Quiea's POV
Two weeks have passed since nalaman nila kuya ang sakit ko.
Actually nakakadepress ng todo2. Lagi silang nakabantay sakin na para bang anytime may mangyayaring masama. At ang sama sa loob kasi parang pabigat ako. I know sinabihan na ako ni kuya na hindi dapat ganito ang mindset ko pero what can I do? Yan naman talaga ang nafefeel ko eh.
Pero ang mas nakakadepress is si bestfriend na wala dito sa tabi ko ngayon.
This is what happened kasi.
--Flashback—
Sa alam ko nagpabook agad sila papa ng flight nung malaman nila ang kalagayan ko.
I've been lying in this damn hospital bed for like 17 hours now.
"Kath may sasabihin pala ako" sabi ni Damien bigla.
Yes andito po siya, medaling araw nga siya pumunta dito eh. Buti nga at nakapantalon siya, mukhang kakagising palang niya pagdating niya dito. Si ate Blae naman kasi, naalalang sabihan si Damien midnight na. Yan tuloy. Medyo malayo pa naman ang bahay nila bestie ditto sa hospital.
Si bastard pinauwi na nila kuya. Medyo natagalan nga kasi umaayaw si Colie. La syang magawa. Hindi naman kasi siya nakapagpaalam sa parents niya na magagabihan siya. I mean as in yung mga 12 na.
Any way balik sa convo namin..
"Ano yun Mien?" tanong ko sakanya. Napansin kong parang bothered talaga siya eh.
"Ah kasi, kasi pinapabalik ako sa States.." mahina niyang sagot.
States daw. Meaning aalis na naman siya. Tsk. Ano ba ang gagawin niya dun na magpapasko na? Ilang araw nalang noh.
"Bakit daw?"
"May pinaayos kasi ang dean namin dun. Mga papeles daw para sa transfer ko dito sa PIlipinas next year. Hindi ko kasi naasikaso yun before kong umuwi. Hindi pa kasi available yung mga papers para dun nung time na yun, kala ko masasignan ko na one day before nung flight ko. Eh hindi pa pala. Eh nakabook na ako ng ticket" explain niya sakin.
Ahh ganun pala. Okay na rin yun para matapos na ang business niya sa U.S.
"Okay lang naman Mien. Mabilis lang naman yun diba? Babalik ka naman agad." sabi ko sakanya. At take note statement ang last kong sinabi.
"Oo naman. Pero I can't be here for Christmas, New Year na ako aabot" –sya.
"Sows di naman problema yun. Basta nandito ka pagbirthday ko"
January 2 po kasi ang special day ko.
"Oo naman. I wouldn't miss it for the world" sagot niya sabay kiss sa forehead ko.
Ang sweet niya talagang bestfriend. Kaya love ko to eh.
"Pagaling ka na Kath"
--End of Flashback—
So yun, wala siya rito ngayon.
Miss ko na nga siya eh.
December 23 ngayon at makakabalik daw siya about 4-5 days from now. Okay na rin yun noh.
Tambay lang muna ako dito sa kwarto. Hindi naman kasi ako pinag gagala. Alang may sakit po kasi ako diba? Actually for the past few days hindi naman ako nakakafeel ng sakit anywhere in my body. Minsan nga lang nahihilo ako, pero few seconds lang naman bago mawala.
Paminsan2 dumadalaw si bastard, at sa hindi ko malamang rason eh hindi na po kami napapaaway. And nagkaayos na rin po kami dun sa bakla2 issue. Hehe. Sinabihan ko siya na hindi naman niya kasalanan na naganun ako, I mean yung nahimatay. Sila kuya nga nagpasalamat pa sakanya, buti nga daw yun nalaman nila ng mas maaga ang sakit ko kesa itago ko pa at magworsen.
Tsk.
I heard the door open.
"Hey anak" si mama lang pala.
"Hi ma" sabi ko sakanya habang nakaupo sa kama ko.
"May bisita ka pala"
"Sino po? Si Colie po ba?" tanong ko, wala na kasi akong naisipan na ibang bibisita sakin.
"Oo nak, yun nga. Colie ba pangalan nun?"
"Mama talaga ilang beses na bumibisita yang si Colie dito, di mo pa rin kilala. Tsk"
"Sorry naman, di naman kasi ako nangiinterview. Baba ka na ha?" mama said as she closed the door.
Bumaba naman ako as she told me.
"Hi Quiea" bati sakin ni bastard.
Bastard pa rin po ang tawag ko sakanya nakasanayan na eh.
"Hi, anong ginagawa mo dito?"
"Bukod sa gusto kong makita ang maganda mong mukha, eh may pinabibigay si Hannah saken"
Tsk. Bolero talaga to.
Btw, si Hannah yung pinsan niyang friend ko.
"Ha? Anong pinapabigay niya?" tanong ko.
"Eto oh. Advance birthday at Christmas gift daw niya sayo. Kuripot talaga nun, eh sa ang layo ng pasko sa kaarawan mo pinag-isa pa ang regalo mo. Yung babaeng yun talaga" he said na parang natatawa.
"Sows sanay na din ako dun. Anyway itetext ko nalang siya ng thank you. At salamat rin sa paghatid ng regalo ko dito"
"Sige ganda, balik na lang ako soon" additional ngiti.
"Hoy anong bali-"
*chup*
I blushed.
Kiniss lang naman niya ang cheeks ko sabay talikod at takbo with matching,
"Bye Ganda!!"
Kainis ka talaga bastard. First kiss ko yun sa cheek ah.
Shet, stolen.
BINABASA MO ANG
Siya pa nga ba? (Unedited)
Teen Fictioncover credits: michellecamz Tadhana at pagibig, parehong nakakalito at minsan mapaglaro... Isang babae at isang lalake, yun lang naman ang kailangan sa isang love story diba? Bakit may nakikisali pang iba??? akala ko nung bumalik na siya magiging ok...