Chapter 23

3 0 0
                                        

Tahimik ang buong boardroom, pero ramdam ni Caden ang tensyon bago pa man siya tuluyang pumasok.

It had been weeks since he last faced them—weeks since he shut everyone out.
Ngayong araw, hindi na siya nag-iisa.

Katabi niya si Devon, hawak ang kamay niya, tahimik pero matatag.

Hindi na niya tinago ang mark sa leeg—ni isa sa kanila. It was clear, permanent, undeniable.
The doors closed behind them.

Napatayo ang ilan sa mga board members. Ang iba, nanatiling nakaupo, nagbubulungan.

“Caden,” unang nagsalita ang ate niya, malamig ang boses. “So it’s true. You marked him permanently.”

“Yes,” diretso niyang sagot. “And that’s not up for discussion.”
Tumawa nang bahagya si Aeri, pilit ang ngiti.

“You disappeared for weeks. You shut down the company, banned your own blood, and now you show up with—”

“With my mate,” putol ni Caden. His voice was calm, but lethal. “And the carrier of my heir.”
Biglang natahimik ang buong kwarto.

“Heir?” may pabulong na tanong mula sa dulo ng mesa.
Tumayo si Devon, nanginginig ang kamay pero matatag ang tingin.

“I’m pregnant.”
Parang may sumabog na bomba sa loob ng silid.

“That child—” nagsimulang magsalita ang isang matandang board member.

“—is legitimate,” malamig na sabi ni Caden.

“Protected by my name, my mark, and my authority.”
Lumapit ang ate niya.

“You’re letting emotions ruin everything you built.”

Caden stepped forward. “No. I almost ruined everything because I ignored them.”
Tumahimik siya sandali bago muling nagsalita, mas mababa ang boses.

“From now on, any decision involving my mate or my child goes through me. Anyone who threatens them—directly or indirectly—will answer to me.”

“Is that a threat?” tanong ni Aeri.

“It’s a promise.”

Pagkatapos ng meeting, mabilis kumalat ang balita. The media went wild.
Alpha CEO Claims Omega Mate and Unborn Heir.

Sa loob ng kotse, tahimik si Devon. Nakatingin sa bintana, hawak ang tiyan.

“You okay?” mahinang tanong ni Caden.
Tumango siya. “I’m scared… but I’m not alone anymore.”

Caden reached for his hand. “You’ll never be again.”

Pagdating nila sa bahay—ang bahay nilang dalawa—nauna si Zaiden, masayang tumatakbo sa loob.

“Daddy! Papa! I’ll show you my room!”
Napangiti si Devon sa unang pagkakataon sa buong araw.

Pero sa malayo, may matang nagmamasid.
Sa isang madilim na silid, may babaeng nakaupo, hawak ang tablet na nagpapakita ng balita.

“So he chose the omega,” malamig niyang sabi. “Interesting.”

Isang lalaki ang lumapit sa kanya. “What’s the plan?”

Ngumiti siya—hindi maganda. “We remind him that power always has a price.”
Sa kabilang banda, mahigpit na niyakap ni Caden si Devon habang natutulog si Zaiden sa pagitan nila.

He whispered, “No one touches what’s mine.”
At sa dilim ng gabi, isang bagong laban ang tahimik na nagsisimula.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Devon's Secret (Sunsun)Where stories live. Discover now