Chapter Five
Nahihilo ako ng may itinusok si doctora sa aking braso. Bumibigat ang talukap ng aking mga mata, tila kinukuha nito ang lakas ko at pinipilit akong makatulog. Hindi ko na kaya, namamanhid na ang buo kong katawan. Ayaw ko ng lumaban. Napapikit ako't nawalan ng ulirat.
[Res Phariz arkos]
Umiiyak si tita Zelda at si Luna sa kaba, ako naman pinipilit silang pakalmahin. Natatakot rin ako sa magiging resulta ng operation ni Syche. Hindi ko alam kong saan ba ako takot. Natatakot ba ako na baka hindi successful ang operation o natatakot ako na baka bumalik na ang paningin niya at maalala na niya lahat? Natatakot ako, natatakot ako sa Hindi ko mapaliwanag na bahay.
Mag tatatlong oras na simula noong umpisahan ang operation ng mata ni Syche.
"Doc." Napatayo kami ng may lumabas na doctor mula sa operating room. Walang binigay na ano mang salita ang doctor at tumango lang. Hudyat na successful ang operation.
"God! Thank you." Biglang sigaw ni tita at napaluhod sa saya. Masaya ako pero medyo nababahala sa magiging resulta sa pagbalik ng paningin niya.
Maya-maya't pa'y inilabas na nila si Syche sakay sa kama na de gulong. Wala itong malay at may puting bandage pa na nakapalibot sa kanyang mata. Para lang siyang natutulog.
Ipinasok na siya sa loob ng kwarto at inihiga ng maayos sa kama.
"Tita, may bibilhin lang ako." Bibili muna ako ng pagkain sa fast food chain para pag-gising niya may makakain siya.
Sasakay na sana ako sa elevator ng may magsalita sa likuran ko.
"Res Phariz arkos?" Nilingon ko ito at laking gulat ko ng makita ko siya. Ganon parin ang itsura niya dati ibahin lang na nakasakay siya ng wheelchair ngayon at tila hinang-hina na.
Gusto niyang makausap ako kaya sinundan ko siya. Electric wheelchair pala ang gamit niya. Kinakabahan ako sa kung ano ang paguusapan namin.
Huminto siya sa isang tila garden dito sa loob at gitna ng hospital. Maraming bulaklak, maraming lumilipad na mga ibon at paru-paru hindi gaano mainit dahil sa malalabong na puno ng mangga.
Humarap siya sa'kin at inaya akong umupo sa upuang kaharap niya. Umupo ako dun at seryosong nakatitig sa kanya.
"Ingatan mo siya." Napakurap ako. Alam niya na kaya? Hindi ako umimik.
"Ayaw ko na siyang saktan ulit, ayaw ko ng ipadarama sa kanya ulit ang sakit na naranasan niya dati...Alagaan mo siya para sa akin. Ako ang may kasalanan kung bakit siya nag kaganyan, ako ang dahilan kung bakit siya na aksidente. Dahil sa gagong sakit ko hindi ko siya na protektahan at hindi ko na siya mapro-protektahan pa. Res, alagaan mo siya please....Mahal ko siya, mahal na mahal. Ayaw ko siyang masaktan ulit kaya please ipangako mong aalagaan mo siya." Hindi ako makapaniwalang sinasabi niya ito sa akin ngayon, nag mamakaawa siya sa harapan ko mismo.
"Nag kita na pala kayo."
"Matagal ko na siyang pinagmamasdan sa malayo, kung alam mo lang." Nakangiti niyang sabi. Hindi na ako magugulat, mayaman siya kaya niyang gawin at makuha lahat ng gusto niya.
Mag sasalita sana siya ng bigla siyang nahirapang huminga. Sasaklolo sana ako ng may humawak sa braso ko upang pigilan ako. Nilingon ko ito.
"Zes?"
"Ako na ang bahala sa kanya." May kinuhang gamot si Zes sa bulsa niya at pinainom ito sa kasama. Kahit nahihirapan pilit itong tumingin at ngumiti sa'kin.
"A-alagaan mo siya at m-mahalin gaya ng ginagawa ko dati." Sabi niya. Tinanguan ako ni Zes at itinulak na paalis ang wheelchair niya.
"Cy."
[Syche Athena Olympia]
Ang sakit ng mata ko, sobrang hapdi at sobrang kati.
"Mom, natatakot ako na baka hindi successful ang operation." Naiiyak kong sabi. Naka-bandage pa kasi ang mata ko at sobrang hapdi at kati nito. Ang sarap kalmutin.
"Ang nega mo naman teh! Ang sabihin mo excited ka lang." Maarteng pagkasabi ni Luna. Nairita na siguro ito sa akin, kanina pa kasi ako reklamo ng reklamo sa mata ko.
"Mag hintay ka nga, Syche. Dadating yung doctor mamaya o baka ngayon." Siguro excited lang talaga ako kaya inip na akong matanggal ang bandage na ito.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makarinig kami ng katok sa pinto. Kinakabahan ako.
"Good afternoon po doc." Bati nila sa taong pumasok. Nandito na sila para tanggalin ang bandage sa mata ko. Paano kung hindi effective ang operation? Natatakot ako. Paano kong effective? Babalik na siguro ang mga alaala ko? Nakakakaba na may halong excitement.
"How's your feeling Syche?" Tanong ni doctora at kinalikot ang bandage ko.
"Medyo mahapdi po."
"Kailangan na siguro nating kunin ang bandage." Tila ba nabuhay ang saya sa puso ko ng marinig ang sinabi niya.
Inalalayan nila akong umupo sa kama.
"Just relax, okay? Tatanggalin ko na ang bandage mo." Tumango lang ako at hindi na umimik. Nararamdaman ko ang kamay niya na ginu-gunting ang bandage. Nakapikit parin ako. Natatakot na ibukas ang aking mata at baka walang epekto ang operation.
"Syche, dilat na." Asar na naman si Luna. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang dumilat.
Napabuntong hininga ako dahil puro itim parin ang aking nakikita. Naramdaman ko ang mga luhang nag uunahang tumulo sa aking mga mata. "Syche." I heard mom mentioned my name in a sad tone.
Umiiyak na ako, pero napapansin kong tila may nakikita akong kulay puting ilaw kaya kumurap-kurap pa ako. Ghads! Maya-maya't tila nag aadjust ang paningin ko sa iba't ibang kulay na nakikita ko. Nawala ang kulay itim at pinalitan ng liwanag. Nakita ko sila mama na nakangiti. Bakas sa mukha nila ang saya.
"Nakakakita na ako! Mom! Nakakakita na ako!"
Tumayo ako at binitawan ang aking cane sabay talon-talon with ikot-ikot effect pa. Dinaluhan naman ako ni Luna kaya para kaming mga batang nanalo ng candy sa isang party.
"Ma'am Olympia, kailangan po ni Syche maglibot sa iba't ibang lugar, baka doon niya makita o mahanap ang bagay na magpapabalik ng memorya niya, pero mag ta-take parin siya ng mga medicines."
Lumapit ako sa doctor at pinasalamatan ito. Maya't pa'y nagpaalam na itong aalis na.
"Mom, ang ganda niyo po pala. Mag kamukhang-kamukha tayo." Natatawa kong sabi habang tinititigan si mama. Bumaling ang tingin ko kay Luna na nakatingin rin sa'kin.
"Luna, ba't ang kapal ng kilay ko? At ang laki ng eyebugs mo." Tumawa ako ng pagkalakas-lakas.
"Hoy! Syche! Hindi porket nakakakita ka na, lalaitin mo na ako because for your more information malaki ang eyebugs ko dahil sa'yo!" Nilapitan ko ito at yinakap.
"Hindi ka naman mabiro Luna, ang ganda mo kaya." Natatawa nalang si mama sa aming dalawa. Inaasar ko kasi siya.
"Asan si Res? Hindi ko pa nakikita ang pagmumukha niya ah." Ano kayang itsura ni Res?
"Eee, hinahanap-hanap. May binili siya, ewan ko ba't antagal niya." Asar ni Luna. Hindi ko nalang pinansin at nakipag kwentohan nalang kanila mama.
"Syche?" Boses ni Res yun.
Nilingon ko ito at kulang nalang mabulag ako ulit dahil sa kapogian nito. Hindi ko aakalaing gwapo si Res, malinis siya kung mag damit, maputi at medyo singkit ang mata niya at maganda ang hubog ng kanyang katawan. Eee, ano ba ito, nakakakita lang ako ulit medyo lumandi na?
"Hi Res." Lumapit ito sa akin at ginulo ang buhok ko. "I'm glad nakakakita kana ulit."
"For you, alam kong sayo yan, nahulog mo kagabi." Binigay niya sa akin ang sing-sing.
Ang sing-sing na ibinigay sa akin ng taong hindi ko kilala. Ang ganda pala nito, may Laurel leaves na nakaukit sa palibot ng sing-sing, pure gold ito. Tinitigan ko ng maigi ang sing-sing ng may nakakuha ng atensyon ko. Inilapit ko ito ng konti. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, may dalawang pangalan na nakaukit sa sing-sing.
"Cy and Sy forever?"