weird at nakakatakot din.
"Teka, kagigising mo lang dahil nahinimatay ka tapos siya agad ang hinahanap mo? Tapatin mo nga ako, Angeline, stalker ka ba nun? Kilala mo na ba siya bago pa man siya pinakilala ng prof natin kanina?" Mapanuring tanong nito pagkatapos ay inabot ang bag niya at may hinalungkat dito.
"Ito...itong drawing mo na itim na anghel, kamukhang-kamukha nung Damon. Tell me honestly, are you obsessed with the guy?"
Nanlaki ang mga mata ko.
No!
Ofcourse not.
I never even met him pero...bakit iba ang nararamdaman ko? I feel like I've known him since then. Para bang kilala na namin ang isat isa. The way he looked at me with his fiery red eyes...nakakatindig balahibo.
"N-No," napapaos na saad ko.
Napalunok ako.
"Believe me, Laura, hindi ko nga siya kilala. But weird things are happening. I don't know how to explain it pero pakiramdam ko kilala ko siya...si Damon! Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. I think I'm crazy!" histerikal na saad ko.
Yung nangyari kanina...or did it even happen? When Damon touched me at pareho kaming napaso. It was weird. Too weird to be real. So I assume and hope na panaginip lang 'yon. Maybe I can't remember what really happened earlier. Siguro yung nangyari saamin ni Damon ay imahinasyon lang ng utak ko. His eyes can't be real. Fiery red like fire? Imposible namang contact lense lang iyon. Right, it was just a dream. I know and I hope so...because if not, I don't know how to deal with it.
Nanliit ang mga mata ni Laura.
"Paanong nangyari yun? At itong drawing mo, how was it possible that you've drawn the exact features of him without even seeing nor knowing him beforehand?"
I inhaled sharply and looked away. Basa na ng pawis ang mga pasmadong kamay ko. Kinakabahan ako...No...natatakot ako sa mga nangyayari. Masyadong imposible pero bakit...bakit nangyayari?
Muli kong tinapunan ng tingin si Laura. "L-Laura...gusto ko nang umuwi, please."
I want to get out of this place. I want to be away from him...from Damon. I want to go somewhere safe and the first thing that came to my mind is home. I wanna go home.
"Wha-Why? Now? Magpahinga ka muna dito habang may klase pa ako para naman masamahan kita pag uwi. Or if you want, I can skip class for today tapos ihahatid kita."
I immediately shook my head to say no.
"Di, okay lang ako, Lau. I can handle myself." I reassured her.
"I won't take the risk, Ange. Baka kung mapano ka..."
"Okay lang talaga, Lau. 'Di ba may quiz kayo ngayon sa major subject mo? You can't afford to skip it. Major subject mo yun. Trust me, kaya ko ang sarili ko." I smiled. She stared at me for a while bago bumuntong hininga at dahan-dahang tumango.
"If not because of that stupid test, hindi kita papayagang umuwi mag-isa lalong lalo na ngayon."
Tumawa ako ng bahagya.
"Sige na po, 'nay. Baka malate ka pa sa klase mo." I giggled. Nagsalubong ang mga kilay niya bago umirap.
"Okay, fine. Basta itext mo ako agad pagkauwi mo ha?" I nodded.
I waved goodbye pagkatapos ay kinuha ko na din agad yung mga gamit ko para makaalis na. Muntik pang mabasag yung baso sa tabi ng bag ko dahil sa pagmamadali ko.
Shit. Calm down, Angeline.
Tumigil ako atsaka tumingala para pakalmahin ang sistema ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng ganito kahit na alam kong wala naman si Damon sa paligid ko. I just feel so scared kase pakiramdam ko laging may nakatingin sa bawat kilos ko. I gulped and felt my heart racing fast.
Pagkalabas ko ng clinic ay agad na sinalubong ako ng malamig na ihip ng hangin. Nagtaka ako dahil biglang parang uulan. Nevertheless, dire-diretso lang ako palabas ng campus. Mahigpit na hinahawakan ko ang strap ng bag ko. Tumingin ako sa paligid at nakitang may kaniya-kaniyang mundo ang mga tao. Pero agad akong napatigil nang mahagip ng mga mata ko ang isang itim na uwak. Diretso ang tingin nito saakin kaya kinabahan ako. Halos takbuhin ko na ang daan palabas ng campus sa sobrang takot. Lage kong binabalingan ng tingin yung itim na uwak. Lumilipad ito at sinusundan ako. Lalo akong natakot nang tinatahak ko na yung madilim na hall ng lumang nursing building. Napapikit ako nang bigla akong mabunggo sa isang matigas na bagay.
Napadaing ako sa sakit.
"Miss, okay ka lang?" nagulat ako nang biglang may magsalita. Tumingala ako at napagtantong tao...isang lalake pala ang nakabangga ko.
Tumango ako habang tinutulungan niya akong tumayo. He held me close...sobrang lapit na pwede na kaming maghalikan. Nang makatayo na ako ng maayos ay hindi niya parin ako binibitawan. His arms are encircled around my body and waist. Nagsalubong ang mga tingin namin. We were only inches away from each other. Pero agad naagaw ang pansin ko ng isang lalakeng umaapoy na nakatayo sa likod niya. May mga pakpak ito na itim at ang mga mata nito ay pulang-pula na parang apoy habang nakatitig sa amin...sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ito.
"Oh my god!"
@Missimihmih's
Tell me your opinions guys! Feel ko ang boring na eh. Hahahahahhaha tuloy pa ba? chareng
BINABASA MO ANG
Obsession Series II: TDP
Mystère / Thriller"You can't get away from me, Angel. No matter how far you go, I'll always find you. You can't escape me, baby. Never." The Demon's Possession