Chapter 5

24 0 1
                                    

Quiea's POV

Tangina, sheeeeeet!!

Ayan napamura na naman ako. Eh kasi Saturday na!! Saturday na po, at may date ako ngayon. First time ko po kasing mag official date, yung tipong pinagplanuhan talaga.

At eto po ako ngayon, nakaspread lahat ng dresses ko sa kama. As I said po before may pagkafashionista po ako at napagisipan ko pong magdress na lang, hehe. Kaso ang dami ko pong dress, at halos lahat cute at maganda sa paningin ko. Anubeyen?!

Tumingin ako sa orasan? 4:00. Praning na po talaga ako eh ang aga2 pa.

Tsk. Makapagshower nga muna.

Kaya ayun pumasok na ako ng banyo.

"Bunso! Ano to? Ba't ba nakahilera tong mga damit mo?" si kuya yung nagsalita.

Pakialamero talaga kahit kalian.

"Pake mo ba kuya!" sigaw ko sakanya.

"Hey what's going on? Ba't ba kayo sigaw ng sigaw? An meron?" epal ni ate.

Naku tong mga kapatid ko talaga. Kainish.

"Hala ka, may date ba tong si Quiea?" sabi ni ate kay kuya ata.

"Ha!? Date? May nalalaman na palang ganyan ang baby natin?" halatang parang gulat si kuya.

Lumabas ako ng banyo, siyempre nakashorts at sando. Kala nyo naman magtatowel ako sa harap ng kuya ko. Lalaki pa rin yan. May pagka manyak pa naman. Tsk.

"Anong baby kuya? Hindi ako sanggol! Atsaka pakialam nyo nga ba kung anong meron dito" sagot ko.

"Nahihirapan ka bang pumili ng damit para sa kung ano man ang lakad mo Quiea?" tanong ni ate.

She read me. Pakejeng tep.

"A-ah, k-kinda?" –ako.

"Sabi na nga ba...gets ko na bunso" –kuya.

"Tulungan ka na namin" –ate tapos lumapit na sya dun sa kama kong puno ng damit. Pati si kuya, sinunod si ate, at patingin-tingin sila dun sa mga damit ko.

"Eto na lang Quiea cute naman" sabi ni ate habang hawak2 ang isang white na pang princess na dress na above the knee, may design pa yun na mga blue na flowers sa baba.

"Naku wag yan masyadong formal atsaka parang pangkasal, white. Tsk. Kahit kalian talaga Silvs wala kang taste. Tsk2" sabat ni kuya.

"Hoi, manong! Linalait mo ba ang fashion sense ko? Babae akong mahilig rin sa damit uy! Wag kang ganyan"- ate.

"K payn. At teka anong tinawag mo sakin? Manong? Di ako ganyan katanda miss, bulag ka ba pagdating sa mga gwapo? Nastarstruck ka ba saken?" wika ni kuya.

"Eww kuya, kaderder mo uy. Bahala ka sa buhay mo" si ate.

Si kuya naman may hinablot na damit sabay sabi,

"Bunso eto na lang, alam ko namang comfortable tong isuot tsaka bagay to sayo. Hindi ko man alam kung anong klaseng lalake yang kadate mo, pero sure akong magugustuhan niya to" sabi ni kuya sabay smile.

Actually isa yun sa pinakagusto kong damit. Ang ganda kasi ng colors, pastel pink tsaka parang cyan na blue. Hehe. Para kasi siyang pinagsamang jumper at sleeveless blouse in one. Yung blouse niya na parang nasa ilalim pink, at yung jumper-skirt naman na may buttons na design sa upper part, ay maypagka color cyan. Cute nga.

"Favorite ko rin po yan kuya eh. hehe" sagot ko. Si ate naman tumititig sakin ng pamatay. Kasi po hindi ko pinili yung napili niya para saken. Ehehe sowwy ate.

Siya pa nga ba? (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon