Ilang araw nang hindi nakikita ni Vance si Lex. Pagkatapos ng nangyari sa eskuwelahan nila ay tila iniiwasan na siya nito. Nang minsang inaya ni Vance si Lex na manood ng sine ay, sinabi nitong busy ito sa play na kung saan ay kasali ito. Nang yayain namn niyang kumain si Lex sa paborito nitong restaurant ay tumanggi ito at sinabing pagod raw ito kaya naisipan na lang na matulog sa bahay.
Hindi alam ni Vance kung bakit , pero ang lakas ng kutob talaga niya na iniiwasan siy ni Lex. Siguro pagkatapos ng pakkipag away niya sa Unibersidad nila ay hindi nito matanggap sa sarili na nasaktan siya dahil dito.
Mas hindi ako mapapalagay kung hindi ko ginawa iyon.
Grah!
Tumayo si Vance sa kanyang upuan at lumabas ng kanyang kuwarto. Walang tao sa bahay dahil umalis ang kanyang ina para bumili ng kakailanganin nito sa paggawa ng mango float. Lumabas siya ng Bahay at pumunta sa bahay ni Lex para kausapin ito. Pinagbuksan siya ng pinto ni aling Nita.
"Oh, andito na pala ang bespren ni Lex, halika pasok...may bisita nga lang si Lex pero alam ko na alam niya na darating ka . tara na." sabi ng ale sa kanya habang hinihila siya nito.
Bisita? Sino kaya yun......
Pagpasok ni Vance sa malaking bahay ni Lex ay may narinig siyang tawanan sa nagmumula sa dining area. Narinig niya ang nakakatuwang tawa ni Lex at ng Pinan nito. Ngunit may boses rin ng lalaki na sumasali sa dalawa. Nang makarating sa dining area ay nakita niyang nagkalat ang harina sa paligid at isang cake na tila nagmukhang gawa ng mga bata. Tiningnan niya si Lex, si Rianne...at si Eric. Natatakpan ang mga ito ng harina at icing. puno na ang mukha ni Eric ng blue na icing na sigurado siyang ipinunas ni Lex dahil may icing sa kamay nito.
Natigil ang tatlo sa ginagawa ng mga ito at napatingin sa kanya. Nakita niya ang bakas na gulat sa mukha ni Lex. Si Rianne naman ay napalaki ang mata at lumapit sa kanya. hinalikan siya nito sa pisngi at inakap.
"Oh my God Pogs! I missed you! It's been a while, huh? " tanong sa kanya ni Rianne.
"Y-yeah" tulirong sagot ni Vance. Hindi pa rin maalis sa kanyang paningin si Lex at si Eric. Parang sinasaksak ang puso niya ng napakaraming aspile. Bakit ganoon?
Nakita niyang nagpunas ng kamay si Eric sa pantalon nito bago inabot ang kamay sa kanya.
"Oy Pare, Eric nga pala. Nagkita na tayo noon sa clinic." saad nito sa kanya. Tinitigan niya ito ng ilang minuto at nakita niya sa mga mata nito ang uneasyness sa kanya..
Inabot niya ang kamay nito.
"Oo pare. Salamat nga pala ulit. Anong ginagawa mo pala dito?" diretsang tanong niya rito.
"Poogs..." pagbabantang sabi ni Lex. "Niyaya ako ni Eric na magkape sa labas, sabi ko sa kanya magbebake sana ako ng cake, so dito na lang kami sa bahay." pag explain ni Lex sa kanya.
"Aaah ganoon ba? Sige....pinuntahan lang kita Lex para sana kausapin, pero mukhang abala ka, so next time na lang..." sabi niya kay Lex. Yumuko ito.
"Pogs! Stay for dinner! I'm going to cook." sabi ni Rianne sa kanya bago ngumiti.
"Umm, I don't know, busy pa kasi ako eh....sa susunod na lang." sabi niya rito bago umalis.
Pagdating ni Vance sa bahay, umakyat siya ng kuwarto at nasapak ang pader. Galit na galit siya. Galit siya dahil ineentertain ni Lex si Eric, dahil iniiwasan siya ni Lex, dahil hindi niya masabi nararamdaman niya kay Lex...
Isa kang duwag...