Chapter 8

30 2 3
                                    

Taehyung's POV

Napangiti ako ng pagmasdan kong mahimbing na natutulog ang asawa ko. Nakahiga ito sa kaliwang braso ko at nakayakap sakin.

We talked a lot of things before she fell asleep. Yung mga nangyari sa amin habang magkalayo kami at kung ano ano pa. We also cuddled. A lot.

Mas lalo akong napangiti ng humigpit ang yakap ng asawa ko sakin at mas sumiksik pa. Niyakap ko ito pabalik at hinalikan ang noo nya.

"Hmm... yen ko..." sambit nya habang tulog.

"Yen? Baka alien" natatawa kong bulong.

'Tanga. Ang assuming mo naman. Di ikaw yan'

Napasimangot ako ng marinig na naman yon sa aking ulo

'Tch. Shut up. Wala akong pake sayo' inis kong sabi sa utak ko.

'Niloloko ka lang nyan hahaha pinapapaasa ka na di ka nya iiwan. Pero ang ending pa rin, maiiwan kang mag isa hahaha'

'Sinabing manahimik ka na nga eh!!' Nakasimangot kong usal sa aking isipan at saka tumayo papunta saking drawer.

Ang alam ko nandito lang yun eh!

Napangiti ako ng makita ang hinahanap ko.

Isang tali.

Naisip ko dati kung saan ko ba  gagamitin itong binili at itinagong tali at ngayon alam ko na kung saan ito magagamit.

Dahan dahan akong bumalik sa kama para di magising ang asawa ko. Dahan dahan ko din itinali ang dalawang kamay nya sa kama.

Ngayon na nandito na sya ulit sa tabi ko. Di ako papayag na umalis ulit sya. Never.

Hindi ako papayag na iwan nya ulit ako. Hindi ko na kakayanin.

Napalingon ako ng may kumatok sa pinto. Tumayo ako at binuksan 'yon at nakita ko si Jin hyung.

"Bakit?" Tanong ko dito.

"Si Laelle?"

"Bakit?"

Kumunot ang noo nya sa tanong ko. "Anong bakit? Puro bakit na lang pinagsasagot mo dyan. Excuse me ho, Mister. Mag-gagabi na. Pauwiin mo na"

Napasimagot naman ako sa sagot nya. "Dito sya matutulog" Mabilis kong sabi at ni-lock ulit ang pinto.

"Arte nito! Huy hinay hinay lang! Baka mabuntis mo pa yan sa pagkukulong nyo dyan" Narinig kong tumatawa nyang sigaw.

Napaisip ako sa sinabi nya. Buntisin ko nga kaya?

Napailing na lang ako sa naisip ko. No. Una sa lahat, matino pa ako para gawin yun sa kanya ng ganitong panahon. Pangalawa, nirerespeto ko sya. Pangatlo, gagawin ko lang yun pag mag asawa na kami. Oo, wifey tawag ko sa kanya at turing ko sa kanya ay asawa na, pero iba talaga pag legal na.

Napabalik ako sa huwisyo ng narinig ko ang nagpapanic na boses ng asawa ko.

"Alien ko! Ano 'to!?" Agad ko syang nilapitan at naupo sa kama.

"Tali" Bungisngis ko sa kanya. Ang cute-cute nya kasi eh. Lalo na't nakakunot pa ang noo nya.

"Seriously? Alisin mo nga 'to" She said, pouting.

"Ayoko~" nakangiti kong sabi sa kanya at tumawa.

"Ang kulit! Alisin na nga kasi!" Ngayon, nakasimangot naman sya.

Mas lalo naman akong lumapit sa kanya at kinurot ang pisngi. "Ang cute cute mo talaga hihihi"

"Alien naman eh! Ano na naman ba trip mo at tinali mo ko? Alisin mo na! Kailangan ko ng umalis eh! Uuwi na ko"

Our Alien Relationship (BTS 'V' FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon