Chapter 53

16.1K 502 150
                                    


Alexander's POV

"Mali pa rin!?" lapag ko sa lamesa ng pang-limang Integral sample problem na pinasagutan ko kay Willer, pero di nya magawa-gawa.. Tinuruan ko na ng madaling technique, hindi pa rin masundan. Inagahan ko na ng punta sa bahay nila nang makahabol pa ako kila Nat sa center ngayong Linggo. Pero sa nakikita ko, aabutin tong tutorial ng maghapon.

"Pano nangyari yon?" ang di nya rin makapaniwalang reaksyon sabay dutdut sa cellphone. Distracted kasi sa ibang bagay e.

"Binigyan kasi kita ng shortcut, diba?" ani ko. "Shinortcut mo pa lalo!? Nadisregard tuloy itong value na 'to!" turo ko sa papel.

"Pwede ba, time-out muna tayo? Break mo na. Dalawa na paningin ko e!"yaya nya sabay iwan sakin dun sa living room para pumuntang kusina.

Ganito kasi talaga ang attitude ng walang ipinasang exam e; relax-relax, pa-break-break na lang. Hay. Naisip ko nga baka ginagago lang ako nitong lalaking to e o di kaya may iba pang pakay. Kung wala e bakit panay text nya sa cellphone at lilingon-lingon sa labas mula sa bintana?

"Gusto mo sa ibang araw na lang natin ituloy 'tong tutorial mo?" alok ko nang mapuno na sa palingon-lingon nya sa bintana.

"Luh? Bakit? Andito ka na e!? Hintayin na lang natin si hanybee." Aniya. Ilang beses ko ng naririnig ang katagang yan upang mamali pa ako na si Eiji ang tinutukoy nya pero,

"Bakit kailangan kong hintayin si Eiji?"

"Kasi kung hindi, lagot ako sa kanya!"ang nadulas nyang sambit. Natayo ako mula sa sofa.

"Okay, sabihin mo nga, pinapunta mo ba talaga ako para sa tutorial?" Nilayo nya na rin sa wakas ang cellphone nya sa mukha nang makakutob na ako.

"Totoo yung bumagsak ako sa Integral, okay? At, nakuha ko talaga yung tinuro mo sakin; kaya lang nagpapanggap akong hindi para magtagal ka pa, para makausap ka ni hanybee. Kilala naman daw kita kaya ako ang pinagawa nya ng paraan." Napabuntong hininga ako.

"Hay. Nakakaawa ka." Iling ko ng ulo. "Under ka pala."

"Gago, ako ang top!"

"Gago, iba tinutukoy ko!"ang matawa-tawa kong tugon na lalo ko lang kinatawa ng sabihin nyang,

"A, ganun ba?"

Well, nagawa kong makapaghintay pa ng limang minuto, gawa na rin ng masarap na ginataan ng nanay ni Willer. Humihigop ako ng sabaw nito nang maya-maya, nakarinig na kami ng pagbukas ng pinto. Ilang saglit pa, yabag naman ng pag-akyat. Ayokong isipin ni Eiji na hinihintay namin sya kung kaya hindi ako lumingon;patuloy pa rin ako sa pagngata nung bilo-bilo.

"Oh, Alexander! Andito ka pala! Di naman sinabi sakin ni Buknoy na pupunta ka!" bati pa nya, aktong na-surpresa. Nang magsalita ang isa.

"Uhm, hanybee actually, sinabi ko sa kanya na kakausapin mo sya kaya pinakain ko muna habang naghihintay sa--a-araw!?" Napingot sa tenga si Willer. Bumulong pa ang isa naririnig ko naman.

"Inabisuhan mo sana kagad ako, diba, nang maprepare ko skit ko! Kaloka ka!" Natatawa na lang ako sa pagkakwela nilang dalawa. At tila napansin yon ni Eiji dahil pinakawalan nya na ang kawawang tenga ng kasama't humarap sakin.

"So, mukhang masaya ka ha? Naka-move on na kay Natalie?" ang birada nya kaagad.

"Anong klaseng 'move-on ba tinutukoy mo?" tanong ko. That caught him smiling at nagtanong,

"Bakit may iba ka pa bang klase ng pagmo-move on?" I just thought Eiji asked intelligently. 'Lam nya, on hand, na meron.

"Kung tinutukoy mo e yung tungkol sa pagsisinungaling nya sakin –"

GAGSTI! - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon