Chapter 31 na Gagsti!

23.6K 910 53
                                    

Pumunta ako dun sa kama kung saan nakaupo ngayon ang bakulaw. Katatapos lang ata ng prescription ng nurse dahil tumayo na sya sa kinauupuan at nagwikang,

"Pagpahingahin muna natin sya." I was about to agree pero kumontra na naman si ALexander; nagrerequest kung pwede bang sa tabi nya raw muna ako. Nung tinanong ko kung bakit, ang sagot,

"Mas madali siguro akong gagaling pagkasama ka." At mas madali siguro akong kukunin ni Lord pagkasama sya. Hutang na loob, diba!? Sa harapan ng nurse nakuha nyang sabihin ang mga katagang yan ng walang bahid ng hiya!? Seeing the nurse's response alam kong kinilig sya in the microscopic level kaya nakuha ang kanyang permiso.

Nung iniwan kami ng nurse sa ganoong set-up, yung kurtina nakaharang saming dalawa, sinimulan ni ALexander ang pang-iintriga.

"Bakit mo ko pinuntahan sa kwarto kanina?" Nakapikit ang kanyang mga mata, yung mga kamay nya naka-rest sa ibabaw ng tyan.

"Kasi may klase na! Duh." ang sagot ko.

"Alam mong alam ko na may klase na ng ganong oras, hindi muna ako kailangang sunduin. But you still did. So ibig sabihin, may iba pang dahilan." Heto na naman ang ungta, ginagamitan ng analysis ang mga lumalabas sa bibig ko. Nang hindi ako umimik sa huli nyang statement, inulit nya.

"Ano dahilan mo?"

Tinignan ko sya ng masama, nakausli ang mga labi, namamawis ang mga palad. Halatang guilty e, no? E sa hindi ko na alam ang sunod na iaalibay e!

"Siguro...na-miss mo ko no? Yun yung dahilan mo no, no?" Instead na um-oo na lang nang matapos na ang pang-iintriga,

"Ikaw? Na-miss ko? Oh please, don't flatter yourself." ANd what I was hoping na magtutunog convincing ang mga sinabi ko ay naging tunog defensive. His chuckles were also damn annoying that it forced me to tell the truth in the end.

"Gusto mo talagang malaman?" tanong ko. Tumango naman ang gago.

"Okay, ang totoo nyan, may balak akong gumanti sa ginawa mo sakin nung monday. I even called this day "Revenge day" kaya nung hindi ka pa dumadating sa classroom, nagsimula na akong maworried. Worried na baka alam mo na what to happen kaya aabsent ka para makaiwas. E nung makita naman kita sa kwartong yun, instead na himukin kang pumasok, nagdecline ako sa balak ko kasi nga may lagnat ka. Di rin naman magiging worth it, pagisinagawa ko pa tas ikaw may sakit. Dapat fair." ang paglalahad ko ng aking plano. And what do you know, animo'y na-lift ang burden ko nang sinabi ko ang totoo. However, nung inumpisahan nya ng tumawa na-bad mood ako in an instant.

"Aba-aba, nanggagago ka!? Totoo kaya lahat ng mga sinabi ko!?"

"Bakit, umapila ba ako?" Then it hit me. Oo nga, hindi naman sya umapila. Natawa lang. Nag-overreact lang ako. "Di, ang cute lang kasi inamin mo talaga na gagawan mo ng revenge yang revenge day na sinasabi mo." dugtong nya.

"Tanga. Hindi naman ako aamin kung hindi mo ipinilit." Tas natawa ulit. Lukring ampotah!

"Pero alam mo, kahit na ngayong alam ko ng balak mong gumanti, di kita pipigilan. Okay lang sakin."

"Pwede ba, tigilan na ang pagfe-feeling martyr. Di bagay dre."

"I'm just saying you can do anything to me. As long as it makes you happy." Ininternalized ko ang kasasabi nya palang na statement, realizing na parang gusto nyang ipamukha sakin na napakasadista kong tao. Which is not true. Okay maybe a little true. Pero hindi naman yung todo-todo!

"Are you boldly saying na napakasadista kong tao!?" ani ko. Funny how I managed to sit on his bed side in my angry mode.

"No!? In fact, what I'm saying is, magpapakamasokista ako... para sayo." sabay kindat. And I was like, may sakit ba talaga tong taong to? Ako naman daw ay natahimik sa namutawi sa kanyang bibig. Mainly because I don't know how to respond to that. Kasi ang weird nya. Kahit kelan.

GAGSTI! - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon