DUMATING ang araw ng Lunes. One-fourth ng mga tauhan ko ang wala sa trabaho at naroon sa labas, nagwewelga na itaas ko ang sweldo nila. As if that would change my mind.
Ako ang amo. Wala silang karapatang mag-demand sa akin.
Kasalukuyan akong nasa opisina ko at iniisip kung sino pa ba ang dapat kong imbitahin para sa anniversary ng hotel ko. Naimbitahan ko na ang mga royalties ng Daine, ang mga tanyag ng businessmen ng Planium, mga kilalang fae ng Clyrin at marami pang iba.
Natigil lang ako ng mahagip ng mata ko ang picture frame na nasa right side ng mesa ko. Larawan iyon ng buong pamilya ko noong masaya pa kami.
Ang aking ina na si Mariana Maniego-Cervantes ang nasa kaliwa. She is smiling warmly, showing her dimple on her left cheek. Mahaba ang buhok nito na itim na itim ang kulay. Brown ang mga mata nito, makapal ang mga pilik, manipis ang labi at hindi katangusan ang ilong. Maputi rin ito na parang porselana na ang kutis. Nakayakap ito sa katabi niyang lalaki, which is tatay ko.
Si Aleksander Cervantes, ang tatay ko, naman ay nakangiti rin. Brown ang buhok nito na may kakapalan. Dark brown ang kulay ng mga mata nito, tan ang kulay ng balat, singkit ang mga mata, may kanipisan ang mga labi at matangos na ilong.
Sa harap nilang dalawa ay kaming dalawang magkapatid, ang kakambal ko. Pareho kami ng tangos ng ilong, ng nipis ng mga labi, kapal ng mga pilik at pati puti ng balat. Ang pinagkaiba lang namin ay ang mga mata namin. Brown ang mga mata ni Maks Ariana Cervantes, ang kambal ko, habang ako naman ay may magkaibang kulay ng mga mata. Brown ang kulay ng kanang mata ko at dark brown naman sa kaliwa. Mas matanda rin ako rito ng limang minuto kaya Kuya ang tawag nito sa akin.
Masaya kami noon na naninirahan sa isla ng Forsten, isang isla sa north-west ng Daine na pagmamay-ari ng Laenida, bansa ng mga Duke at Earl sa itaas ng Clyrin at Daine. Magsasaka ang mga magulang ko sa lupain ng mayor ng Forsten, si Mayos Celino Madrigal. Siya iyong tipo ng tao na kukuha ang gusto niya, mataas ang tingin niya sa sarili at dapat ay laging siyang tama. Kahit mali na siya ay tama pa rin.
Masaya kami hanggang sa sakupin ng Daine ang Forsten para itayo ang kastilyo ni Haring Macario. Mabilis kaming tumakbo para magtago pero dahil sa dami ng tao nakakabangga namin ay napahiwalay ako. Pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. Hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng mansion ni Mayor Celino. Aalis na sana ako nang mahagip ng mga mata ko ang isang katawan sa may pinto ng mansyon. Agad ko itong pinuntahan at nakita ko ang duguang si Mayor. Naghihingalo na siya noon. Inaabot niya ang duguan niyang kamay sa akin, humihingi ng tulong sa akin.
Pero hindi ko siya tinulungan.
Naalala ko kasi kung paano niya pahirapan ang mga magulang ko. Nakita ko rin kung paano nawalan ng buhay ang mga mata niya. Nang alam ko ng patay na siya ay saka ako tumakbo paalis. Nakakita ako ng bangkang paalis ng isla kaya nakisabay ako at napunta sa Planium.
Hindi ko na muling nahanap ang pamilya ko. Hindi ko rin naman sila hinanap.
Natigil ang pag-aalala ko ng nakaraan nang may kumatok sa pinto ng opisina ko.
"Marion, narito na ang pinagawa mong cake," anunsyo ni Clem pagkatapos kumatok.
Tumayo ako at tinungo ang pinto. Pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang nakakunot-noong si Clem.
"Masyado 'atang malaki ang pinagawa mong cake para bukas," sabi niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Dapat lang," sagot ko sa kanya. "Kailangang maging magarbo ang party bukas."
Magsasalita pa sana si Clem nang titigan ko ito ng masama. Ayoko ng may nangangatwiran sa akin. Ayoko ng may sumasalungat sa akin. Ako si Marion Allen Cervantes. Ako ang pinakamayaman sa lupain ng Planium.
BINABASA MO ANG
Seven Deadly Sins: Superbia
FantasyHighest Achievement: Ranked #206 on Mystery/Thriller Category (7SD - Book 1) Sa sentro ng Planium, naninirahan ang isang Marion Allen Cervantes sa mayamang lungsod ng Goldmon. Mayaman, gwapo, matalino pero mapagmalaki. Ang lahat ng gustuhin niya ay...