Chapter 32 na Gagsti!

21K 1K 115
                                    

Palapit ng palapit ang footstep ng gigolo. Pagpikit na lang ang nagawa ko. Suddenly, there was silence kaya binuksan ko ang mata ko. But only to find out him, moving the table away from me. Nung nakita nya ako sa ganoong posisyon, hinila nya ako patayo't balak uli akong isubsob sa table para dun gawin ang masamang balak.

"Now where are we?"

Napalunok ako ng laway. Pumikit uli ako baka sakaling may himala at maglaho itong lalaki na unti-unting lumalapit sakin. Pero napabukas kagad ako ng mata nang may narinig akong malakas at magkakasunod na hampas sa pinto.

"Diba sabi ko Christine, mamaya na!?" ang pagalit na sigaw ng nasa harapan ko. Matigas ata ang ulo ni "Christine" dahil di nya to alintana't tuloy-tuloy pa rin sa paghahampas (na sya kong pinagsasalamat dahil temporarily nadidistract ito). 

Buryong-buryo na ang nasa harapan ko kung kaya napilitang pumunta sa pintuan, Pero bago nun, binalaan nya ako na babalikan nya raw ako. Nagtago uli ako sa likuran ng lamesa nang bubuksan na nung mongoloid yung pinto. And at that brief moment, hiniling ko na sana hindi nya kasabwat kasi kung kasabwat yun, mas mahirap. 

Gulat ko na lang ng nakita kong napaurong ng ilang hakbang yung hukluban. Sinalubong ba naman ng malakas na suntok mula sa labas e. Hindi ko alam kung sino sya. Naka-hoodie kasi. But the moment he asked, "Asan na Natalie ko!?" Nang pagalit. Lang duda. Si Verano na nga. 

Nagkalakas ako ng loob na lumabas sa lungga ko; safe na ako sa isip-isip ko pa. Gaganti sana ng suntok yung manyak ngunit mabilis nakailag si Alexander, hinawakan nya to sa suot na damit sabay tadyak sa kanya diretso sa pintuan. Mabilis nyang sinara ang pinto nang di makapasok.

"Natalie!"

Napangiti ako sa tawag ng pangalan ko sa bibig nya. Feeling ko talaga ligtas na ako, na pinatawad na ako ni Lord sa mga pangtritrip ko. But it's too early to say. Bigla kasi kaming nakarinig ng la;ampag sa may pinto only this time, mas malalakas kesa sa kalampag ni Alexander. Nase-sense kong maya-maya ay masisira na ang pinto so pinaiwas ko si Alexander. 

Just in time na nakaiwas si Alexander, bumulusok naman papasok ang barako. Hindi kaya ng self-control I guess ang pagbulusok nya sa loob. What's worse is that, pablulusok sya right at me. And this is one of the moment wherein hindi ako makagalaw, kahit murahin na ako ng mga neurons ko sa utak na tumabi hindi ko kaya. I was petrified. At yung lamugan kong mga binti weren't helping. But my hands do!

Humanap kagad ako ng bagay na nasa table na maaaring ihagis sa kanya. And sorry sya. Babasaging ash tray ang nakadaupang palad ko. Madali ko tong kinuha't hinagis na parang kunai. Ang pupuntiryahin ko talaga ay noo nya (para diretso impyerno na) pero dahil siguro sa bigat ng ash tray, sa bayag nya bumanda. Ayos na rin. At least, natamaan.

Habang namimilipit sa sakit yung gago, dali-dali akong pinuntahan ni Alexander to rescue me out. Pero nanlaban ako. Gusto ko pa syang torture-in. Gago sya nalamog hita ko sa paghampas nya sakin tas sya nabayagan ko lang?

"Alexander pagbigyan mo ko! Papaslangin ko lang ang isang to!" ani ko sabay sipa sa kanyang likuran. "Babalian ko sya ng leeg! Tas paghihiwalayin ang mga gulugod! Tas -"

"Natalie tama na yan!" saway sakin ni ALexander. "Hayaan mong pagdusahan nya yan sa kulungan. Parating na yung mga pulis na tinawagan ko." ang mahinahon nyang pagkasabi. Pero nagpumilit ako.

"Last na to dre, sige na!" pagmamakaawa ko sa kanya. Hinila nya ako paalis dun sa gago pero naabot naman sya ng mga kamay ko kung kaya nakapektus pa ako sa kanya ng isa. "Gagsti! Magpagpag ka na! Ikaw na sunod na ilalamay!" babala ko pa.

So we're about to head out nang bigla na lang akong napaupo. It called Alexander's attention.

"Anong nangyari?" tanong nya habang hinihimas ko naman ang aking kumikirot na binti.

GAGSTI! - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon