Kabanata X: Inside Batman's Planner

382 11 2
                                    

(JULIA’S POV)

“Andito na po ako!”

“Oh apo maaga ka ata ngayon, ah” bati sa kin ni lola

“mano po, oo nga lola eh eh naubos naman kasi agad yung product na naka-assign sa kin ngayon kaya pinauwi na ako ng maaga nung supervisor namin”

“ah ganun ba oh sige may pagkain dyan kumain na kami ng hapunan eh kala namin mamaya ka pa”

“ah sige po, akyat lang po ako sa taas papalit muna ako ng damit, si mama po?”

“adyan sa sala di mo ba nakita? O baka naman nag-cr lang nanonood kasi kanina ng balita eh”

“ah sige po” aakyat na sana ako sa taas ng biglang nag-bukas ang pinto sa CR, si mama pala tapos ngumiti sya sa kin, nag sign language naman ako hi, lumapit sya sa kin saka hinug nya ako

“haay, nawawala talaga ang pagod ko sa tuwing niyayakap ako ni Mama” sabi ko habang naka-yakap sa kanya at lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya inalis ko rin naman agad tapos nag-sign language ako ng  mag-bibihis po muna ako, sumagot naman syang sige anak in a sign language way. Dumiretso agad ako sa kwarto ko nag-bihis muna kukunin ko sana yung cellphone ko nung may napansin ako sa bag ko yung brownies nga pala! Kinuha ko naman tas may napansin akong planner, ay oo nga pala eto yung naiwan ni Dj kanina, dib a ang laki ng bag ko daming laman hahaha, wag kayong mag-taka malaki talaga ang bag ko, bubuksan ko n asana yung planner ng biglang

“JULIA! KUMAIN KA NA MUNA!” sigaw ni lola, nilapag ko muna yung planner ni Dj sa kama ko tas kinuha ko yung brownies dinala ko pababa

“La! Pasalubong kop o” sabi k okay lola sabay abot nung box of brownies

“ay naku salamat apo tatabi ko muna toh sa ref” sabi ni lola tas nilagay nya yung brownies sa ref

“WOW! SWEET AND SOUR FISH!” sabi ko habang hawak-hawak ang kutsarat tinidor ko at smile ng napaka-laki kay lola, ngumiti lang si lola sa kin tas dumiretso na sya sa sala, manonood pa kasi yun ng balita eh, nag-simula na lang akong kumain, WOW! Ang sarap talaga mag-luto ni Lola mapapalaki ata kain ko nito!

~Daniel Padilla, namataan sa isang MALL! Kitang-kita sa mga litratong kuha ng mga tao sa mall ang naturang pamamasyal ni Daniel Padilla sa isang Mall, halatang naka-disguise sya habang namamasyal pero hindi pa rin maitatanggi na sya si Daniel Padilla, may mga litrato pa nga habang umiinom sya ng kape sa isang supermarket at papasok ng isang fast food chain, sinasabing may katagpuan daw ang teenstar ngunit hindi alam kung sino agad namang nag-labas ng pahayag ang Star Magic na malamang ay nagpa-palipas oras lang ang Teenstar dahil sa dami ng project nito ngayon, at yan an gating Star Patrol~

*BURSSSSSSSST!*

*cough*cough*cough*

“oh Julia ayos ka lang ba dyan?!”

“a-a *cough* ayos lang po ako medyo nasamid lang ako la” sabi ko sabay inom ng tubig

*GULP*

*cough*

“Pati ba naman pamamasyal ni Dj i-chchikka pa? ano ba naman yun wala ba silang maggawa sa buhay, buti na lang maingat sya nung mag-kasama kami kundi napasama na yung muka ko dun sa mga pictue na binabalandra nila, yari ako pag nag-kataon at eto pa ang nakakatawa namamasyal daw si Dj kung alam lang nila” bulong ko sa sarili

“Mabuti pa kumain na lang ako, tsaka tapos na ang koneksyon k okay Dj kaya dapat wag na akong mag-isip ng kung anu-ano fan na lang nya ako, fan”  sabi ko sabay subo ng pag-kain, pag-katapos kung kumain at maghugas ng mga pinggan magpa-pahinga na ako

Super Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon