Chapter 5

6.8K 177 15
                                    

Chap dedicated to @JessicaSamiGeronimo :)

------

Tamang Panahon

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Mama at Papa nang lingunin nila ako.

"A-Angeline, anak, kanina ka pa ba jan?" Kinakabahang tanong ni Mama.

Dahan-dahan akong tumango. "Opo, Mama, narinig ko ang pinag-usapan niyo. Kaya pakiusap po.. w-wag na kayong magsinungaling saakin. May ideya na po ako." Napahikbi ako.

Isa-isang naglandasan ang mga luha sa mga mata ko. Ang sakit isiping buong buhay ko ay isang malaking kasinungalingan. Lahat ng pinaniniwalaan ko ay hindi pala totoo. Ampon ako?

"Hija, tumahan ka." Nilapitan ako ni Mama at niyakap. Humagulgol ako sa dibdib niya.

"Ma, Pa.. a-ampon ba ako?" Nanginginig ang labi ko habang tinatanong sila. Pumikit ako. Ayoko. Ayokong makita ang katotohanan sa mga mata nila. Sapat nang marinig ko lang kase.. sobrang sakit na.

Narinig ko ang sabay na pagsinghap nila. Hindi ako dumilat. Ayoko. Hindi ko kaya.

"Anak, nagkakamali ka." Rinig kong saad ni Papa. Agad akong napadilat at tiningan silang pareho.

"Ano po?"

"Makinig ka, hija, hindi ka ampon. Ako ang lumuwal sayo. Kami ang pamilya mo. Saakin ka galing." Maluha-luhang saad ni Mama habang may munting ngiti na nakasilay sakanyang labi.

Napalunok ako. "T-Talaga po? Pero narinig kong may kukuha saakin."

Nagkatinginan sila Mama at Papa at batid ko ang tensyon sa kanila. Nag-iwas ng tingin si Mama at hindi nakaligtas sa akin yung nakita kong luha na tumulo sa isa niyang mata.

Tiningnan ko si Papa. "Pa? Ano pong ibig sabihin nun?"

"Anak.. w-wala 'yon."

Nagsisinungaling si Papa. Alam ko.

"Pa, please, wag na kayong magsinungaling saakin. Diretsuhin niyo ako."

Bumuntong hininga si Papa. Hindi parin tumitingin si Mama. "Angeline, ang ibig sabihin lang namin ay.. uhh, baka kase iwan mo na kami ng Mama mo. Dalawang taon, labing-walo ka na nun. Baka lang naman maisipan mo nang mag-asawa at magsarili pagkatapos ay iiwan mo na kami."

Bigla nanlaki ang mata ko. Ganun din si Mama. Parang gulat sa sinabi ni Papa.

"Ano?! Ma, Pa.. ang advance niyo naman pong mag-isip!" Maluha-luha kong sambit pero natatawa na ako. Yun lang pala ang dahilan nila?

"Ah.. o-oo naman, anak. Alam mo namang nag-iisa ka lang naming anak tapos may k-kukuha pa sayo p-pagdating ng panahon.." Nanginginig ang labi ni Mama.

Alam kong ang future husband ko ang tinutukoy nila. Ayaw pa siguro nila akong pakawalan kase nga nag-iisa lang nila akong anak. Pero kase.. parang iba.. parang doble ang meaning.

Pero sa tingin ko nag-ooverthink lang ako.

"Mama, hindi ko po kayo iiwan kahit na mag-aasawa na ako. Kung saan ako titira, doon din kayo. Hindi pwedeng maghiwalay tayo. Ako ang mag-aalaga sainyo, diba?" Niyakap ko si Mama. Nakita kong nakangiti lang si Papa habang tinitingnan kaming dalawa.

Naramdaman kong humikbi si Mama sabay bulong ng mahina na parang ayaw pang iparinig saakin, "Sana nga, anak.. sana pwede."

LUMABAS na ako ng bahay. Tuwing umaga ay naglalakad lang talaga ako papunta ng kanto kung saan ang sakayan. Pagkalabas na pagkalabas ko palang ng gate namin ay agad na bumungad saakin yung nakakatakot na lumang bahay sa tapat namin. Tinitigan ko ito ng matagal at napagtantong wala namang weird dito. Kagabi.. malamang ay guni-guni ko lang 'yon. Nagdasal ako bago lumabas at humingi ako sa Diyos ng patnubay at gabay. Masyado na yata kase akong nagpapadala sa aking takot. Nakakalimutan kong andito pala ang Diyos.

Obsession Series II: TDPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon