Arthenan's POV (kuya po ni Quiea)
Ang boring ng mga palabas sa TV. Kanina pa ko palipatlipat ng channel wala namang type kong panuorin.
Tsk.
Booooooriin—
*ring* *ring*
Sino ba ang tumatawag? Baka sa business to nila mama, wala pa naman sila rito para sagutin ang mga taong to. May emergency situation daw kasi sa isang branch ng business nila este namin pala dun sa Visayas, I don't know where specifically. Pero yun na yun.
*ring* *ring*
Patuloy pa rin sa pagriring ang telepono.
Oo na. Kulet.
"Hello, good evening" bati ko dun sa caller.
"Ah good evening rin po. Parent po ba to ni Quiea?" tanong nung caller.
Eh? Quiea daw.. anong kailangan neto?
"Hindi po, umalis kasi yung parents namin. Kuya niya to. Anong pakay po ninyo?"
"Wag na po kayong po ng po sakin. Mas matanda naman po ata kayo sakin kuya Art. Si Colie po to" sagot nung caller.
Huwaaat? Si Colie? Yea kilala ko sya dahil nakalaro ko siya ng basketball before. Bakit siya tumatawag? Kasama niya ba si Quiea?
"Oh Colie ikaw pala. Di mo sinabi agad. Anong kailangan mo?"
"Si Quiea kasi kuya nahimatay"
"Ano!!!?" gulat na gulat na sabi ko.
Si Quiea daw nahimatay!! Dyos ko Lord tong batang to.
"Oo kasi po u-umiya-"
I cut him off.
"Save the explanation Colie. Nasaan kayo ngayon?" I assumed siya yung kadate ni bunso. Madalas ko kasing marinig si bunso na nagcucurse ng 'Colie, you bastard!' pagmag-isa sya sa kwarto niya.
"Sa *toot* hospital po kuya"
"Sige papunta na ako dyan" binaba ko na yung telepono at dali daling kumuha ng jacket sa drawer ko.
Magsasarado na sana ako ng pinto ng bigla kong naalala na andito pala si Silvia. Baka ano pang mangyari sa babaeng yan. Kahit gaano kaasar sakanya, kapatid ko pa rin yan eh. Lab ko yan. xD
"Silvs, grab something warm for you to wear. Pupunta tayo ng ospital" sabi ko sakanya while entering her room.
"Kuya! Bastos! Haven't you heard about knocking on the door?" tanong niya.
"Mamaya na kaartehan mo babae. Si Quiea nasa ospital, di ka ba magmamadaling puntahan ang bunso natin?" I asked her with a demanding tone.
"What? Anong nasa ospital si Quiea? You didn't say so kanina kuya" sabi niya habang nagmadaling humablot ng sarili niyang jacket.
"Tara na" at sabay naming linock ang bahay at sumakay sa kotse.
(wala munang Quiea, hehe. Tulog pa siya eh. let's give her time to rest. Eepal muna si bastard mga peeps)
Colie's POV
Andito ako ngayon nakaupo sa gilid ng babaeng ang himbing ng tulog.
Hindi pa dumating ang doctor para ibalita kung ano ang kalagayan ni Quiea. Sabi naman nung nurse mukhang hindi naman daw malala ang sitwasyon ng babaeng to.
Tumingin ako dun sa kamay niyang nakadextrose. Buti nga at wala siyang malay nung dinextrosan siya eh. Alam ko kasi takot siya sa dextrose. Well alam ko lang.
BINABASA MO ANG
Siya pa nga ba? (Unedited)
Teen Fictioncover credits: michellecamz Tadhana at pagibig, parehong nakakalito at minsan mapaglaro... Isang babae at isang lalake, yun lang naman ang kailangan sa isang love story diba? Bakit may nakikisali pang iba??? akala ko nung bumalik na siya magiging ok...