Ako ang naunang nagising sa aming lima. Hindi dahil nagbago na ako, kundi dahil hindi ako masyadong nakatulog sa hilik ni Emily. Ginusot-gusot ko ang aking mata bago inilabas sa bagahe ang nahagilap kong damit na mas disente pa kaysa sa sweatshirt ko kahapon. Kinaladkad ko ang sarili papunta sa banyo pagkatapos. Ngunit nang magbibihis na ako, laking gulat ko na lang na nakasara na uli ang maliit na bintanang binuksan ko kagabi. Pero higit sa misteryo ng pagkasara ng bintana ay ang misteryo ng pagkawala ng aking salawal.
Asan ang brief ko!?
Maraming bumabagabag sa utak ko nung mga oras na yun – kung nahulog ba yun dahil umihip ang hangin kagabi ng pagkalakas-lakas na nagawa rin nitong masara ang bintana o isa kina Dimples, Emily, Loraine o Alyanna ang kumuha nito. Ngunit kung kinuha ito magtataka yun kung bakit ako nagmamay-ari ng bagay na yun gayong alam nilang isa akong babae? Or worse, baka isipin nilang may fetish ako sa underwear ng mga lalaki. Nakaka-BV naman o! At Sh!t, kung hindi ko mahahanap yun, wala akong maisusuot! Scratch that, meron naman kaso…panty? Magsusuot talaga ako ng panty? Para nyo na akong tinanggalan ng dangal nyan!
Lumabas ako, pinagpatuloy ang paghahanap baka sakaling napadpad lang iyon sa tabi-tabi (kahit na napaka-imposible, pwera na lang kung may hiwaga ang Calvin Klein na yun). Hindi ko namalayang gising na pala si Dimples.
“Natalie? Is something missing?”
Nauntog ako mula sa pagkakaluhod nang marinig ko boses nya, tumayo at humarap sa kanya.
“Dimples! Hi!” nag-isip ako ng idadagdag. “Uhm, wala ba kayong klase ng 7:30?”
Tumayo sya, ginusot ang mga mata at nagstretching. Umangat ang suot nya. “Meron! English namin!” pumunta sya sa ref, kinuha ang karton ng gatas at nagtanong bago uminom. “Ikaw, ano first sub mo?”
Pilit kong inalala yung nakalagay sa adviser’s slip. “Psychometrics? Psychometrics ata!”
“Aww. Second sub namin yun. Bakit nauna ka?” tanong nya, binalik ang ininom sa ref at gulat ko na lang ng mag push-up sa harap ko. Ako na lalaki di ko naisip maski noong una pa ang mag-push up.
“Uhm, irreg ako e. Say, may napansin ka bang nakasabit dun sa maliit na bintana sa banyo?”
Huminto sya sa pagpu-push up. “Wala. Pero ako nagsara nun nung huli akong naligo kagabi.”
Mixed emotion ako dre. Una, relief – kasi walang nakaalam na brief ang hinahanap ko yet at the same time worried – magsusuot talaga ako ng panty? Pabalik ako ng banyo nun upang magsuot na nga ng panty nang mapalingon ako sa ginawang pagbulabog ni Dimples sa ibang mga girls. Itinapat ni Dimples ang kanyang PPG alarm clock kay Alyanna(tulog santo) at ilang sandali lang,
“Santa Maria Ina ng Dyos ipanala-” Napangiti ako nang malaman nyang na-good time sya ni Dimples, napabalik sa paghiga’t tinalukbong ang kumot. Nagawa rin nitong gisingin si Emily subalit hindi si Loraine. Napakahimbing pa rin ng tulog.
Nagkuntyaba ang tatlo na gugulatin nila si Loraine. Binulaga nila ito ngunit di natinag. Wala man lang karea-reaksyon ang mukhang bumangon, gusot-gusot ang mata’t bumati ng, “Good morning sa inyo.” Pailing-iling akong pumasok ng banyo, nakangiti. Pwede rin palang maging astig ang mga babae. Now back to this panty! Arggg!!!
“Uy, Natalie! Matagal ka pa ba dyan!?” tanong ni Emily, kumakatok. “Dali! Taeng-tae na ako!” Ano ba tong babaeng to walang pakundangan!
“Sandali! Malapit na!” sigaw ko habang sinasara ang zipper ng pantalon. Akala ko pag suot ko na yung panty katapusan na ng buhay ko (O.A lang) pero presko naman sa pakiramdam! Para ngang wala akong suot e! Hehe! Nang pinihit ko ang seradura palabas gusto ko na uling isara at bubuksan na lang uli pag lumisan na ang nakakasulasok na amoy.
BINABASA MO ANG
GAGSTI! - (Completed)
Teen FictionBROMANCE BOYXBOY YAOI Gagawin mo ba ang lahat to the point na magdisguise bilang babae para lang mapalapit sa crush mo? What if hindi nya na-appreciate ang effort mo't instead tinawag ka pang tibo? At malalaman mo na lang na ang crush mo ay may crus...