“Okay. Bye. See you soon.”
“You want to see me soon?”
“Yes. Uhm, I mean, what!? Anong pinagsasabi mo!? Gagsti! Sasapakin talaga kita!” ang bigla kong response nang marealize ko ang aking pagkakamali. Tengeneng yen.
“Uhm, are you okay?” ang pag-aalala nya kuno. “Parang wala ka sa sarili. Nakausap mo lang ako e.”
“Wag kang masyadong kumpyansa, man! You are nothing to me.”
“But you are something to me.” At agad nyang in-end call.
Bumalik ako sa lugar ko matapos ibaba ni Alexander ang tawag na hindi ko man lang nalinaw ang last na sinabi. Minsan talaga para yung bulol e – nagsasalita ng di nauunawaan. O baka taga-ibang planeta lang. Hm, di rin!? Bakit si Kokey naiintindihan ko naman? Naupo na lang akong pa-indian sit at pinagpatuloy ang gawain until itong si Allen, nang-usisa.
“Masyadong light ang pagka-black nya, kapalan mo pa.” ang sita nya mula sa aking likuran.
Nilingon ko sya at sinagot. “Hindi pa kasi ako tapos, diba? Alam ko ginagawa ko. Papatungan ko yan. Wag excited, please?”
Pagkasabi ko nun, bumalik na naman sya sa paborito nyang mannerism na paghimas sa baba.
“Lam mo nagtataka talaga ako kung bakit ka nandito.” Ani nya.
"Bakit!? Ikaw lang ba ang estudyante dito!? Ha!? Ikaw lang ba!?"
Matawa-tawa syang umiling at sumagot nang, "Hindi naman sa ganun! Unexpected lang talaga! Kung tama ako, ako yung pinunta mo dito, no!?" Aba'y gagu to ha!?
“Gusto mong matamaan!? Gusto mong sumunod sa kalunos-lunos na sinapit ng bakulaw!?” tanong ko habang pinapatungan na nga yung text ng heavy black.
"Hindi ko alam kung sino yang bakulaw na sinasabi mo pero para sa aking kaligtasan, sige, nagjo-joke lang ako." Nangiti ako sa sinabi nyang yun. It's as if inaamin nya sa sarili nya na hindi nya ako kaya! Yan! Ganyan nga ang gusto kong makita kay Alexander. E kaso, siraulo e, di natitinag ng salita. Dinugtungan nya ang kanyang sinabi bago pa man mawala ang ngiti sa aking mga labi.
"Pero seriously, wala pa kasi akong nakikitang babae na katulad mo ang pupunta dito't tutulong sa paggawa ng props."
"E bakit naman!? Tingin mo ba noob ako!? Na kasimple-simpleng props lang di ko magawa!? Insulto dre, insulto!?"
“Hindi sa ganon! Basta! Ewan! Yung mga tipo mo kasing babae parang socialite, spoiled brat, maarte, yun bang katulad ni Criselle. So ang ini-expect kong gagawin mo, ii-scan mo tong auditorium, ngingiti at pagkatapos iikutan kami ng mata dahil kami ay napaka-jologs, "un-cool" at "nobody"." Sobra naman nyang dino-down ang sarili.
Since nakakairita sa leeg ang pagle-lettering nang palingon-lingon, inayos ko na lang ang upo ko paharap sa kanya, pati yung mga gamit ko kinuha ko na rin at nilagay sa tapat.
"So ang tingin mo sakin Primadonna? Yep. Criselle's like that. But I'm not like that. Kung magsasabi man ako ng jologs, di ko lalahatin! Ina-narrow down ko lang yun sayo! Haha! Joke!" At dahil natawa ako sa sinabi ko, lumagpas ang gawa ko. Pero buti na lang at NAPAKA-galing kong Fine Arts student. Hindi ko sinimulan sa labas ang pagle-lettering kundi sa loob. That being said, pwede kong remedyuhan ang mali. I know! I'm that good, right!? However, for a guy like him to talk like that about Criselle, he must have a deeper reason or fact to say so.
"Parang hindi lang cute na cheerleader ang pagkakakilala mo kay Criselle ah!?" Para syang na-taken aback nang marinig ang sinabi ko. But then he decided to join with me, at umupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
GAGSTI! - (Completed)
Teen FictionBROMANCE BOYXBOY YAOI Gagawin mo ba ang lahat to the point na magdisguise bilang babae para lang mapalapit sa crush mo? What if hindi nya na-appreciate ang effort mo't instead tinawag ka pang tibo? At malalaman mo na lang na ang crush mo ay may crus...