Chapter 25 na Gagsti!

26.5K 1K 89
                                    

Last week pa lang, usap-usapan na kaagad ang nalalapit na dula-dulaan. Hindi rin iba kina Dimples ang tungkol dito and they actually want to watch. Napaka-misteryoso raw kasi ng play. Ika pa ni Dimples, “bakit ngayon lang nila prinomote?” And since may BA student kami sa cast, si Anne, sya ang nagplano na ganito ang gawing marketing strategy. Sinagot ko na ang tickets ng mga kaibigan ko. Ano pa’t kasali naman ang kanilang kaibigan sa play so syempre may VIP treatment man lang kahit papano. P25 kasi ang isang ticket so naka-save sila ngayon ng P100. Nang-asar pa nga si Emily sakin na kesyo sumweldo na raw pala ako sa sekretong itinatago ko. Tumango na lang ako habang pinipigilang ngumiti. Malalaman din nila.

And that time has come. For the whole day, excuse kami sa lahat ng klase nang makapag-last minute rehearsal. 5pm ang start ng play at wala pa raw alas dose, na-sold out na ang mga ticket. Ganun  kabangis ang marketing strategy nitong si Anne. Nae-excite tuloy ako yet at the same time kinakabahan.

Nandito rin sina Ella’t Allen para tulungan kaming i-set up ang mga props. At hindi pa rin makapaniwala si Allen na ako ang Aliyah sa play. Like that is not impossible. One hour before 5, pinapapunta ako ni Ma’am V backstage para daw sa make-up. Habang mina-make-up-an  ako, chine-check ni Ma’am V kung lahat ba ng susuotin ko from second scene to the last scene ay nandun na sa de-gulong na dressing stand. Suot ko na kasi ang costume ko sa unang eksena – yung pang Tom Sawyer. Naka-jumper tas may kulay puting damit, at nakasombrero.

At exactly five pm, opisyal ng sinimulan ang palabas.

Now kung nagtatanong kayo kung bakit nila naisip na bagay sa role ko ang Aliyah, si Aliyah kasi dito ang bunso sa magkakapatid na Minerva’t Cassiopoeia. At sya lang sa tatlo ang hindi malaprinsesa, mas gusto nya yung gawaing panlalaki at hindi nya gamay ang pagsusuot ng mga damit pambabae.

Unang eksena - sa bukid kasama ang mga kalaro nyang lalaki sa panghuhuli. Ng palaka. Since isa syang royalty, di mawawala ang mga kawal. Pero itong mga kawal na ito’y walang magawa kundi sumunod sa mga ipinag-uutos ni Aliyah. Halimbawa na lang ay ang paggawa ng mud angel sa putikan kasama ang mga baboy. At sa tuwing gagawin nila ang pinag-uutos sinasabi nila, “Alang-alang sa prinsesa, gagawin namin to.” Hanggang sa magmukha na silang terracotta.

Matapos namin sa bukid, inakyat namin ng mga kaibigan ko yung bundok kung saan nakatirik ang kakaibang kulay na puno. Kulay maroon ang puno kung kaya ang face paint ni Alexander ay maroon din. Apparently, ako lang ang nakakarinig ng pagsasalita ng puno, yung mga kasama ko hindi. Narinig ko syang nagsalita nang lumambitin ako sa sanga nya. Braso nya yung sanga na nilambitinan ko. So ibig sabihin, during rehearsals, bicep nya parati ang hawak ko. Kahit na nagpapabigat na ako nun dahil gusto kong malaman kung hanggang saan nya kaya ang timbang ko, hindi bumibigay ang braso nya. Ika pa nga nya, mas maganda pa raw tong exercise kesa sa pagbubuhat ng barbell. O so ginawa nya akong barbell?

“Aray!” ang sabi ng puno. Umarte ako na parang napabitaw sa sanga’t napaupo sa damuhan. Inalalayan ako ng mga kawal makatayo.

“Narinig nyo ba yun?”Ang tanong ko sa kanila.

“Ang alin prinsesa?” Oo dre. Isa ako ditong prinsesa. Ukinam, diba!?

“Ang puno!” sabi ko sabay turo. “Narinig ko syang nasaktan!” Salitang tumingin sa isa’t-isa ang mga kawal maging ang aking mga kaibigan at sila’y natawa.

“Prinsesa pano magsasalita ang puno?” tanong ng isa sa mga kaibigan ko. Inusisa ko ang puno, nakapikit si Alexander nun.

“Basta hindi ako pwedeng magkamali, narinig ko syang nagsalita! Ang sabi nya, “aray!”” Akala nila, nanggo-goodtime lang ako hanggang maya-maya pa’y panibagong kawal na naman ang dumating, may dalang karawahe.

GAGSTI! - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon