Chapter 1

13K 286 37
                                    

Weird.





 

It’s dark.

 

Silent.

 

There’s no light yet there’s something on the corner. Then I heared noises. A cry of pain. Bigla akong kinabahan. Where am I? The only question running on my mind. I don’t know where I am. I don’t know how I even I got here. Hindi ko alam...pero masama ang kutob ko. I can feel danger everywhere.

Then, something got my attention. There’s something on the corner, something I can’t explain.  Mysterious. Devious. I’m afraid. I’m paralayzed. Kahit na hindi ito gumagalaw, yung pulang ilaw sa mga mata nito ay para akong hinihipnotismo. Bigla akong napapikit sa takot. I silently prayed and wished this is all just a dream. Oh no, scratch that. This is not a dream. This is a nightmare I’ve always been afraid of.

I opened my eyes and saw the red glow in it’s eye. It’s still there. It doesn’t speak. It just watches me. I blink....it’s gone.

 

Agad akong napabangon at pilit hinahabol ang aking hininga. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo at lumunok ng maraming beses.

It’s the same dream again, natatakot na bulong ko sa hangin.

I stood up and went directly to my bathroom para maghilamos. Pagkatapos ay bumaba na ako at nadatnan ang mga magulang ko na masayang nag-uusap sa may hapag-kainan.

“Angeline, hija...” ngumiti ako kay Mama atsaka hinalikan ang kaniyang kaliwang pisngi. Ganun din ang ginawa ko kay Papa bago ako umupo.

Tahimik lang ako habang kinakain ang agahan na ginawa ni Mama. Hindi parin maalis sa isip ko yung masamang panaginip ko. Nakakapagtaka. Halos gabi-gabi ay pareho lang ang napapanaginipan ko. Paulit-ulit ang mga pangyayari. Na para bang may gusto itong iparating saakin.

I looked up when I heard Papa cleared his throat. Nakita kong nakatingin sila saakin na may pag-alala sa kanilang mga mukha. I tried to stifle a smile but failed.

“Hija, okay ka lang ba?” tanong ni Mama atsaka inabot at marahang hinaplos ang kamay ko. I just stared at our hands and did not utter a word.

“May problema ka ba, Angeline? Pwede mo namang sabihin saamin ng Mama mo kung ano man yan.” Sabi ni Papa pero hindi na ako nag-abala pang tingnan siya. Nakatitig lang ako sa kamay ni Mama na hanggang ngayon ay hinahaplos-haplos parin ang kamay ko. I arched my brow and stared carefully at the scar on my mother’s hand. It looks different. Parang sinadya ang hugis nito. Isang maliit na bilog na may bituin sa gitna. Mas lalo ko pang pinaliit ang mata ko para masiguro ko kung tama ba yung interpretasyon ko. Dahil kung hindi ako nagkakamali, parang nakita ko na ito noon pero hindi ko lang alam kung saan at kalian.

“Mama, anong nangyari sa kamay mo?” tanong ko habang nakaturo dun sa peklat sakanyang kamay. Akmang hahawakan ko sana ito pero mabilis na itong inilayo saakin ni Mama.

“W-Wala ito...” nauutal at parang kinakabahang sagot ni Mama na mas lalong ipinagtaka ko. She sounds defensive. Halatang nagsisinungaling siya.

“Mama, gusto ko lang malaman kung ano—“

“Stop, Angeline!” Sigaw ni Papa atsaka pinalo ng malakas ang mesa. Fear was visible in my eyes when I looked at Papa. He’s breathing was uneasy like Mama. Malakas talaga ang kutob ko na may tinatago sila saakin. Pero ano yun?

“Angeline, baby...” Papa called me as his face softened. Agad nawala yung kaninang galit na nakita ko sa mukha niya at mabilis na lumapit saakin. “I’m sorry.” He hugged me and I hugged him back. And for no reason, tears start to fall from my eyes.

Obsession Series II: TDPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon