I miss you

20 1 0
                                    

Naghihintay sa wala.

Palagi nalang umaasa.

Palagi nalang nasasaktan.

Palagi nalang malungkot.

Palagi nalang nakasimangot.

Hay nako. Lahat nalang ganito nangyayari sakin. Marami nga akong gustong tanungin sayo pero PAANO?

Di mo naman ako kilala. At nahihiya rin kong sabihin sayo ang totoo. Palagi nalang ako tumatanaw sayo pero hanggang tingin lang naman ako.

Mahirap magpatago sa taong mahal mo. Pag-inamin mong mahal mo siya di mo alam kong anong maging reaction niya. Baka lalayo lang siya sayo o di kaya iiwasan ka. Takot kang mapahiya at takot kang masaktan.

Ibuhos ko man ang lahat. Wala pa rin taong makikinig sakin at wala rin yong taong gusto kong iparinig lahat sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Ngunit isang panaginip lang naman ito at di makatotohanan. Dahil alam ko na hindi maging tayo kaylan man.

Nung makilala kita Lervie. Ang saya saya ko dahil sa wakas nalaman ko na rin yong palangalan mo. Lahat ng friends mo sa fb ni research ko para matuklasan lang ang tunay mong pangalan at ang tunay mong pagkatao. Crush na crush kita noon pero ngayon mahal na mahal na kita. Nais ko sanang maging kaibigan mo pero na isip ko na baka kong ano naman ang isipin ng mga kaibigan ko. Di naman ako flirt. Ang gusto ko lang maging friends tayong dalawa hanggat sa higit pa sa kaibigan.

After 6 months di nakita muling nakita. Alam kong busy ka sa iyong ginagawa. Naiintindihan ko iyon. Wish ko pa sana na pagdating ng christmas muli kitang makita. Pero wala eh. Wala talaga. Umaasa ako dahil nagpapaasa ako na babalik ka. Kahit anino wala akong nakita.

After years. Ng bumalik ako sa school. Nakita kita run mismo sa station mo. Naka skyblue ka na T-shirt. Nagulat ako dahil di ako makapaniwala na nakita kita. Yun pa yong mga araw na di ko na expect.

Lervie, mahal na mahal kita. Kung mababasa mo itong sulat ko sa wattpad. Malalaman mo na may gusto ako sayo. Kahit ano ko pang iwas sa pag-ibig di talaga mawawala. Ikaw dahilan kung bakit ako nagsisipag, palaging maaga sa school because of you. Inspire ako araw araw. Na miss kita sobra. Ng makita kita parang tatalon talaga ako sa saya sa kilig. Alam mo ba di ko na mapigilang ngumiti. Ngumingiti ako na wlang rason pero iisa lang naman ito. Ikaw iyun Lervie. Lervie ikaw yun. Pero di na kita makikita siguro dahil hanggang dito na lamang ang hantong ng buhay ko. Kahit short love lang na nanatili pa rin ang pangalan mo rito sa puso ko. I'm always be happy kahit na saan man ako. Kahit paano na experience ko rin kong paano magmahal ng tama at nagmahal ng sobra. I'M WILL BE HERE WAITING FOR YOU!

Don't break my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon