Ohmygosh! It's the first day of school and I'm running out of time! Gusto ko sanang simulan ang taon na to nang hindi ako male-late but I woke up really late this day! Paano ko na magagawa yung New Year's Resolution ko nito?
Hindi ko alam kung paano ko nagawa lahat ng dapat kong gawin in 30 minutes. My first class will be starting at 8am but it's a relief to think na 10 minute-drive lang naman ang school namin mula dito sa bahay.
Bumaba na ako at nagulat ako nang makitang nandoon si Nate. Oo, si Nate.
Kasama si kuya. I suddenly felt conscious about how I look right now. Crap! Hindi ba siya marunong magsabi kung kailan siya bibisita?!Wala si mama tuwing umaga kasi madalas maaga siyang pumapasok sa opisina. She often eats with Ate Jhe, our maid.
"Goodmorning babe, come on. Let's eat," sabi ng loko habang nakangiti pero inirapan ko lang siya. Ang hilig masyado sa surprises!
"Goodmorning baby girl!" bati rin ni kuya sa akin.
"Good Morning din," bati ko sa kanila, "Anong ginagawa mo dito, ang aga mo naman," baling ko kay Nate habang inaayos ang silya na uupuan ko.
"Ayaw mo ba? Ihahatid sana kita," sabi niya, "Late ka na, kanina pa kaya ako dito."
"Eh? Bakit hindi ka man lang nagtext?" tanong ko habang kumukuha na ng pagkain ko.
"Wala, trip ko lang," sagot niya at napa-irap na lang ako sa reasoning niya. That one is so silly!
"Mamaya na kayo magdaldalan! Ikaw, Xyra kumain ka na at malelate ka na! First day na first day, late ka!"
"Opo," sagot ko at kumain na lang ako.
After namin kumain, nauna na kami ni Nate sa labas ng bahay. Sumakay na agad kami sa kotse niya.
"Anong masamang hangin ang nagdala sayo sa bahay?" tanong ko kay Nate.
"Wala lang. Naramdaman ko lang na namimiss mo na ako," sabi niya habang kumikindat kindat. I really don't know what to do with this guy! He's so adorable.
"What? Para naman mamiss kita eh, magkasama din tayo kahapon," sabi ko.
Hindi na siya sumagot at pinaharurot nang matindi ang kotse. Parang naiiwan ang kaluwa ko habang umaandar ang kotse niya. Oh gahd, I don't want to end up in heaven this early.
"Salamat, Nate ha! Sa susunod ulit. Una na ako!" sabi ko at hinalikan ang pisngi niya.
"Sige, labyu!" sabi niya sabay halik sa noo ko.
Nanakbo na ako sa room namin last year. Hingal na hingal ako kasi naman, nasa second floor pa yung room na 'yon. And to my surprise, my classmates are not here! It suddenly felt like all of my blood from my feet went straight to my head. Nalimutan ko na Seniors na nga pala kami, kaya magiiba talaga kami ng room! I'm so forgetful!
Kinuha ko saglit ang schedule ko. Nakita ko na ang bagong room namin ay sa room 66 at ang Supervisor namin ay si Mam Cups. Naalala ko bigla ang kwento ni Nate, na nagpapakanta yung teacher na 'yon pag late at walang assignment ang studyante. Now I'm doomed!
Tiningan ko saglit ang relo ko at para na naman akong sumali sa Ice Bucket Challenge nang makita kong 7:58 na!
My knees started to weaken nang maalala ko na ang mga buildings dito ay magkakahiwalay, ang building na una ay sa freshmen at syempre ang building kung saan kami ay ang ika-apat pa, ang Seniors' Building.
Pagkarating na pagkarating ko sa second floor, inisa isa ko ang mga signboard ng bawat pinto, mga nakabukas pa so, hindi pa nagsisimula! Nabuhayan ako ng loob nang makita kong bukas pa ang mga pinto. 63. 64. 65. I saw room 66 and the door slowly closed.

BINABASA MO ANG
A Moment to Remember
Fiksi RemajaCan forgotten memories be reminisced by the heart? Is a love forgotten a love worth fighting for? © All Rights Reserved 2015.