"Ma! bibili lang ako ng icecream!"
"Sige anak! Bumalik ka agad pagkabili mo!"
"Opo!" sigaw ni Vance bago lumabas ng bahay. Ayan na ang hinihintay niyang dirty ice cream!
Hinintay niyang makalapit ang mamang sorbetero malapit sa bahay niya bago niya ito lapitan para bumili ng icecream sa apa.
"cheese po tsaka chocolate" sabi niya sa mama. Habang pinanonood ito, may narinig siyang matinis na sigaw papunta sa direksyon niya.
"Ice kwiiiiiiiiiiiiiiiiiim!!!! Mama Ice kwiiiiiiiiiiiim! " sigaw ng isang maliit na batang babae na tumatakbo papalapit sa kanila nang bigla itong nadapa. tila nagulat ito sa nangyari. Hanggang sa napaupo ito at umiyak. namumula ang mukha nito at may sugat sa tuhod nito.
Nilapitan niya ito, binalewala ang mamang sorbetero.
Nang makalapit ay sinipat niya ang tuhod ng bata. Dumudugo ito. Tiningnan niya ang bata. Humihikbi pa rin ito pero nakatingin sa kanya.
"Gaano kasakit?" tanong niya rito. Ang cute ng ilong nitong mamula-mula.
suminok-sinok pa ito nang siya ay sagutin. "ma-ma-hapdii..." iyak nito.
Hinipan niya ang tuhod nito hanggang sa tumigil na ito sa pag-iyak.
"O yan, masakit pa rin ba?" tanong niya rito. Umiling ito.
"Hindi na po."
"Wag ka na iiyak ah? " sabi niya rito bago ito nginitian. Nginitian din siya nito. Lalong lumiit ang mata nitong singkit.
"Icekwim ko." sabi nito sa kanya. Bigla siyang napatawa.
"O sige, pero, friends na tayo." sabi niya sa bata.
Tumango ito.
"ano pangalan mo?" tanong niya.
"Lex po. 'Kaw po?"
"Vance. Tara na. Matutunaw na icecream ko." sabi niya kay Lex bago hinawakan ang kamay nito at pumunta sa mamang sorbetero.