Quiea's POV
Wala naman talagang special na nangyari nung Christmas. Noche Buena and gift giving, kagaya ng mga nagdaang taon.
Si mama at si papa inisa na ang gift ko. Actually at first nakakadisappoint yung gift nila haha, binigay kasi nila saken papel lang. Pero nung nakita ko ang nakalagay dun sa papel na yun, sumigaw ako. Dream ko to eh. Isang blueprint po kasi ang binigay nila sakin. Blueprint ng magiging hello kitty designed room ko. Hahaha nakakaexcite tuloy.
Si kuya naman ang binigay saken watch, na klarong mamahalin. Parang sa Claire's ata to galing eh. Yun bang uso na mga watch ngayon yung parang pang bonggang bracelet yung design. Yun yun. Well di na ako magtataka dito, eh kasi naman ang ganda talaga ng taste ni kuya sa mga bagay2 eh. naalala niyo pa ba yung date naming ni Colie? Siya ang pumili ng dress ko diba? Daig niya pa si ate eh. No offense ate.
Speaking of ate, ang binigay naman niya sa aken eh, tententenen! Cellphone casing. Wag niyo sabihing cheap ah kasi naman ang cute2 nung design. Flowers all over! Eh sa girly ako at gusto ko nun. Thanks kapats!
Si Hannah ang ganda din nung regalo niya, nakakatuwa. Di ko pa pala nabanggit na pareho kami ng taste when it comes to food noh? Kaya siguro pagkain yung binigay niya sakin. Isang box ng butter cookies, ang sarap nun.
Si Mien my loves naman pagdating na lang daw niya ang gift ko. For all I know sa States niya bibilhin yun. Daya talaga.
Ay nga pala muntik kong nakalimutan ikwento.. si Colie ang ganda rin nung gift niya. shoes (idk kung pano niya nalaman size ng feet ko). Hindi po heels, kundi sneakers. Eh actually mas gusto ko yun dahil bumabagay sa kahit anong style, mapacasual man, sporty, girly, whatsoever. Ang ganda po talaga nung design, may studs siya na silver, yung nangingibabaw na color is pink, at ang main part... may tatak hello kitty!! Nahahalata talaga ang pagka adik ko sa pusang yun noh? Hehe.
Syempre ako rin may binigay sakanila. Kay mama earrings na may genuine gold. Kay papa naman wallet. Kay kuya pareho kami ng regalo sa isa't isa, watch, hehe magkapatid talaga kami. Kay ate naman damit of course, pair yun na skirt tsaka blouse. Kay Mien, which I think dun niya binuksan sa States, is damit din, polo na faded blue at white. Kay Hannah naman nagpadala lang ako ng ice cream cake, cookies and cream kasi pareho naming favorite. xD. At kay Colie? Eh wala naman talaga akong planong bigyan siya kaya lang napagtanto ko (with the help of kapats) na ang bait niya saken these past few days. Siya pa nga nag-aalaga saken minsan eh. Kaya ayun pinilit ko sila mama na magmall ako. With a little bit of pacute, nadala ko sila. Wahahaha. Wala na akong ibang maisip eh kaya pabango na lang sana ang ireregalo ko sakanya, kaso may nadaanan akong shop eh at nakyutan ako dun sa isang bracelet na panglalaki, kaya binili ko na rin para kay Colie.
At yun po yung pasko ko. Ang ibang part puro lamon na po yun hahaha.
And now naghihintay po ako kay Mien ditto sa airport. Syempre bestfriend ko yun at dagdag pa mahal ko yun. Mag-isa po ako kasi I forced my family na pabayaan muna ako kahit ngayon lang. no choice sila, first time ko kasi yun na parang naging madiin talaga sa pagkasabi ko.
While waiting here napagisipan ko,
Kalian ba ako mapapansin ni Mien?
Matagal tagal na rin kasi kaming magkaibigan, at matagal ko na rin siyang iniibig. Sa part ko wala naman akong magawa, kasi ako yung girl. Di ba yung mga lalaki dapat ang mag first move? I know nowadays hindi nayun uso. Pero nakakahiya kasi, di lang dahil ako yung babae kundi bestfriend ko yun eh.
Medyo nagblur ang paningin ko.
Nubeyen wag kang umatake dito please. Kahit ngayon lang.
Napansin ata ako ng isang babae sa tabi ko kaya nagask sya kung okay lang ako. I assured her naman na I'm fine.
Tsk ang obvious ko na ata ah.
I looked at my watch.
Ang tagal naman ng arrival niya. 30 minutes late na. Wala namang sinabing nadelay ah?
Kinakabahan tuloy ako.
Wag ka ngang mag-alala dyan Quiea, I'm sure he's fine.
Yun na lang ang sinabi ko sa sarili ko.
After 30 minutes...
Fudgee bar wala pa rin?
Anong taon na ba?
Losyang na ako dito.
Nadelay ba flight nila?
Inaanounce naman yun ah.
Ayan bumibilis na heartbeat ko.
May mali talaga sa pakiramdam ko eh.
After how many more minutes...
"Announcing the arrival of flight 00421 from Greenbrae California, your baggages are in the Pickup Area marked with the luggage sign. I repeat..." tas sinabi niya ulit yun.
Andito na pala si Mien. Thank God kala ko ano na.
Kala ko mawawala na siya saken.
Kala ko kukunin mo na siya Lord.
Kala ko talaga mawawalan na ulit ako ng mahal sa buhay.
"Ang lalim ng iniisip natin ah" may biglang nagsalita.
"Mien!!" sigaw ko sabay yakap.
Di ko man lang namalayan na nandito na sya.
"Haha mas excited ka kesa sakin ah"
"Duhh, alam ko naman may pasalubong ka. Diba? Diba? And right, gift ko din! Akin na!" sabay hablot ng bag niya kahit di ko alam kung san niya tinago.
"Kulet nito. Actually nandun na sa bahay ang regalo mo" sabi niya ng may ngiti na nagfoform sa mga labi niya.
"Ha!? Ba't nandun? Soallthistimenandunlangyun?Ba'tdimosinabi?Edisananatanggapkoagad. Daya"-ako.
"Wala akong nantindihan sa sinabi mo Kath. Hangbilis eh. Di bale ibibigay ko naman yun sayo mamaya" and he held my hand.
Patay na naman tong heart ko nito.
*dug dug*
Ayan na nga.
Tsk.
Mahal talaga kita Mien.
Obvious naman ata eh. sa mga kilos ko, sa salita, etc.
"I missed you *hug* Tara na" sabi niya.
*dug dug*
Why can't you hear the sound of my heart? When every time it beats, it shouts for you...
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
short update... my chapter 9.5 pa po so abangan!!!
Baka hindi ako makaupdate next week kasi magkaquarter exams na. But I'll try naman :)
Thanks for all the reads... lavya <3
~missauthorxD
BINABASA MO ANG
Siya pa nga ba? (Unedited)
Teen Fictioncover credits: michellecamz Tadhana at pagibig, parehong nakakalito at minsan mapaglaro... Isang babae at isang lalake, yun lang naman ang kailangan sa isang love story diba? Bakit may nakikisali pang iba??? akala ko nung bumalik na siya magiging ok...