PS. It's a part 2 of the Kabanata XIV (14)
(DEEJAY’S POV)
“Yeah men! Buti naman dumating ka!”
“Ayos nakumpleto rin!”
“Yun oh, naisingit na tayo sa schedule ni Batman!”
“Kuya!” sabay appear ko sa mga mokong nay un pagka-pasok na pagka-pasok sa practice room
“Mga gagu! Di ko na kailangang isingit toh sa schedule naka-schedule na talaga toh! Hahaha, oh ano na mga kalokohang naggawa nyo ha!?”
“WOOOOOOOAAAAHHHHHHHH!!!!” napatigil ako sa pag-tawa ng biglang nag-sigawan yung mga mokong at napa-tingin ako dun sa tinitingnan nila, ah sus kaya naman pala
“woah! Oy Dj! Ba’t ka nag-dala ng babae sa bahay ko ha!” sabay akbay sa kin ni Katsumi “sabihin mo kanino mo sya ireregalo ha!?” binatukan ko naman agad ng isa
“G@gu! anong regalo muka ba yang regalo ha! Julia!” agad namang lumapit sa kin si Julia
“S-sir”
“Woah! Sir? Dj ano ka nya ha! Slave thing ba yan ha! Di ko alam mahilig ka rin pa lang mag-laro ng slavery! Bakit anong naggawang kasalanan nyan sayo?! Hahaha!” tanong naman ni Seth
“tss.. tumigil nga kayo ano bang slave ang pinag-sasabi nyo, ha!?”
“eh kuya ano mo ba sya! Sabihin mo na kasi!”
“isa ka pa kahit kapatid kita sasapatusin kita dyan eh, pano ko ipakikilala eh tanong kayo ng tanong, tss oy fangirl mag-pakilala ka!” utos ko agad kay Julia, eto namang mga gagu mukang mapapasukan na ng ipis kanina pa naka-nganga at kala mo asong naka-ngiti ano bang problema ng mga toh, ano ba nakita nila dito kay Julia
“o-opo sir, a-ako po si Julia temporary P.A. ni sir Dj, nice meeting you po!” bati ni Julia sa kanila sabay tago sa likod ko
“tss.. oh ano masaya na kayo? P.A. ko yan kaya wag kayo O.A. sa pag-react oh ano?! Jamming na tayo!” sabay talon ko dun sa sofa dahilan para madaganan ko sina Seth at Lester
“Ano bay an Dj! Kahit payat ka ang bigat mo pa rin!!”
(JULIA’S POV)
Andito ako ngayon sa isang sulok, pinapanood ko lang sina Dj naglalaro lang sila ngayon ng Wii yung iba nag-gigitara, ewan ko sa kanila basta magulo parang mga bata ang ingay pa tas may background music pa yung mga bata, hindi lang basta music hard core! Ang ingay!! Haay! Napasandal na lang ako sa dingding medyo nararamdaman ko na rin yung pagod, tumingin ako sa relo ko 10:00 na pala haay ano naman kayang oras matatapos ang mga toh nag-sisimula pa lang silang mag-enjoy eh.
*sigh*
Kinuha ko yung ipad ni Dj sa bag, buti pa ayusin ko na lang muna schedule nito, ng may maggawa ako.
“Yun oh!!”
“bwahahaha! Talo ka na naman Dj eh!”
“anong talo! Dinaya nyo ako!! Ulitan!! Ulit!!” mukang masaya ngayon si Dj siguro comfort zone nya kasi ang mga kaibigan nya Malaya syang ipakita kung ano sya, ngayon ko lang sya narinig humagalpak sa tawa eh
*sigh*
Ano ba yan wala na akong ibang ginawa kundi ang mag-buntong hininga
“Hi ate Julia!” napa-tingin ako dun sa lalaking may dalang popcorn
BINABASA MO ANG
Super Fan Girl
HumorKung walang fans, walang artista! This story is for all the fan girls/boys outside! Scream and shout and tell the world that you are proud to be a fan of!! This story is dedicated to all of us who knows how to love and how to adore! Karaniwan na sa...