(DEEJAY’S POV)
*sigh*
Naku, naku talaga Dj, sa lahat naman ng pwede mong iwala eh yung pinaka-iingatan mo pang planner, yari ka talaga pag nag-kataon, kailangan mo talagang mahanap yun kaagad alam mo namang ang laman ng planner nay un ay yung buong pagkatao mo, lagot ka talaga katapusan mo na pag nag-kataon.
“aissst” napapalo na lang ako sa noo ko “sana nga lang kung nakuha man yun ni Julia wag nyang pag-interesan na basahin” napahiga na lang ako sa kama ko ng
~ako ang ringtone mo ako ang ringtone mo sagutin mo na bilisan mo~
Oh bakit naging ganito yung ringtone ko? Aisst ewan ko baka napalitan ko ng di ko namamalayan
“Hello Sue bakit?”
‘ah sir ahmm papaalala ko lang po na tight po sched nyo tomorrow’
“Oo na sige na alam ko na yan Sue, pero may time ba ko na free tomorrow? May pupuntahan ako eh” sabi ko habang naka-higa at nakapikit habang nakikipag-usap sa phone
‘ah wait lang sir, check ko po’ minamasahe ko yung noo ko habang nakapikit ‘ah sir!’
“ay ano ba yan Sue hindi mo kailangang sumigaw, oh ano?”
‘sorry sir, ahmm ano po kasi wala po kayong free time tomorrow”
“ha? Eh the other day?” sabi ko pa rin habang naka-pikit kailangan ko kasing puntahan yung Julia ulet eh
‘hmm, full sched pa rin kayo’
“ano? Pano bay an kelan maluwag ang schedule ko?”
‘ahmmm……mga next week pa po ulet sir’
“ANO?!” napabangon ako bigla dahil baka next week ko pa makuha yung planner ko di pwede!
‘sir? Bakit po?’
“Sigurado ka bang walang vacant time or day?”
‘sure po ko sir, mama nyo po kasi nag-organize ng mga schedule nyo eh, bakit po gusto nyo po ban a i-cancel n—‘
“HINDI! Ah I mean wag na, ako na bahala sige bye, matutulog na ako” agad ko namang binaba yung phone humiga na lang ulet ako sa kama ko, hindi pwedeng mag-taga yung planner ko kung kanino man mamaya matukso pa yung basahin yun eh, gagawa ako ng paraan mahanap ko lang ulet ang planner ko
(JULIA’S POV)
“Sige bye! Ingat kayo!” paalam ko dun sa mga workmate ko pauwi na ako ngayon ang bilis ng araw tatlong araw na din ang nakakalipas simula ng last encounter namin ni Batman, puro trabaho na lang ang inaatupag ko at si Batman sa T.V. at mga print ads ko na lang din nakikita
“Andito na po ako!” bati ko agad pag-pasok ng bahay agad naman akong sinalubong nina Mama at Lola, same routine pa rin nag-bihis ako tas kumain then akyat na sa kwarto, nakakapagod kasi trabaho ko sa supermarket nung isang araw nga lang nag-OT ako eh, oo nga pala di ko na kayo na-update sa binabasa kong novel entitled “WHO IS THE REAL BATMAN?” joke lang yung planner ni Batman ang tinutukoy ko, medyo marami na rin akong na-browse na page dito sa planner na toh naging mas kilala ko si Batman na hindi lang pala maangas, may jolly side rin sya, emo side, loko-loko side, duwag side, at BADING side hahaha joke lang di kaya bading ang batman ko malambing lang siguro, dahil sa planner na toh nalaman ko na tao lang pala ang batman ko na nasasaktan din, na umiihi at tumatae din, hehehe totoo nga kasi pag sa T.V. lang natin sila nakilala akala mo naman mga Anghel yan na hindi nadudumihan, pero totoo tao lang din sila nagmamahal, nasasaktan, nadudumihan, bumabaho at kung anu-ano pa, hahahaha nakakatuwa nga eh, oh sige basa-basa ulet tayo
BINABASA MO ANG
Super Fan Girl
HumorKung walang fans, walang artista! This story is for all the fan girls/boys outside! Scream and shout and tell the world that you are proud to be a fan of!! This story is dedicated to all of us who knows how to love and how to adore! Karaniwan na sa...