Chapter 3

62 5 0
                                        

Pagka-tapos kong mag-ayos at pakalmahin ang sarili ko, lumabas na ako mula sa restroom. Ilang minuto rin yata akong nandoon sa loob. 


*kringgggg kringgggg*


Someone's calling. Tinignan ko ang Caller ID. I saw Rain's name in it. So I answered it.


Hello?

(Hello Bes! Hehehe. I just want to ask you kung gusto mo sumama samin ni Abi dito sa Mall? Magla-lunch lang)

Ayy ganun ba, sige, nandito kasi kami ni kuya sa Bridgestone. Papaalam lang ako, gusto ko din magpalamig ng ulo

(Why? Nag-away na naman kayo ni Nate?)

Hindi noh, basta, Ill tell you girls nalang mamaya

(Bye, see you later!)

Okay, see you!

*toot toot*


Dali-dali akong nagpunta kay kuya para ipaalam ang magaganap na date namin ng mga kaibigan ko. Tumungo ako sa kwarto namin. Kumatok ako, baka mamaya nagbi-bihis pala siya.

*tok tok tok*

"Xy, is that you? Pasok ka," sigaw ni kuya mula sa banyo, I think.

Nagulat ako kasi sobrang kalat ng kwarto. Parang dinaanan ng bagyo.

"Kuya ano ba naman to, dinala mo ba si Ate Mocha dito? It's so messy!" sabi ko.

"Whatever you think," sagot niya.

"By the way, kuya, pupunta ako sa mall kasama sila Abi, we'll be having lunch there."

"Ay ganun ba, sige, mauna ka na, basta magkita nlng tayo dun sa BDO para sabay na tayo umuwi mamayang gabi. Mga 7:00pm andun ka na ha, may aasikasuhin din pala ako." angil ni kuya mula sa banyo.

"Sige, kuya. Salamat. See you later. Text text nalang. Take care!'

"Bye!"

I rent a tricycle papunta sa mall. Nung nakarating na ako, sinalubong ako nila Abi, sakay ng kotse ni Rain na color black.

"Hi Xy! I missed you!" sabi ni Abi, yayakap dapat siya pero lumayo ako. "Ugh! Forget it, girl! 'Di ka pa nasanay saming dalawa!"

"Okay, hahaha tara kumain na tayo, gutom na ako, at tsaka girls, I have to tell you something mamaya," sagot ko.

"OMG. Let's go. I want to eat na," sabi ni Rain. Nasobrahan na naman sa ka-artehan 'tong babaeng 'to. 

Nag-hanap lang kami ng parking area at pumasok na sa mall. Nagha-hanap kami ng maka-kainan. Ang daming tinuturo ng dalawa na kung ano anong restaurant at fast food chains pero wala namang pinupuntahan.

"Aba Rain himala yata? Pinayagan ka ng parents mo gamitin yung kotse mo?" baling ko kay Rain. 

"Oo.. Mapagkakatiwalaan na naman daw kasi ako kaya ayun, pumayag sila," sagot ni Rain sa akin habang nagta-type ng kuna ano ano sa phone niya.

"Biruin mo yon? Nagtiwala sayo parents mo? Hahaha kami nga walang tiwala sayo eh. Hahahaha!" biro ni Abi kay Rain.

*PAK*

"Gaga ka!" sabi ni Rain pagtapos niya sampalin si Abi. Gaganti pa sana si Abi pero inawat ko sila.

"Tigilan niyo yan at ako ang sasapak sa inyong dalawa 'pag hindi niyo tinigilan yan," sabi ko kaya nanahimik yung dalawa.

A Moment to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon