Nagising ako dahil sa liwanag na nag-mula sa transparent na part ng bubong dito sa kwarto ko. Gahd. I'm sure na mami-miss ko na gumising ng walang alarm clock. I'm gonna miss summer! Mami-miss kong matulog ng 4am. Bakit ba kasi naimbento pa ang school? Natawa ako sa naisip ko.
Habang nag mu-muni muni ako sa higaan ko ay biglang nag-vibrate ang phone ko. There are two text messages. Binuksan ko 'yong una.
From: Nate
Good Morning Be! ♥♥ Kain ka na. Love you!
To: Nate
Good Morning! Ikaw, kumain ka na rin. Love you too :*
I checked the second message. It was from kuya. Ano na naman kayang sasabihin nito? Ang aga aga pa.
From: Kuya Xander
Good Moring Baby! Baba ka na dito, ready na yung almusal! Bilisan mo, pupunta tayong dalawa sa court ngayong araw di'ba?
Bigla kong na-alala na nagpromise nga pala ako kay kuya na maglalaro kami sa Bridgestone ngayon. Muntik ko nang makalimutan. So, I replied to him.
To: Kuya Xander
Good Morning din po kuya! Oo nga pala, I almost forgot! Sorry. Sige po susunod na ako diyan sa baba. Magaayos lang ako ng gamit.
Tinungo ko ang restroom at pag-tapos doon ay nagsimula na akong iayos ang mga gagamitin ko mamaya. Kinapa ko ang leeg ko at para akong sinuntok sa dibdib nang maramdaman ko na wala sa leeg ko yung kwintas ko. Nandoon sa kwintas na 'yon yung bigay ni Papa sakin!
Nag-simula akong kabahan at umiyak nang bahagya nang bumalik sa isipan ko yung oras na binigay ni Papa sakin yung singsing na yon, na nakasabit sa kwintas ko.
*Flashback
Naka-kandong ako kay papa at naglalaro kami nang biglang nag-iba ang tono ng boses niya. "Xyra.... anak, may ibibigay ako sayo ha? Nakikita mo 'to?" sabi niya habang pinapakita sakin ang singsing na hugis infinity. Ang cute naman, parang sinusuot nila barbie na mga rings!
"Opo papa! Ang cute naman po niyan!" sagot ko sa kanya na may malawak na ngiti sa aking mga labi dahil para sakin noon ay parang laruan lang ito.
"Alam mo ba na sobrang halaga nito kay Papa? Itong singsing na 'to ay galing pa sa Lola ni Papa. Ibi-bigay ko sa'yo 'to ha! Ingatan mo 'to, anak." hinalikan niya ako sa pisngi pag-tapos niyang ilagay iyon sa isang kwintas.
*End of Flashback
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nawawala yung kwintas! Naiinis ako sa sarili ko at hindi ko alam ang gagawin ko. The raindrop-like tears suddenly turned into a river of tears. Sobrang namimiss ko na si Papa. Pinunasan ko ang pisngi ko na basang basa na ng mga luha ko. It's been a decade after all.
Tumunog ang phone ko at chineck ko ito.
From: Nate
Sigi. Kakain na ako. Ikaw din po! ;)
Labas tayo bukas, sunduin kita diyan.To: Nate
Sure ♥
Nandito lang siguro 'yon sa bahay. Hahanapin ko na lang pag-uwi namin. Hindi naman siguro yon mahuhulog or mawawala. I tried to convince myself na nandito lang 'yon sa bahay, pero may sumasagi sa isip ko na nawala ko talaga 'yon. Ugh! This feeling sucks all the time!
Nag-ayos ayos muna ako ng sarili ko bago bumaba. Walang pasok si Mama at Kuya every Saturday's and Sunday's kaya sabay sabay kami kumakain ngayong araw na to.

BINABASA MO ANG
A Moment to Remember
Novela JuvenilCan forgotten memories be reminisced by the heart? Is a love forgotten a love worth fighting for? © All Rights Reserved 2015.