Nagbabasa ng libro sa village park si Vance nang makita niya si Leo ang nag-iisa niyang kaibigan na lalaki sa buong subdivision nila. Basang-basa ito ng pawis at may nakaipit na basketball sa kaliwang braso nito.
“ ‘tol!” tawag nito sa kanya. Tinanguan niya ito.
Tumabi si Leo sa kanya bago sumandal sa bench at tinitigan ang mga batang naglalaro sa may playground sa hindi kalayuan.
“ ‘tol, ‘lam mo, dapat, lumalabas –labas ka rin ng kaunti. O kaya sumasama ka sa akin maglaro sa may court. Tingnan mo nga sarili mo oh, ampayat mo dre! Para ka pang anak araw sa kulay mo. Halatang hindi lumalabas sa arawan.” Pumalatak na sabi ni Leo.
Umiling si Vance rito. Kahit kailan ay pagpapapogi pa rin iniisip nito. Matagal na si Leo na ganito. Chickboy.
“Mas marami pa akong importanteng kailangang gawin , kaysa diyan , Leo.”
“Kaya nga ganyan ka oh, mukhang nerd....o baka naman may babae ka na?” tanong nito.
Natawa siya.
“Ako? May babae? Seryoso dre?”
“oo nga tol! Mas madali ka makakakuha ng chicks kapag nag-work out ka at nagpaitim ka ng kaunti, oks na! Heartthrob ka na.”
“Hindi ko kailangan ng mga chicks....” mahinang sagot niya sa kaibigan. Tinitigan siya nito ng matagal, bago nanlaki ang mga mata at sumuntok sa ere.
“I knew it! I knew it! Girlfriend mo yung lagi mong kasama no? Si Lex?” tanong nito sa kanya bago nakangisi.
Yumuko siya.
Kung sana nga lang ganun kami..pero hindi.
“Hindi ko girlfriend si Lex.” Sabi nito kay Leo.
“Weh? ‘tol seryoso ka? Eh parang halos di na nga kayo mapaghiwalay eh. Kapag nasasalubong ko kayo, lagi mo siyang kasama, pati mga community activities dito sa subdivision, lagi kayong partners nun...tapos sasabihin mo na hindi mo girlfriend si Lex.”
“Hindi ko girlfriend si Lex...kasi bestfriend ko siya.” He said to Leo matter-of-factly.
Umiling-iling ito.
“ ‘tol, bakit di mo sa akin kanina na friendzoned ka ni Lex?”
“Hindi naman ako na-friend zoned ni Lex eh.”
“Eh di ang hina mo ‘tol. Hindi mo pa binabakuran si Lex.” Sabi nito sa kanya.
“At bakit ko babakuran si Lex? Paano mo naman nasabi na gusto ko siya?” nagtatakang tanong niya kay Leo. Tiningnan siya nito bago tumawa.
“Kung ganoon , wala kang gusto sa napakagandang bestfriend mo? Mabuti yan ‘tol, kung ganoon, pwede ba kita gawing wing-man? Liligawan ko si Lex.” Sabi nito sa kanya.
Binatukan niya ito. Napasinghap ito sa sakit.
“Tarantado ka. Huwag kang gagawa ng kahit na anong “da-moves” mo kay Lex. Kung hindi, malalagot ka sa akin.” Matalim na tingin ni Vance kay Leo.
Pumalatak nanaman ito bago ngumisi.
“Loko to, tapos wala raw gusto. Utot.” Sabi ni Leo bago tumayo at naglakad palayo.
Shit naman. Seryoso kaya si Leo sa pipnagsasasabi niya kay Lex? Bakit ba kasi ang duwag duwag ko? Bakit ayaw ko pa sabihin kay Lex ang nararamdaman ko sa kanya?
“Kasi, natatakot kang mawala siya sa iyo, Vance.” Sagot niya sa sarili niyang tanong bago tumayo at naglakad papauwi.
Nang makarating sa bahay si Vance, naamoy niya ang mabangong merienda na luto ng kanyang ina. Pumunta siya sa kusina at naabutan niya ang kanyang ina na nagsasalok ng ginataang bilo-bilo sa isang kulay asul na Tupperware. Nang Makita siya ay ngumiti ito sa kanya.