NAGISING ako nang makaramdam ng lamig. Napaikot ang mata ko at nagtaka nang mapansin kong nasa opisina pa rin ako. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko naalala ang lahat ng nangyari kagabi, ang nangyari sa amin ni Kiros.
Speaking of Kiros...
Tiningnan ko ang taong katabi ko ngayon. Mahimbing itong natutulog sa tabi ko habang nakaharap sa akin. Ginamit rin nitong unan ang mga braso nito.
Napangiti ako habang nakatingin rito, nakaramdam ng kasiyahan dahil ito ang nakauna sa akin. Pakiramdam ko ay ang swerte ko, pero mas maswerte ito sa akin. Isang Marion Allen Cervantes ba naman ang nakuha nito.
Bumalik lang ako sa aking ulirat nang maramdaman ko uli ang lamig at saka ko lang napagtanto na hubo't hubad pa ako - kami ni Kiros, at sa sahig pa kami nakahiga. Hindi nakakapagtakang nilalamig na ako.
Tumayo ako at lumapit papunta sa kaliwang pinto kung saan naroon ang kwarto ko. Kumuha ako ng kumot sa loob at agad rin naman akong lumabas. Muli akong tumabi kay Kiros at ikinumot ko sa aming dalawa ang kinuha kong kumot. Napangiti ako sa sarili ko at saka yumakap sa kanya.
Akin ka na.
"HINDI MO ata hinahanap e."
"Hinahanap ko, pero hindi ko pa rin makita. Muntik na nga niya akong mahuli e."
"Ang bagal mo kasi."
Napaungol ako dahil sa ingay sa paligid ko. Hindi ba nila nakikitang natutulog pa ako at kung makapag-usap sila e parang silang dalawa lang ang tao? Naiinis ako! Ayokong nagagambala ang tulog ko! Lalo na ngayon na katabi ko si Kiros.
Si Kiros...
Napabalikwas ako ng tayo namg maalala si Kiros. Pero wala na ang binata sa tabi ko at nasa sofa na ako ngayon habang nakakumot pa rin. Meron na rin akong pambaba pero ramdam kong wala akong suot na underwear.
Napatingin ako kay Clem na nakangangang nakatingin sa akin habang nakangiti naman sa akin si Lime. Hindi ko alam pero naiinis ako sa kanila. Hindi lang dahil sa maingay sila kanina, kundi parang may itinatago sila sa akin. Ayoko sa lahat ang nagmumukha akong walang alam at tanga. Gusto kong alam ko lahat. Ako si Marion! Ako ang pinakamayaman sa Planium!
Dumaan pa ang ilang minuto hanggang sa mapataas ang kilay ko sa kanila. "So magtititigan lang tayo dito at wala talaga kayong balak magsalita?" malamig kong tanong sa kanila.
Biglang naging uneasy si Clem at ang mga mata ay hindi mapakali. "Ah.. Eh.. K-kaya pala hindi ka umuwi, d-dito ka pala natulog."
Napangiti naman ako rito. Bigla ko kasing naalala ang nangyari sa amin ni Kiros. Isang pangyayaring paniguradong babago sa relasyon naming dalawa.
"Yeah," masayang sagot ko rito. "I had the best night ever. So I decided to sleep here."
Lumitaw naman ang pagtataka sa mukha ni Clem pero wala akong balak magpaliwanag. Hindi ako dapat magpaliwanag kahit kanino.
Mayamaya pa ay may kumatok. Lahat kamj ay napatingin sa gawi ng pinto. Dahan-dahan akong tumayo habang tinatakip ang kumot sa aking katawan. Agad namang lumapit si Clem sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa amin ang isang guwardiya na may dalang sobre. Halata rin dito ang kaba.
"Ah.." kabadong sabi ng guwardiya. "M-may sulat po para kay Sir Marion."
"Ako na ang mag-aabot," ang narinig ko namang sabi ni Clem pagkatapos ang pagsarado ng pinto.
Lumapit naman sa akin si Clem at ibinigay sa akin ang puting sobre. Sinipat-sipat ko muna ito. Baka may pangalan sa labas kung kanino galing. Pero wala akong nakita kundi ang pangalan ko at ang company address ko.
Binuksan ko ang sobre at binasa ang sulat. Mataman namang nakatingin sa akin sina Clem at Lime.
Mayamaya pa ay tiniklop ko na uli ang sulat at mayuming ibinalik sa sobre.
"Anong laman ng sulat?" tanong ni Clem.
"Pinapatawag ako sa Korte bukas."
"Para saan daw? Bakit?" tanong ni Clem habang ang noo ay nakunot na sa pagtataka.
"Reklamo ito mula sa mga empleyadong tinanggalan ko ng trabaho noong nakaraan," kaswal kong sagot sa kanya. Tinungo ko ang aking upuan.
"Sinasabi ko na nga ba at hindi magandang ideya ang pagtanggal mo sa kanila ng biglaan e," sabi ni Clem na nagsisimula nang maglakad pakanan tapos ay babalik pakaliwa habang ang kaliwang kamay ay nasa baba na wari ba ay nag-iisip ng solusyon.
Si Lime naman ay nakatingin lang sa kanyang kuya. May pagkakataong mapapatingin ito sa akin pero bigla ring iiwas at maghahanap ng interesanteng bagay sa paligid.
Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito si Clem. Alam niyang kaya kong lusutan ang lahat pero heto siya at nag-iisip ng paraan kuno. He doesn't need stress himself out. I can take care of myself.
"Will you please stop pacing back and forth, Clem?" suway ko sa kanya pagkaraan ng ilang minuto. "Ako ang nahihilo sa iyo."
"Hindi ko maiwasan, Marion. Nag-aalala ako sa iyo," sagot ni Clem sa akin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naramdaman kong kumislot ang puso ko. May naramdaman akong kung anong malamig na bagay ang humaplos dito.
Gayunpaman ay iwinaksi ko na lamang ang naramdaman at sinagot si Clem.
"Huwag kang mag-alala sa akin, Clem. Kaya ko ang sarili ko."
Bumuntong-hininga si Clem. "Alam ko namang kaya mo ang iyong sarili. Pero masama bang mag-alala ako sa iyo ngayon?"
At muli, naramdaman ko naman ang naramdaman ko kanina. Mas tumindi nga lang dahil nadagdagan ng bilis ng pagtibok ng puso at pag-e-echo ng mga salitang binitawan niya sa akin.
Napangiti ako ng lihim. Masarap sa pakiramdam iyong may nag-aalala sa iyo. All these years, walang nagsabi sa akin na nag-aalala sila sa kaligtasan ko, not even Clem. So I wonder what gotten to Clem to say those things.
I wonder why just now after all the years we've been together.
I wonder why he is being vocal about it after all the silence.
And I wonder why I am hoping he has feelings, that somehow he loves me.
"Marion," tawag sa akin ni Clem na agad kong ikinaangat ng tingin. "Ano nang gagawin mo tungkol diyan sa subpoena?"
"Hindi ko pa alam," kibit-balikat kong tugon sa kanya. "Pero dadalo ako. Iyon lang alam ko."
"Gusto mo bang samahan kita bukas?" nag-aalalang tanong niya sa akin. "May pakiramdam kasi ako na may hindi magandang mangyayari."
"Kaya ko ang sarili ko," pag-uulit ko sa kanya. Nag-umpisa akong laruin ang aking mga daliri. "Kung ikapapanatag mo ay sumama ka na rin bukas para hindi ka mag-alala sa akin habang wala ako."
Masayang tumango si Clem sa aking suhestiyon. "Tama, sasama na lang ako. Para makasigurado akong ayos ka lang."
Muli, nangiti na lamang ako...
BINABASA MO ANG
Seven Deadly Sins: Superbia
FantasyHighest Achievement: Ranked #206 on Mystery/Thriller Category (7SD - Book 1) Sa sentro ng Planium, naninirahan ang isang Marion Allen Cervantes sa mayamang lungsod ng Goldmon. Mayaman, gwapo, matalino pero mapagmalaki. Ang lahat ng gustuhin niya ay...