Chapter 7

42 3 0
                                    

Taehyung's POV

Nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Dahan dahan akong dumilat at nagulat sa nakita ko.

"Laelle!?" Gulat kong tanong at agad na bumangon.

"Dahan dahan naman" natatawang sabi nya at inalalayan ako

"Wifey!? Ikaw ba talaga yan!? Di ba ako nanaginip ulit!?" Gulat na gulat ko pa ring tanong sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Opo, Alien ko. Nandito po ang iyong wifey at yakap yakap mo na ngayon. At lalong di ka po nananaginip" natatawa nya pa ring sabi at naramdaman kong niyakap nya ako pabalik.

"Namiss kita" Bulong ko sa kanya at di pa rin sya pinapakawalan

"Mas namiss kita"

"Di ako papatalo. Mas namiss kita"

"Eh? Di rin ako papatalo. I really really really missed you" I heard her giggled and she hugs me tighter.

"I missed you more than you do" at saka ko sya hinalikan sa noo

"Ehhh~ Mas namiss nga kita!" She said while pouting. Napangiti na lang ako. She's being childish again hahaha

"Alright. Hahaha from now on wag ka ng lalayo, ok? Parehas lang natin mamimiss ang isa't isa" Sabi ko at tinignan sya sa mata

"Opo" She said while nodding "Nagquit naman na rin ako eh" niyakap pa nya ako ng mahigpit at saka sya sumiksik sa dibdib ko.

"What? Nagquit? Why?" I asked and plays with her hair.

"Because I missed you" I bet she's pouting now.

"But... it's your dream, right?"

"It's just a dream, my alien. Ayoko ng patagalin ang pagkalayo ko sayo" sabi nya at kumalas sa yakap "Tara na! Baka maubusan ka nila nung binake ko" Sabi nya at hinila ako patayo

"Binake?"

"Yup! I baked cupcakes and cookies diba yun yung favorite mo na binake ko "

"Really!?" Pagkarinig ko nun ay nagmamadali akong lumabas ng kwarto at nakita kong kinakain ng mga kagrupo ko ang mga cupcakes na ginawa ng asawa ko

"AKIN YAN!!!" Sigaw ko sa kanila at tumakbo para kunin ang natitirang pagkain.

"Damot mo naman Taehyung" sabi ni Jin hyung habang ngumunguya

"Hoy! Magtira ka!"

"Amin din yan!"

"Damot nito"

"Mabuti nga di ko na kinuha yang kinakain nyo eh!" Protesta ko at umupo na.

"Dapat pa ba akong magpasalamat?" Natatawang sabi ni Jin hyung

"Oo" sabi ko at dinilaan sya

"Ayoko" sabi naman nya at kumain na lang ulit ng cupcake

Napasimangot naman ako sa sagot nya kaya kinuha ko ang frosting ng cupcake nya at pinunas ko sa mukha nya

"Muntanga hahaha" Sabi ni Jimin hyung.

"Buti nga sayo" pang aasar ko sa kanya at kumain ng cookies

"Aba!!" Nagulat na lang ako ng pahidan nya din ako ng frosting.

Tinitigan ko sya ng masama dahil sa ginawa nya. Papahidan ko sana ulit sya ng frosting ng biglang punasan ni wifey ang pisngi ko.

"Tama na yan. Sinasayang nyo gawa ko" natatawa nyang sabi at pinunasan ulit ang pisngi ko pagkatapos ay hinalikan nya ito.

Our Alien Relationship (BTS 'V' FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon