Rianne kissed Vance. Nanigas si Vance. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Hawak ni Rianne ang kanyang leeg at hinihila pa siya papalapit rito. She was trying to open his mouth but he won’t until tumigil ito at tumingin sa kanya.
“Oh well...eventually, you’ll like me too.” Sabi nito sa kanya bago pa siya kinindatan.
Pagkalayo niya rito ay laking gulat niya nang Makita niya si Lex sa baba ng hagdan na nakatingin sa kanya. Nanlalaki ang mata nitong singkit sa mga nakita nito.
Shiiiit....
“I can explain.” Sabi niya rito.
“Vance and I are going out on a date! Can you believe that?!!!” tili ni Rianne kay Lex bago ito tumakboa t inakap ang pinsan. Hindi pa rin inaalis ni Lex ang tingin nito sa kanya. Seryoso ang mukha nito sa kanya. Hindi niya alam ang kanyang gagawin kaya dali-dali siyang umalis at lumabas ng bahay nito.
Kailangan niya habulin ang kanyang hininga. Everything is so overwhelming.
At one point I was just talking about Lex not noticing my feelings for her, and the next thing I knew is that I’m going out with her American slang cousin for the sake of the secrecy of my feelings for Lex.... gah! BAkit kailangan pang umabot sa ganito?
The love of his life just saw him kissed her cousin.
Shit...I am sooo fucked up.
Dalawang araw nang hindi nakikita ni Vance si Lex. Pagkatapos ng pangyayari sa bahay ni Lex ay tila nahiya siya sa mga nangyari. Not that it was his first kiss. Pero, nahiya siya dahil nakita siya ni Lex na hinahalikan ng pinsan nito...ng pinsan nito! Fuck.... Inisip niya na mag-sorry dito ngunit nang puntahan niya ito sa bahay nito, lagi itong wala. Alam niyang nasa loob lang ito ng bahay nito, dahil hindi naman palabas si Lex. Kaya , inubos na lang niya ang kanyang panahon sa paggawa ng plates at scale models na deadline nang lingo na iyon.
Galit siya sa sarili niya. Bakit niya hinayaan na halikan at manipulahin siya ni Rianne ng ganito? Hindi naman alam nito ang nararamdaman niya kay Lex, pero, talagang gumagawa ito ng paraan upang mapalapit sa kanya. At ayaw niya, dahil, mahal niya si Lex. At kahit na bestfriend lang ang tingin nito sa kanya, ayaw niyang mabastos ito dahil nilalandi siya ng pinsan nito...that’s just wrong.
Ngayon ay nasa kuwarto siya at nakatanga sa scale model na kanyang ginagawa. Mag-iisang oras na siyang nakaupo ngunit wala pa rin siyang nasisimulan. Puro mga pader na gawa sa illustration board ang nasa kanyang harapan at glue gun. Ilaw lang ng kanyang study lamp ang bukas sa kanyang kuwarto at ang aircon. Wala nang iba.... hindi makakilos ng maayos si Vance. Walang pumasok sa isip niya kung hindi ang mukha ni Lex na gulat na gulat....Ugh...fuck my life.
Umalis siya sa kinauupuan at humiga sa kama. Binuksan niya ang t.v. Habang nagcha-channel surf, may kumatok sa kanyang pinto. Tiningnan niya kung sino iyon. Laking gulat niya nang makitang si Lex iyon. Pumasok ito ng kanyang kuwarto. She was wearing her oversized black shirt and her favourite purple pajamas. Naka pony tail ang buhok nito. Nang isara nito ang pinto ay tumabi ito sa kanya.
Hindi pa rin siya makapaniwalang nandito siya, katabi niya ngayong gabi.Sinipat nito ang t.v
“Two and a half men ah...classic.” saad nito bago ngumiti. Hindi pa rin makapagsalita si Vance. Tiningnan niya ang kanyang alarm clock. Nine o’ clock na pala ng gabi. Naramdaman niyang pumasok sa comforter niya si Lex. Pagkatapos niyon ay tinitigan siya nito bago ngumiti ng bahagya.