CHAPTER 22

25 0 0
                                    

Ella's POV

Ella po. Akala niyo ba tapos na ang kwento?? Hindi pa.. Syempre, dahil hinigi niya narin ang kamay ko sa marriage. Kakakilig nga eh, dahil kinuntsaba nanaman niya yung mga tao dun sa resto para lang dun sa proposal. Ayun, habang naghahanda sa wedding namin, nagbobonding kami, yung dati naming ginagawa. At ngayon, na master niya na ang pag bebake ng brownies!! Pinag aralan niya pala yun habang wala ako. Andami na nga niyang nabebake na ibang pastries, katulad ng cupcakes, cookies, at marami pang iba. Papatabain niya raw kasi ulit ako. Haha! At yun, palagi kaming magkasama sa resto, naglalambingan, nagkukuringgian, haii!! Lalo din akong naiinlove sakanya sa tuwing makikita kong nilalaro niya yung mga babies ni abe at mag.

"oh, bakit ka nakatitig ng ganyan?"sabi niya sakin habang niyayapos ako.

"kasi, sobrang lambing mo dun sa mga bata. Pano nalang siguro pag nagkaanak na tayo?"

"aba, baka hindi nako makapagtrabaho niyan."

"teka, ilan ba gusto mo?"

"gusto ko, isang basketball team."

-nabatukan ko tuloy siya.

"anung basketball team? Hindi mo kaya ako pahirapan nyan?"

"eh bat naman kita papahirapan?? Ako naman ang maglalaba, magluluto, mamamalantsa, mamalengke, lahat."

"asus… talaga ba yan?"

"opo naman po."

"ayiiiee!! Ang sweet niyo naman!!"---sabi ni Abe.

"naku dee, wag kang maniwala jan, yan na yan din ang sinabi saken ni abe, pero ako pa din lahat, ako naglalaba, nagluluto, namamalantsa namamalengke, lahat!!!"

"ayun naman pala." sabi ko.

"pare magbago bago kana nga!!! Nadadamay tuloy ako sayo."--sabi naman ni vince.

And yun, nagtawanan kaming apat. At sa wakas, natuloy narin ang gabi gabi naming pinag uusapan ni vince. Nakasal na kami sa isang parish church, at halos mapuno ang simbahan sa dami ng pumunta, mga relatives, yung teachers namin nung high school, mga classmates na din, at yung mga crew sa resto. Ang saya ng araw na yun. Dahil sa reception, mas madami pang dumating na bisita. At ng matapos na, hinatid na kami nung kotse sa isang resort, yun pala yung resortna pinuntahan namin dati nung nagfieldtrip kami. Pagkatapos nun, ipinahiram samin nila Abe yung island na pinuntahan namin noon. Meron na palang maliit na house dun, para saming dalawa. At binuhat ako ni vince pababa ng yacht, baka naman daw mamaya malaglag nanaman ako. Tumira muna kami dun pansamantala. Syempre, naghoneymoon kami, pero hindi ko na ikukwento yun. Haha!! Ang sweet niya nga, kasi, umaga after that, dinalhan niya ako ng breakfast in bed. Hehe.

Ayun, ilan lang yun sa mga happenings namin. Pagkatapos nun, inalok ko na si vince na sumama sakin pabalik sa Greece. Sumama din naman siya, dahil wala nanamang ibang reason para mag stay pa. niyakag ko din sila Mag at Abe, pero, pipilitin nilang makahabol para makapagbakasyon. Ayun, natuloy kami sa greece, at pinakilala ko siya sa secretary ko. Palagi din kaming naggagala, at nagpagamot na rin kami dun, pinagamot namin yung sakit ni vince. at paminsan minsan, naninibago sya sa weather dun, kaya nagkakasakit. Pero syempre, andito ako, para alagaan siya, at aabsent talaga ako sa opisina, maalagaan ko lang ang asawa ko. At pagkatapos ng ilang months, nagkababy nadin kami, isang cute boy, at pinangalan namin siyang vander michaelle, isinunod ko yung name namin ni vince. Para ngang pinagbiyak yung dalawa ni vince, dahil sobra silang magkamukha. Ang nakuha lang ata ng baby sakin eh yung puti ko at chubiness ko when I were a baby. Hindi na nga mapakawalan ni vince yung baby, at pag umiyak yun in the middle of the night, babangon yun, para lang ipaghele si vander. At ilang months pagkatapos nun, sumunod na din sila Abe at Mag dito. Ayun, sama sama kaming nagagala. Hayy.. Pag pinagbuklod talaga ng pagmamahal ang mga tao, hindi na sila maaaring paghiwalayin pa. Mananatili silang faithful sayo, at hinding hindi ka nila iiwan, dumaan man ang pinakamahirap na yugto sa mga buhay nila. Natuto rin akong magdesisyon, hindi lang para sa sarili ko, kundi para narin sa ikabubuti ng mga taong nasa paligid ko. at------------------

---------------************

Teka teka..Sunget, matulog na tayo. Tama na yan.

------------------------*****

Pero nagkukwento pa ko iihh..

-------------------------*****

Ah ganon? O sige, ganto nalang, Matutulog ka, o ikaw ang maghele mamaya kay vander pag nagising?

---------------------------------*********

Aii. Sabi ko nga eh. Sige readers aahh!! Nxt time nalang..meme na kami ng kulet ko. Bye for now!

"""""""""""""""""""""""""""""""""""THE END"""""""""""""""""""""""""""""""""""""

-------------------------

thanks for reading!!!

--------------------------

Check out for more stories soon!

*****************************************************

Unforgotten promise.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon