Hey everyone!!! Chapter 1 na po ng story ko! Please rate and comment and of course enjoy ^_^
_______________________________________________________________________
"No."
"Sige na Pooooooogs! "
"No nga."
"Sige na Pooooooogs please! pretty please with sugar on top?!!!!"
"Ugh. Alexandria. You're unbelievable."
nagpout si Lex sa kanya. Napailing siya. Nagyayaya nanaman itong manood ng chickflick sa Libis. At siya nanaman ang niyayaya nito. Hindi sa ayaw niya samahan ito. Pero, sa totoo lang, magsasayang lang siya ng pera na manood kasama ito, habang ito naman ay iyak ng iyak at sisinghot singhot at papauluin siya kapag kinikilig ito.
"Pogs...sige na naman oh...miss na kita eh.." paglalambing nito sa kanya.
"Paano mo ako namimiss eh halos araw araw tayo magkasama?" tanong niya rito.
"Oo nga, magkasama nga tayo pero lagi ka naman gumagawa ng mga plates mo. Tapos ako daldal ng daldal di mo naman ako pinapansin..." tila nagtatampong saad nito sa kanya.
Ayaw man niya aminin, ngunit totoo ang sinasabi nito. Busy siya ngayon dahil sandamakmak na plates ang kailangan niyang gawin. Kaya kahit kasama niya ito ay di niya ito masyadong napapansin. Tumalikod ito at humalukipkip.
hays...Lex, ang ayoko sa lahat ay ang nagtatampo ka sa akin...alam mong ayaw kong umiiyak ka..
Lumapit siya kay Lex at ginulo ang buhok nito.
"Ay...nagtampo na po ang ale... Lex...smile na, sasamahan na kita manood. Pero bigyan mo ako ng dalawang oras para umidlip? kulang kasi tulog ko." sabi niya rito. Nakita niyang ngumiti ito. Lumiit ang mga mata nitong singkit.
"Thank you!" sigaw nito sa kanya. Nagtatatalon pa ito sa kanyang carpeted bedroom habang siya ay pumunta sa kanyang kama, humiga at pinagmasdan ito. Napangiti siya. Ang ganda-ganda talaga nito kapag ngumingiti, tumatawa... ang sarap titigan.
Napatigil ito nang makita siyang pinapanood ito. Bago ito tumakbo sa kanyang kama at patalon na tumabi sa kanya. Nadaganan nito angbraso niya.
"Aray!"
"Ay sorry..sorry.." natatawang sabi nito sa kanya. hinimas himas pa nito ang kanyang braso bago ito tumabi sa kanya at inakap siya. Ginawa nitong unan ang dibdib niya at nanahimik ito.
Amoy na amoy niya ang shampoo sa buhok nito...amoy apple.... Bumuntong-hininga siya...
Kung sana ganito na lang kami habang-buhay......
"Pogs?" mahinang tawag ni Lex.
"Hmmm?"
"Bakit parang ... nagpapalpitate ka yata?" tanong nito.
"Ha?"
"Ambilis ng tibok ng puso mo." sabi nito. nagtatakang tumingin sa kanya.
"Kulang lang ako sa tulog kaya ganyan yan.." sabi niya rito..
"Ganun ba yun...." sabi nito bago ulit umulo sa kanya.
PHEW ANG HIRAP NITOOOOOO!!!!!I
__________________________________________________________________________
Kumakain sina Vance at Lex sa Yakimix. Kakatapos lang nila manood ng "The Vow" at the usual, umiyak nanaman si Lex. Pero parang walang nangyari nang tingnan niya ito habang kumakain sila. Ang lakas nitong kumain, kaya nito ipasok ang dalawang tempura sa bibig nito at isang kutsarang kanin sabay inom ng iced tea.
"Huy! Mabulunan ka sa ginagawa mo." Pagsita niya.
Tiningnan lang siya nito bago nagkibit-balikat. Pagkaubos ng nasa bibig nito ay kumuha naman ito ng ulam niya na misono.
"Patikhim ah!"
"Ano bang magagawa ko, eh nakakuha ka na?" tanong niya rito bago umiling.
Ang cute talaga nito. Minsan sobrang nakakainis pero cute....Naaalala pa rin niya noong bata pa sila , pagkatapos ito madapa at inutusan siyang bumili ng icecream, hindi na sila nagkahiwalay pa. Oo may iba siyang kaibigan na lalaki, pero si Lex lang ang matatawag niya na best friend. Wala na yatang mas nakakakilala pa sa kanya kaysa kay Lex at ang mama niya. Ito na ang parang naging sandalan niya at number one fan niya pagdating sa mga drawing niya.... Kaya laking pasalamat niya at naging bestfriend niya si Lex. She really is a keeper...
swerte ng magiging boyfriend niya...
nawala siya sa malalim na pag-iisip nang pumalakpak ito sa kanyang harapan.
"Pogs, you okay? Nakatulala ka." sabi nito sa kanya.
"Oo okay lang ako...ubusin mo na yang pagkain mo at nang mahatid na kita, baka nag-aalala na si tita emma at wala ka pa sa bahay." pinagsasabihan niya ito.
"Opo boss..." natatawang sabi nito bago nito inabot ang kanyang pisngi at hinaplos iyon.
What the... Tila may bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy mula sa kamay nito patungo sa kanyang mukha na ikinagulat rin nito. Binawi agad nito ang kamay nito at ipinunas iyon sa table napkin.
"May dumi ka." sabi nito bago itinuon ang atensyon sa pagkain.
weird....ano kaya yon?