Epilogue

41 2 1
                                    

Taehyung's POV

"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong sakin ni Jimin hyung paglabas ko ng kwarto

"Kay wifey lang" nakangiti kong sagot.

"Sige. Ingat ah. Pakikamusta ako kay Laelle" Bilin nya at ngumiti ng pilit.

"No problem" natatawa kong sagot at kumindat pa.

Pagkalabas ko ng building ay bumili muna ako ng bulaklak. Syempre kailangan ko ng bulaklak para sa wifey ko. Baka magtampo yun eh.

Pagkatapos kong bumili ng bulaklak ay nagdrive na ko sa lugar kung nasaan ang asawa ko.

Bumaba ako ng kotse ko dala ang bulaklak at naglakad ng saglit. Kinuha ko ang susi ng kwarto nya. Binigay 'to sakin incase daw na dalawin ko ang asawa ko.

"Hi wifey" bati ko sa kanya pagkapasok ko.

"Kamusta na daw sabi ni Jimin hyung?" Tanong ko sa kanya at tinabi muna ang lantang bulaklak na itatapon ko mamaya at pinalitan ng dala ko. "Ayan ah! May dala akong bulaklak, wag magtampo ah?" Natatawa kong sabi.

"Namiss mo ba ko?" Tanong ko at umupo sa harap nya. As usual, wala akong nakuhang sagot.

"Kasi ako... miss na kita... sobra" at saka ko hinawakan ang naka-engrave nyang pangalan.

Naalala ko tuloy yung mga panahong nagtatalo kami kung sino ang mas nakamiss samin. Yung tipong pinagpipilitan nyang mas namiss nya ko kesa sa pagkamiss ko sa kanya. Syempre naman ako, di rin papatalo. Ipagpipilitan ko ring mas namiss ko sya.

"Sana sabihin mo ngayong miss mo na rin ako katulad ng sinasabi mo dati. Kasi pati yun miss ko na rin hahaha."

Pero katulad nga ng sabi nila. Pag mahal mo ang tao hahayaan mo sya sa gusto nya. Kaya katulad ng dati, sasabihin ko na lang na 'Oo na, mas namiss mo ko pero pareho lang natin namiss ang isa't isa'

"Harmony Laelle... Mahal na mahal kita... Mahal mo din ako diba?" Pilit kong pinipigilan ang pagpatak ng luha ko pero natalo ako... tinaraydor ako ng sarili kong mata.

"Tangina. Nakakabakla" Agad kong pinunasan ang luha ko "Wifey ah! Di ako bakla!" Protesta ko sa kanya. Pero pilit pa ring tumutulo ang luha ko.

"Tangina namang luha to oh! Ayaw tumigil! Hahaha Ang kulit lang wifey. Parang ikaw hahaha" Pilit akong tumatawa para ipakita sa kanilang okay ako pero nakakasawa rin pala.

"Siguro kung may Little Laelle na tayo kasing sweet at kulit mo at syempre si Little Taehyung, gwapo at makulit rin" I laughed to what I said.

"Gusto ko pagka-uwi ko galing trabaho iki-kiss mo ko sa cheeks tapos makikita ko sila Little Laelle at Little Taehyung na nagtatakbuhan hahaha" Natawa na lang ako sa mga pinag-iisp ko. Sige Taehyung, paasahin mo pa sarili mo.

"Thinking about the future ba,wifey? Hahaha dapat kasama kita kung ganun hahaha" I faked a laugh at pinunasan ulit ang tumulong luha ko.

"Kasi... sabay nating gagawin yung mga pinalano natin" Napabuntong hininga na lang ako.

"Wifey... everyone's telling me to move on... sabi nila kalimutan na daw kita pero pano ko gagawin yun? You gave me so much to remember. You completed my life. At ngayong nawala ka. Tangina lang. Pakiramdam ko wala na kong kwenta!" Patuloy ang pagtulo ng luha ko na agad ko namang pinupunasan.

"Gaguhan ba naman kasi wifey. Ang saya na natin. Ang saya saya natin!! Tapos bigla na lang ganto!?" Halos pasigaw ko ng sabi.

"Mahal kita. Mahal mo ko. Edi sana forever na tayo. Tayong dalawa, magkasama sa araw araw. That's our forever, diba? Eh kaso lang..." I paused as I grasps for some air at tumingala para patigilin ang pagtulo ng luha ko "Nawala ka..."

"Masakit..." bulong ko at hinayaan na lang tumulo ang luha ko "Masakit, Laelle. Iniwan mo ko... Nangako ka kasi, Laelle. Ang sabi mo di mo ako iiwan."

Napabuntong hininga na lang ako. Tangina lang kasi. Bakit pa kasi sya nawala!?

"Alam mo... ang daya daya mo... pinaasa mo ko..."

"Pinaasa mo kong magiging asawa kita at magiging nanay ng mga anak natin"

"Pinaasa mo rin akong makakasama kita habang buhay" I smiled as the tears keeps on falling down.

"Sorry, wifey. Nasisi pa kita" I apologized at tinitigan ang pangalan nya. "Nasaktan-- Nasasaktan kasi talaga ako. Big time."

"Kahit ilang buwan na ang nakakalipas... sariwa pa rin sakin. Tuwing naaalala ko... para akong pinapatay, unti-unti. Parang yun ang bangungot ko sa araw araw."

"The moment I saw that fucking flat line, Literal na tumigil ang mundo ko! Naisip ko, No! This can't be happening! Di ako iiwan ng asawa ko! Nangako sya! Pero kasi nakakaputa na talaga. Di mo natupad ang pangako mo"

"Promises are meant to be broken sabi nga nila" Napabuntong hininga na lang ako. Ayoko na. Ayoko na. Sabi ng utak ko Ayoko na. Pero itong puso ko, sinasabi Mahalin mo pa!

"Pero paano naman yung mga promises na natupad, diba?" Nginitian ko sya. "Di naman siguro counted yun, noh? Hehehe. Buti na lang yung ibang promises mo natupad pero... yung isa talaga... yung isa yung nag stand out...."

"Tapos yun pa ang hindi natupad" bulong ko at humiga na lang sa sahig. Di ko na kaya. Nahihirapan na 'ko. Hirap na hirap na.

"Naalala ko pa, noong nawala ka sakin parang akong mababaliw--- No. Nabaliw nga ako."

"Sabi nila, may pagkakataon na kinakausap ko ang sarili ko o kinakausap ang hangin. Pero kasi ikaw yung nakikita ko ng mga panahon na 'yon. Akala ko kasama pa kita. Akala ko nasa akin ka pa. Pero akala ko lang pala ang mga 'yon. Gumawa lang ako ng sarili kong mundo. Gumawa ako ng mundo na kasama kita. Yung mundong masaya dahil kasama kita"

I paused for a moment. Di ko na kaya. Paulit-ulit ko ng sinasabi 'to. Pero bakit ganun? Kahit sabihin kong di ko na kaya, lumalaban pa rin ako. Pinapaasa ko ang sarili ko. Pinapaasa ko na pwede pa. Mag-kakasama pa rin kami. Na masamang panaginip lang 'to.

"You know what... I also tried following you to where you are right now. Pero bwisit kasi si Jungkook eh, pinigilan ako" Pilit akong tumawa para di mahalata ang panginginig ng boses ko. Then, I realized, what's the use of hiding it? Nakita na nyang umiiyak ako. Sa kanya na nga lang ako nakakapagkwento ng totoo kong nararamdaman, magkukunwari pa ba akong okay.

"Nahuli ako ng gago. Ayan tuloy! Epic fail ang Following My Laelle Plan ko. Halos bugbugin ko kaya ang maknae namin dahil dun hahaha kaso lang nabaliktad eh. Ako ang muntik mabugbog. May kasama pang sermon yun ah! Hahaha!" Itinawa ko na lang ang mga pinagsasabi ko.  Parang akong batang nagsusumbong.

Bumangon ako at umayos ng upo. "Alam mo 'yon, Wifey!? Sinermonan ako ng maknae namin! Oo! Sinermonan ako! Diba dapat ikaw lang gumagawa nun except kay mama hahaha" I tried to crack a joke.

"Haaaaaays~" Nag-inat ako at pinunasan na ang mga luha ko. I had enough. Babalik na lang ako bukas. "Wifey? Naririnig mo ba pinagkukwento ko? Ha? Baka muntanga akong nagkukwento dito di ka naman pala nakikinig" Ngumuso ako at tumayo na.

"Kung nakikinig ka, magparamdam ka nga oh! Hahaha matutuwa talaga ako pag ginawa mo 'yon" I laughed to what I said. It's actually a joke pero naghintay ako. Umasa ako. Na mag-paparamdam sya.

Konti na lang, Taehyung. Maghintay ka pa.

10 minutes passed. Wala pa rin.

"Ang tamad mo naman wifey, di ka man lang nagparamdam kahit konti hahaha" Tumawa na lang ulit ako. I need to wear this mask again. "Sige ha? Alis na ko pero babalik ako bukas, baka magtampo ka eh. Mahirap na. Mahirap kang suyuin eh"

Tumalikod na 'ko at lumabas na. Pagkatapos kong i-lock ang pinto, napabuntong hininga ako.

Hindi ko na alam ginagawa ko sa buhay ko. Sumasabay na lang ako sa agos. Di na ko makapaghintay na makasama sya ulit.

"Wag kang mag-alala, Asawa ko. Magkakasama rin tayo."

A voice out of nowhere said. Sana nga. Sana nga magkasama ulit tayo. Maghihintay ako, Asawa ko.

THE END

--------

[Hug ko kayooo~ Yeheeeyy~ Mahal ko lahat ng nakaabot ng pagbabasa dito hahahaha. Salamat <3 <3 Love you guys <3 ]

Our Alien Relationship (BTS 'V' FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon