Chapter three
"Luna, 'di ba sabi mo noon may battle of the bands kayo? And everyone is invited kahit outsiders?"
"Ay! Oo nga pala! Nakalimutan ko, sama tayo ha?"
"'yan sana sasabihin ko e, I would like to come." This past few days are so boring. Wala akong ibang ginawa kundi parating nasa park kasama si Res. At ngayon kaming dalawa lang ni Luna ang nandito buong araw. Wala si Res may pinuntahan daw.
"Yeah, sure but isasama ba natin si Res? Next three weeks pa naman 'yun." No, it's a bad idea. Gusto ko kahit sa kunting panahong lang, hindi ko muna kasama si Res. Nakakasawa na rin kasi.
Since the day na na-encounter namin si Io sa park ay nagbago na ang tingin ko kay Res, parang may alam siyang hindi ko alam e.
"Nope, If it's okay to you, gusto ko tayo lang."
We decide na pumunta muna sa mall bago umuwi. Wala na kaming oras para tawagin si manong Jimmy kaya sumakay nalang kami ng cab papuntang mall.
"Wear this."
"A cap?"
"Yeah, may bandage ka sa mata kaya isuot mo 'yan para naman hindi gaano halata." I smiled. "Thank you."
We spend our time by entering different boutiques and buying some heels and dresses and with that we felt tired and hungry so I decided na sa restaurant nalang kumain.
"La Muses Seidon." Bigla ko nalang na sambit out of nowhere. Tila kusang lumabas sa bibig ko ang mga ito.
"Alam mo kung ano ang La Muses Seidon? Isa 'yan sa masasarap na restaurant dito."
"I don't know, bigla ko nalang nasambit."
"Baka ito yung paborito mong restaurant dati, halika na."
"Yeah...Maybe."
As we enter inside I felt the comfortable ambiance of the restaurant. Nakakagaan ng pakiramdam, mabango at tahimik dito pero alam kong maraming tao ang kumakain dahil sa tunog ng mga plato.
Tinulungan ako ni Luna umupo ng maayos and then she asked me kung ano ang gusto kong kainin, treat niya daw.
"Kung ano nalang sayo, Luna."
"Sige--waiter!" Kinakalikot ko ang kamay ko habang nag-hihintay sa pagkain. Ilang minuto ang lumipas ng dumating na ang mga pagkaing inoder ni Luna. Kumain na kami ng tahimik. Kahit bulag ako, marunong akong kumain mag-isa ng hindi natatapon ang mga pagkain.
"Are you ready?" Luna broke the silence.
"Ready? For what?"
"Duh! For your operation, next week na 'yun." Naalala ko na naman, next week na pala ang operation sa mata ko. Medyo kinakabahan ako na may halong excitement.
"Kinakabahan ako, paano kung hindi successful? Mawawalan na talaga ako ng pag-asang makakita ulit at higit sa lahat ang mga missing memories ko...." I confess.
"...Baka hindi na bumalik." I continued.
"Wag ka ngang pang-hinaan ng loob, remember what dr. Marian said?" I remembered what she said and I trust her for that.
"Yeah."
Whole time pinapagaan lang niya ang loob ko hanggang sa matapos na kaming kumain.
"Comfort room muna ako, ikaw sama ka?"
"Nah, dito lang ako. Hihintayin kita." I grip my cane.
Narinig ko ang mga yapak ng sapatos nito paalis.
"Ate Sy?" Napaiktad ako ng may taong humawak sa kamay ko. Ang boses na yun.
"Io? Is that you?"
"Ate Sy, ikaw nga. Dito ka pala kumakain?"
"Siguro?" I can't answer her question. Hindi ko alam kong dito ba ako kumakain dati o ngayon lang.
"I hope you do enjoyed our dishes."
"What do you mean?"
"My mom own this restaurant." Kaya pala La Muses Seidon ang pangalan. Inaya ko siyang umupo sa harapan ko, alam ko kasing nasa galid ko lang siya nakatayo.
"Kanina ka pa ba dito?" I asked.
"Hindi, kararating ko lang kasama si manang galing ako hospital may pinag-uutos kasi si mom." Ano namang ginagawa niya dun?
"May na-ospital ba?" I heard her sob. Umiiyak siya?
"Hey, did I say something wrong? Bakit ka umiiyak?" I held her tiny hands, it's shaking.
"S-si kuya kasi, na confine na naman sa hospital. May sakit siya sa puso since bata pa siya pero ngayon lang lumala." Pagkarinig ko nun ay bahagyang kumirot ang ulo ko, hindi ko lang pinansin.
"Kuya mo? Siya ba yung kasama mo sa park?" She sniff.
"No, pinsan ko yung na confine, ang bait pa naman niya." Umiiyak na naman siya. I tap her shoulder.
"Shh. Kung sino man siya, just trust him and pray for him."
"Syche? Who's this cute little girl?" I know it's Luna. Ang tagal niya naman sa c.r panigurado nag re-touch pa siya.
"Luna, si Io 'yung sinabi ko sayong na meet ko sa park, Io si Luna, bestfriend ko."
"Hi Io! Oh! Why are you crying?"
Mag sasalita sana si Io ng bigla dumating ang yaya niya. "Io, we need to go. Nag hihintay na ang mama mo."
"Thanks for the time ate Syche, I hope we meet again bye. Bye rin ate Luna." Alam kong pinapasigla niya lang ang sarili niya pero deep inside she's broken.
"Bye!" We bid our goodbye to her.
"What's her problem anyway? Ba't yun umiyak?" Tanong niya habang naglalakad kami papuntang parking lot, tinawagan niya na kasi si manong Jimmy para sumundo sa'min.
Sinabi ko sa kanya ang mga sinabi ni Io kanina. "Aw, poor kid."
"Yeah, siguro masakit talaga kapag nalaman mo na ang taong mahal mo, may nakakamatay na sakit. I feel her pain." Ani ko.
"May pinag-huhugutan ka ba?" Natatawa niyang tanong. "I dunno." I replied.
Sumakay na kami sa kotse at umuwi.
"Ginabi yata kayo." Bungad ni mom ng pagbuksan niya kami ng pinto.
"Nag shopping pa po kasi kami."
"Kumain na ba kayo?" Mom asked.
"Tapos na po, Luna dito ka nalang mag-palipas ng gabi, Mom, matutulog na po ako." I feel so tired. Ang traffic kasi kanina sa daan idagdag mo pa ang whole day naming bonding ni Luna.
"Good night." They said in unison.
Humiga ako sa kama matapos kong mag half bath.
Kahit pumikit o dumilat ako puro itim lang ang nakikita ko, sana bumalik na ang paningin ko at lalong-lalo na ang memorya ko. Kinuha ko ang mini speaker sa side table at pinatug-tug yon.
Forevermore
Ba't pamilyar ang tunog na ito? Nakakagaan ng pakiramdan. Narinig ko na ba ito? Pero kailan? Ngayon ko lang kasi napatug-tug ang speaker ulit.
Nang nasa may chorus na, bigla akong napahawak sa ulo ko at napa-tili. Ang sakit, ang sakit ng ulo ko. Tila ba mabibiiak ito. Parang pinipilit alalahanin ng utak ko ang nakaraan. Nasabunot ko ang buhok ko sa sobrang sakit at napapasigaw. Hindi ko na kaya, tila kinakapos na ako ng hininga, bumibigat na rin ang talukap ng aking mata. Ang sakit, sobrang sakit.
"Please help me, Cy."