Chapter Nine

29 5 0
                                    

Chapter Nine

"Oh my! You're so gorgeous. Syche! Kahit simple lang damit, litaw na litaw parin ang beauty mo!" I blushed.

"Thank you pero wag mo na ulitin, nakakalaki ng ulo." Natatawa kong sabi.

Tumingin ako sa full length mirror at umikot-ikot sa harapan nito. Maganda ang bagong damit at heels na binili ni Luna para sa'kin. Color peach na dress na above the knee ang ikli at light brown na heels. Sakto lang sa medyo puti kong balat. Nakacurl ang dulo ng mahaba kong buhok. She put some light make-up on me too. Sabi niya nakaka-enhance daw yun ng ganda.

"You're pretty that is the fact...Dalian mo dyan baka dumating na ang sundo mo." Umalis na ito sa kwarto at hinayaan akong mag-isa. Mag sisimba kami ni Cy. Sinabihan ko sila Luna at mama na sumama pero ayaw nila, ayaw daw nilang makaistorbo.

Nang matapos na ako sa pagaayos ay agad akong bumaba sa sala. Hindi ko alam na dumating na pala siya. Hindi man lang nila pinaalam sa akin.

"Ang ganda mo."

"Salamat. Kanina ka pa ba?"

"No, kadadating ko lang." Nilibot ko ang aking paningin upang hanapin sila mama.

"Asan sila?" Kaming dalawa lang kasi ang nandito sa sala.

"Umalis silang dalawa. Mag ma-mall daw muna." I shrugged. Shopaholic talaga ang dalawang yun.

Inaya niya na akong umalis. Ginabayan niya akong sumakay sa sasakyan at nagmaneho.

"Where are we going?"

"Asan ang balak mo?"

"Sa Shrine hills tayo?" Maganda ang Shrine hills na church. Malawak ang lugar at tahimik. Hindi gaano marami ang nagsisimba. I agreed.

Nag simula na ang simba at tahimik lang kaming nakikinig sa sermon o sona ni father. Hindi ko mapigilang hindi mapatingin kay Cy.

Ano kayang pinapalangin niya? Ako kasi puro pasasalamat dahil bumalik ang lahat sa dati. Bumalik ang paningin at memory ko, gumaling si Cy. Hindi na gaano umaatake ang sakit niya. Wala na akong mahihiling pa. Kompleto na ang buhay ko. Nandyan ang pamilya at mga kaibigan ko at nandito sa tabi ko ang lalaking mahal na mahal ko. Sana ganito nalang habang buhay. Sana ganito nalang kami habang buhay. Walang magbabago.

"The line 'death do us part' is the line that can't easily forgot. They say Death is the only one that can make your love vanish...."

Napatingin ako kay Cy. Kinakabahan ako ng marinig ko ang sabi ng pari. Paano kung hindi naagapan ang sakit niya? Paano kung hindi siya lumaban noong mga oras na wala ako? Paano kung bumalik ang sakit niya? Ano ang mangyayari? Death do us part na ba? I mentally slap my face. Hindi dapat ako nagiisip ng mga ganon. Past na yun. Tapos na, hindi ko na pro-problemahin and dati.

"Sign of peace...." Said The priest.

He give a smack on my lips and whispered. "I love you." I smiled and give him a quick kiss on the cheek and replied. "I love you too..." Holding hands kami habang hinihintay matapos ang simba.

"The mass is ended, go in peace...." The priest declared.

Naglakad kami papunta sa lot ng biglang magpaalam si Cy na mag c-C.R muna. Nagtatakbo pa siya habang papunta sa C.R, ihing-ihi na siguro.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan habang hinihintay siya.

"Sorry, pinahintay kita." Pumasok ito sa loob at ngumiti sa'kin.

"What is that? Are you okay?" May bahid ng dugo siya sa ilong. Bigla akong kinabahan. Kumuha ako ng panyo sa bag at dinikit sa ilong niya.

"Ah, wala yan. Nabangga kasi ako sa pinto ng banyo kanina sa kamamadali ko ayan tuloy dumugo ang ilong ko...pero hindi naman siya masakit." Nakahinga ako ng maluwag sa narinig.

Behind her sightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon