Chapter 4

6.7K 164 6
                                    

Dalawang Taon

Kitang-kita ng dalawang mga mata ko. May pakpak siya, umaapoy at..pula ang kanyang mga mata. Imposibleng namamalikmata lang ako. Totoo ito. Totoo siya..

"Miss? Ayos ka lang ba?"

Nabaling ang atensyon ko sa lalakeng kaharap ko. Masyado parin siyang malapit sa akin. Naaasiwa ako. Nang mapansin niya ito ay agad siyang lumayo at humingi ng paumanhin.

"Oh..sorry," Nahihiyang napakamot ito sa ulo. I stared at him. He's got dimples and a fair skin. Medyo spikey yung buhok niya at yung mukha niya ay very define. All in all, he's good. Gwapo actually. Pero..wala akong pake. Hindi ito ang tamang panahon para pansinin ang features niya.

Nilampasan ko siya ng tingin at pilit na hinanap si Damon sa pwestong huli ko siyang namataan pero wala...wala ng tao doon.

Napakunot ang noo ko. Nasaan siya? Imahinasyon ko nanaman ba ang lahat?

"Uhh, Angeline?"

"Hmm?" Wala sa sariling sagot ko. Ni hindi ko nga napansin na alam niya ang pangalan ko. Masyado akong nag-iisip kung nasaan siya. S-Si Damon.

"May hinahanap ka ba?"

Napalingon din yung lalake sa kanyang likuran. Doon na ako napabaling sakanya.

"Ahh...wala naman." Napakagat ako ng labi. "S-Sige, mauna na ako sayo ha? Sorry ulit." Akmang aalis na ako nang pigilan niya ako.

"S-Sandali lang," Tiningnan ko siya. "Hindi mo ba ako naaalala?"

Napaisip ako. Pamilyar ang mukha niya.

Pero hindi kasing pamilyar ng mukha ni Damon.

Nanlaki ang mata ko sa naisip. Damon. Damon. Damon. Bakit ba lage nalang siya ang iniisip ko? Ilang oras palang nang makita ko siya pero parang obsess na obsess na ako sakanya. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari saakin.

"Sorry pero hindi eh." Alanganin akong ngumiti.

"Ganun ba," Napakamot ulit siya sa kanyang ulo. "Naiintidihan ko naman. Ako nga pala si Polaris. Bago lang ako dito. Actually, magkaklase tayo. Kasama ko si Damon na pumasok kanina sa classroom niyo." Ngumiti siya. Susuklian ko na sana yung ngiti niya kaso bigla niyang binigkas ang pangalan na nagpatayo ng balahibo ko. Pagkatapos ay parang biglang humangin ng malakas.

"Kilala mo si Damon?" Biglang dumulas mula sa dila ko ang tanong na ito. Nakita kong napataas ang kilay ni Polaris.

"Hindi. Sabay lang kaming pumasok kanina. Bakit mo natanong?"

Nanlaki ang mga mata ko. Inilibot ko ang mga mata ko para maghanap ng tamang salita para isagot sa tanong niya. Pero halos mamutla ako nang mahagip ng mata ko si... Damon. May itim na pakpak, pulang mga mata at may mga apoy na nakapaligid.

Napakurap ako.

Imahinasyon nanaman ba?

"Okay ka lang? Namumutla ka ah," Biglang lumapit si Polaris at hinawakan ang magkabilang mukha ko. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko upang matingnan ng mabuti ang labi ko. Yung hintuturo niya ay inilagay niya sa baba ko at bahagyang hiniwalay ang aking namumutlang labi. Pero ang mga mata ko ay nakatuon lang kay Damon na umaapoy sa likod. Mukha siyang galit na galit. Kanina habang papalapit nang papalapit ang mukha ni Polaris saakin ay lumalakas ang apoy sa kanyang mata at paligid. Nakita kong humakbang siya papalapit sa amin kaya napaatras ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang seryosong naglalakad palapit saakin. Halos mawalan na ako ng hininga sa sobrang takot. Hinawakan ko ang kamay ni Polaris.

Obsession Series II: TDPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon