Chapter 10

33 2 10
                                    

Taehyung's POV

Pagdating na pagdating ko sa ospital agad akong pumasok sa kwarto ni Laelle, at nagulat sa nakita ko.

Maraming doctor ang nakapaligid sa kanya. At mas dumami ang mga nakadikit na kung ano-ano sa kanya.

Agad kong pinuntahan ang kuya nya na nakatayo malapit sa kama ni Laelle.

"Hyung! Anong nangyari!" Nagpapanic kong tanong.

"M-malala na..." Nakatulala nyang sabi habang pinagmamasdan ang mga doctor na kung ano-ano ang ginagawa kay Laelle.

M-malala na?

Pumikit ako at tumingala, at saka nagpakawala ng buntong hininga. Ang hirap. Hindi. Hindi pwede.

Di ko kinayanan ang mga nakikita ko kaya agad akong lumabas ng kwarto at naupo sa bench na nasa labas nito.

Di ko kaya. Ang makita syang ganon. Ang makitang nahihirapan sya.

'You'll lose her'

Umiling ako. 'No. I won't. I'll fight for her. She'll fight for me. We'll get through this.'

'Deceive yourself'

Napaisip ako sa narinig ko na 'yun. Niloloko ko lang ba ang sarili ko? Na... alam ko na ng wala ng pag-asa... Na hindi na pwede. Pero pinag-pipilitan ko pa rin. Pinaglalaban ko pa rin kahit wala akong laban sa sakit nya.

Napabuntong hininga na lang ako at tumingala ulit. Pagsubok lang 'to, Taehyung.

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ni Laelle. Nakita kong lumalabas ang nga doctor at umiiling. Anong ibig sabihin nito?

Agad akong tumayo at pumasok sa kwarto. Naabutan ko ang Kuya ni Laelle na hinahaplos ang buhok ng asawa ko at napalingon sakin ng pumasok ako. Nakita kong namumula ang ilong at mata nya.

Nginitian nya ko ng tipid. "Ikaw muna bahala sa kanya ah?" Tumango ako at lumabas na sya.

Naupo ako sa tabi ng kama ni Laelle at pinagmasdan sya. Ayoko ng ganto. Ayokong nakikita syang nahihirapan.

Napabuntong hininga na lang ako at hinawakan ang kamay nya.

Kanina, nung umalis ako dito para mag-practice, okay pa sya. Tapos pagbalik ko ganto na agad sitwasyon nya!?

Napabuntong-hininga na lang ako. Maayos namin 'to.

"Alien koooo~!"

"5 minutes" at nagtakip ako ng kumot.

"Ehhhh!! Gising na! Alien naman eh!" At naramdaman kong may humila ng kumot ko kaya kinuha ko na lang ang unan ko at pinangtakip ko ng mukha ko.

"ALIEN KOOOO! GISING NA NGA SABI EH!!" At kinuha naman nya ang unan ko.

Hinayaan ko na lang sya at saka nanatiling nakahiga habang nakapikit pa rin ang mata.

"Ayaw mo ah," narinig kong bulong nya na hindi ko pinansin. "Alieeeenn!! Gising na!! Wake up!!" At pakiramdam ko ngayon ay lumilindol na dahil sa pagtatalon nya sa kama ko.

"Wake up, wake up wash your face and make a bumble shaaaake!" Kanta pa nya habang tumatalon pa rin.

"Tigil na!" Wala na kong nagawa kundi ang bumangon. Umupo ako sa kama pero nakapikit pa rin ang mga mata ko. Naramdaman ko naman ng tumigil sya sa pagtalon at tumabi sakin.

"Gising na?" At naramdaman ko syang tinutusok ang pisngi ko.

Agad ko naman sya hinila palapit sakin at humiga sa kama kasama sya. Hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya para di na sya makapalag.

Our Alien Relationship (BTS 'V' FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon