♣♣♣♣
Kung nais mo man na saktan ako at iwanan. Di bali, marami pa namang tao na magmamahal sa akin ng tunay. Hindi sa gusto kita dahil kaylangan kita. Pinadama mo sakin ang napakatamis na halik ngunit kabaliktaran ang lahat. Hindi na ikaw ang nakilala ko. Ang bawat halik na iyun ay isang mapangahas. Iniwan mo ako.
Tawagin niyo nalang ako sa pangalang Martha. 19 years old. Umibig ako sa isang seaman na lalaki. Nakilala ko siya sa text. Siya ang una na nagtext sakin. Patuloy kaming nagconversation sa isat isa. Hanggang sa maka developan na kami. Nagdesisyon kaming dalawa na magkita sa Mall. Na meet namin ang isa't isa. Masyadong mahiyain ako na makita siya. Ganun din siya, nahihiya rin. Nagmasyal kami sa parte ng Mall. Kumain, nagnood ng movie, nagshopping at marami pa. Syempre libre niya.
Hinatid niya ako sa aking bahay. Bigla niya lang ako hinalikan sa lips. Namumula ako at di alam ang gagawin. First kisd ko ito. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag kayo'y nagkahalikan. Dama ko yong malambut niyang mga labi sa aking labi. Pinikit ko lang ang aking mga mata. Sabi niya sakin....
"Mahal kita"
Naka ngisi pa siya na sabihin ito sa akin. Namumula pa rin ako hanggang ngayon. Hinintay ko na rin siya na pumasok sa kanyang kotse at patuloy ng umalis. Kahit sa aking pagtulog, naiisip ko pa rin kanina ang nangyari. Tila bang gusto kong maulit muli ang nangyari. Siya ang First kiss ko. Siya si Carlo. Ang aking boyfriend. Mabuti na rin ang aming pagsasama. Masaya kami sa bawat isa.
Sabi niya pa nga sa akin....
"Kapag nakapatong ka sa edad na 20 years old ay papakasalan kita. Pangako yan. Hihintayin mo ako sa araw na sa aking pagbabalik."
Ang pangako na iyun ay labis kong pinahalagahan. Masaya ako sa mga sinabi niya na ako lang ang tanging iibigin niya. Masaya ako dahil may lalaki na mamahalin ako ng lubus-lubusan. Aftet 4 months ay bumalik na siya sa kanyang trabaho. Sumakay siya ulit ng barko. Pero bago yun. May ibinigay siya sa akin na kwentas. Hugis shell. Pero ka aya-ayang tingnan.
Palagi ko itong kinakabit sa aking leeg saan man ako mapunta. Nagtatrabaho ako sa isang company. Inspire naman ako sa aking mga gawain araw-araw. Patuloy kami sa pagchat gabi-gabi. Hindi niya talagang makalimutan na i-text ako. Kahit busy siya ginagawan niya ng paraan para ma katext lamang ako. Ang sweet niya talaga.
Nagplano na rin siya sa wedding gown at sa takdang araw na kami ay ikakasal. Malapit na akong maging 20. Di ko talagang mapigilan ang ngiti ko sa tuwa. Labis ko talagang ipadama sa kanya na mahal na mahal ko siya.
Sa araw na aking ikinahihintay. Ang pangako na kay tagal kong pinahalagahan. Dumating siya sa araw na kami ay magsasamang muli. Sinundo ko siya sa daungan ng barko. Hinintay ko siya dun. Ang tagal ng aking pagkahintay. Mga ilang oras na rin ako na nakatayo rito sa waiting area. Sa wakas na rito na rin siya. Papunta na siya sa aking kinaroroonan.
Mabilis na rin kong lumakad para mayakap siya at mahagkan. Pe-pe-pero, bago yun may babae na nauna sa akin at niyakap siya at hinagkan. Labis akong nagulat sa nakita ko. Naghalikan silang dalawa sa gitna na walang Kawalan. Napalunok nalang ako sa aking nakita. Ang tamis ng kanilang halikan. Nakita niya ako, pero hindi niya ako pinansin. Napayuko nalang ako sa labis na aking ikinagagalit. Pumasok na ito sa kanyang kotse at pinaandar yong makina. Umalis na ito na walang kamalay malay na iniwan ako. Tinatrato niya akong, hindi ka kilala.
BINABASA MO ANG
Don't break my heart
Teen FictionAng kwento na ito ay katotohanan. Basi ito sa taong nakaranas ng matinding damdamin. Ang lahat na character ay hindi mga totoong pangalan nila. May pagkakataon talaga na darating sila sa buhay natin na pasasayahin tayo. Paano na lang yong tao na na...