"At saan ka galing bata ka? Ha? I heard that your classes were suspended due to the suspected aftershocks. Sinong mga kasama mo?"
Dahan dahan kong ini-angat ang mukha ko kay kuya na nakapamaywang sa harap ng gate namin.
"Ahhh, may pinuntahan lang po...." nakayuko kong sagot.
"At saan ka pumunta? It's the first day of school for Pete's sake, Xyra! And worse, delikado! Sinong mga kasama mo?" angil ni kuya sa seryosong tono.
"Sila Abi at Rain po...." nakayuko at mahina kong pagsabi.
"Saan kayo nanggaling?" mabilis at deretso niyang tanong sakin. I feel his cold stare. He's pissed!
"Ayaw mo sumagot ha, teka...." sabi niya at inilabas ang phone niya at nagdial. I heard Abi's voice. Hindi ako pwedeng magkamali.
(Hello Kuya? Napatawag po kayo?)
I'm right! Si Abi nga. Lagot na talaga! Takot pa naman 'to kay Kuya.
"Ah, hello Abi.. May itatanong lang sana ako..."
(Ano po yon?)
I can feel my heart's every beat. Of all people? Bakit si Abi pa? She's so bad at lying! Kung sana si Rain na lang, mababawasan siguro ang kaba ko.
"Saan kayo galing ni Xyra?"
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba. Iba pa naman si kuya 'pag nagalit!
(Ahhh yun po?)
*tugdug*
*tugdug*
(Nagcomputer lang naman po kami, hehehe)
"Ahhhh, nagcomputer LANG kayo?" he emphasized the word. Sana lamunin na lang ako ng lupa ngayon. I can't bear kuya's anger!
Tumingin si Kuya sakin at nanliit ang mata.
Oh heaven and hell, devour me now!
(Opo. Hehehehe)
"Sige. Salamat. Sorry for the inconvenience. Baka may gagawin ka pa."
(Sige po kuya!)
*tooot tooot*
Binaba na ni kuya ang call. Now I'm dead.
"So, anong gagawin natin? Ha? Xyra Grace?" wika ni kuya habang nakatingin sa akin ng deretso.
"Kuya, pagod na ako. Bukas nalang po," nilampasan ko siya pero hinawakan niya ang braso ko.
"And where are you going? Anong bukas bukas? Pagod ka? Saan? Sa kaka-computer? Child, your reason is not even considered as one!"
"Kuya please. Nahihilo ako. Please lang," hindi ko na hinintay ang sagot niya at umakyat sa taas.
Pumasok ako sa kwarto ni Mama at humalik sa kanya. As usual, she's busy with her computer and paper works.
Palabas na ako ng kwarto niya nang bigla siyang magsalita, "Oh anak? Kumusta ang first day? Di ba kayo nadismiss ng mas maaga?"
"Ma, I'm sorry. Nahihilo po ako. Bukas na lang po."
"So you should take your rest. Goodnight, honey," tumayo siya at hinalikan ako sa noo. This feels good. Time is really flying. Palagi rin niya akong hinahalikan sa noo nung bata pa ako.
"Goodnight, ma. Don't stress yourself too much," niyakap ko siya saglit at tuluyan na akong lumabas sa kwarto niya.
Nagsimulang mamuo ang luha sa gilid ng aking mga mata. I suddenly missed papa. Pakiramdam ko, may malaking butas sa pagkatao ko na hindi na mabubuo pa kahit kailan. I feel so empty inside.

BINABASA MO ANG
A Moment to Remember
Teen FictionCan forgotten memories be reminisced by the heart? Is a love forgotten a love worth fighting for? © All Rights Reserved 2015.