Pogs wer na u?! Hir na me lobby tagal pa ba u? Tom jones na me :<
Natawa si Vance sa nakuha na text galing kay Lex. Susunduin niya ito sa skul nito at pagkatapos ay kakain sila sa labas dahil magcecelebrate sila ng pagiging dean’s lister nito.
Nireplyan ni Vance si Lex bago mag go signal.
Lapit na me. Konti na lang. Wag ka na umalis jan. Saad niya.
Nang makarating may nakita siya tila isang komosyon sa lobby. Pinark niya ang kotse sa tapat ng lobby at dahan-dahang naglakad patungo sa may komosyon. Biglang sumagi ang alala sa kanyang dibdib. Hanggang sa may narinig siyang pamilyar na boses sa komosyon na iyon.
“Ayoko nga sabi eh!” rinig niyang sigaw ni Lex.
“Wow..so feisty Ms. Fernandez! Sumama ka na sa akin. You don’t want me to be humiliated in this crowd....” boses na iyon ng isang lalaki.
Kita niya kung paano namula ang mukha ni Lex sa inis, tila hindi nito alam ang gagawin. Walang sa pag-iisip na hinawi niya ang mga tao at inakbayan si Lex. Bumakas ang gulat sa mukha nito ngunit hindi niya ito pinansin. Galit ang namamayani sa kanya lalo na sa ginagawa nit okay Lex.
“Narinig mo sinabi ni Lex. Wag mo na siyang guluhin.” Buong tapang na sabi niya sa lalaking ito. Magkasingtangkad sila, ngunit mas malaki ang katawan nito. Halatang naggygym ito. Pero sag alit niya rito alam niyang kayang kaya niya ito.
Tumingin ito sa mga kasama nito sa likod bago ngumisi sa kanila.
“Sino ka ba at nakikisali ka rito sa usapan namin ni Lex?”
“Boyfriend niya ako.” Sabi niya rito. Kumunot ang noo nito bago humagalpak sa kakatawa. Pagkatapos ay bumaling ito kay Lex.
“Are you fucking crazy? You chose him over me? Whatever, bitch. You’re not worth it.”Biglang nagpanting ang kanyang tainga.
“Bawiin mo sinabi mo.”
“Don’t you know who you are talking to?” madilim na mukha ng lalaki nito sa kanya. Gumalaw ang panga nito, isang senyales na alam niya mapapasubo siya rito. Naramdaman ni Vance ang paghawak ni Lex sa kanan niyang kamay. Nanlalamig iyon. Pinisil niya iyon para sabihin na magiging okay lang ang lahat.
“Vance tara—“
“I said, bawiin mo ang sinabi mo kay Alexandria.” Kalmado niyang usal.
Nabitawan niya si Lex nang bigla siyang itulak ng malakas ng lalaking umaaway kay Lex. Hindi niya ito pinansin, kaya mas nagalit ito at binatuhan siya nito ng suntok na mabilis niyang nailagan. Sinapak niya ito na tumama sa Ilong nito. Bumalandra ito sa lupa .Pagkatapos noon ay mabilis na ang mga pangyayari. Bigla na lamang siyang sinuntok ng mga kasama nito sa tiyan at balikat, nagkipagpalitan siya ng mga suntok rito ngunit tatlo ang mga ito at nag-iisa lamang siya. Wala siyang maramdaman na sakit. Puso lang niya ang kanyang naririnig at ang mga pagsinghap ng tao sa paligid niya. Naririnig niya si Lex na sumisigaw.
“Tama na! Tigilan niyo na si Vance!” sigaw nito. Ito nagiging lakas niya na kahit pinagtutulungan siya , nakakakawala pa rin siya ng sapak. Hanggang sa tinamaan siya sa mata ng isa sa mga suntok ng mga ito at bumagsak siya sa lupa.
“ Vance! Oh My God!” Tili ni Lex sa kanya. Nanlalabo ang kanyang mga mata hanggang sa dumilim ang kanyang paligid at nawala ang kanyang ulirat.
Nagising si Vance sa boses ni Lex. Idinilat niya ang kanyang mga mata, at nakita niya itong may kausap na lalaki na may hawak na icebag sa panga nito.
“Eric! Bakit hindi pa nagigising si Vance?! He’s supposed to be awake hours ago! Akala ko ba hindi ganoon kalala ang pagkakasuntok sa kanya ng mga kulupong ni Jerome eh bakit di pa siya conscious...?” nag-aalalang tanong nito sa lalaki.