Chapter Eleven

300 14 0
                                    

NAPAPIKIT ako dahil sa sakit na nadarama. Hindi ko akalaing pagkatapos kong mapagtantong may isang bagay palang mahalaga sa akin, saka naman ito mawawala sa akin.

I never knew you are capable of caring.

I actually never knew, too. Until now.

I open my eyes to see Marcus waiting for my reply. Nang makita nitong medyo nag-aalinlangan ako ay mas nilapit pa nito ang kutsilyo sa leeg ni Clem.

Napakuyom naman ang mga kamao ko. Ngayon, wala na talaga akong ibang pagpipilian kundi ang ibigay ang buhay ko kapalit ng kay Clem. Ayoko siyang mapahamak nang dahil sa akin.

"Clem!"

Biglang napalingon si Marcus sa bagong dating. Nang mapansin kong wala na ang atensyon nito sa akin ay sinunggaban ko na ito. Nabitawan nito ang hawak na kutsilyo at napahiga.

Nang akmang lalapit na ako rito ay sinipa naman ako nito na ikinaupo ko sa sahig. Tumayo ito at lumapit sa akin. Inangat ako nito habang hawak ng mahigpit sa kwelyo ko.

"Papatayin talaga kitang gago ka!" galit na sigaw nito sa akin. "Papatayin kitaaaa!"

Pero natigil ang pagsigaw nito dahil hinampas ito ni Lime ng vase sa ulo dahilan para mabitawan ako nito at mawalan ng malay.

Agad naman akong lumapit kay Clem at inilagay ang ulo nito sa kandungan ko.

"Clem! Clem!" tawag ko rito habang tinatapik ang pisngi nito. "Clem! Gumising ka, Clem!"

"Adilus sari mantrilus!" biglang sigaw ni Lime na ikinatingin ko rito. Nakaharap naman ito sa gawi ng bintana ng opisina ko. Nakataas din ang dalawang kamay nito. "Adilus sari mantrilus! Adilus sari mantrilus!"

Mayamaya pa ay nakarinig kami ng sigaw na wari ko'y nasasaktan. Lalong bumilis ang pagsasalita ni Lime kasabay naman ng paglakas ng hangin at ng sigaw.

Biglang naglabas si Lime ng isang salamin at itinapat ito sa bintana.

"Balus!" sigaw nito kasabay ng pagkabasag ng lahat ng salamin sa loob ng kwarto.

"Anong--"

Natigilan ako noong makita ko ang isang itim na usok na galing sa basag na piraso ng salamin ng bintana ang lumitaw at hinigop ng salaming hawak ni Lime. Nang humina na ang hangin ay binaba na nito ang mga kamay at lumapit sa amin.

"Kailangan na nating umalis rito," seryosong sabi nito sa akin. "Sa susunod ko na ikukuwento ang lahat sa iyo. Sa ngayon ay umalis na tayo rito."

Gusto ko mang malaman kaagad kung anong nangyari ay tumango na lang ako rito. Agad ko namang binuhat si Clem at pumunta na sa kwarto ko.

"Lumusot ka rito," sabi ko kay Lime habang nakaturo sa butas. "Sa Laundry area ang bagsak nito."

Tumango naman ito sa akin. Agad rin naman itong pumasok sa loob ng butas. Sinunod ko naman si Clem na ilusot doon. Bigla na lamang may sumabog sa bandang likod ko. Lumingon ako para malaman kung anong nangyari. Nakita ko namang umabot na pala sa opisina ko ang sunog.

Agad na rin naman akong lumusot sa butas at nagpatihulog na lamang. Bumagsak naman ako sa tambak ng unan, punda at kumot. Nasa harap ko naman si Lime na inaalalayan ang wala pa ring malay na si Clem.

"Tara na. Umalis na tayo," sabi ko rito at kinuha rito si Clem.

Tumakbo ako palapit sa pinto habang buhat si Clem. Nakasunod naman sa likod si Lime. Nang makalabas kami ay tumakbo na lang kami palayo sa building. Ang labas nito ay ang likod na parte ng hotel na papunta sa gubat.

Nasa bukana na kami ng gubat nang muli kaming nakarinig ng pagsabog. Napatigil ako at tiningnan ang nagliliyab na building na matagal ko ring pinaghirapang ipundar.

Pero hindi ako nakaramdam ng kahit anong panghihinayang. Sa katunayan ay masaya pa ako. Masaya ako dahil alam kong kahit wala na ang hotel ko ay nakilala ko naman sa pamamagitan nito ang pinakamahalagang bagay ngayon sa buhay ko.

"Marion," biglang tawag sa akin ni Lime na ikinatingin ko rito. "Ayos lang ba sa iyo kung magpapakalayo-layo tayo rito?"

"Oo naman," walang alinlangan kong sagot rito. Gusto ko na ring kalimutan ang lahat nangyari. "Walang kaso sa akin. Sa katunayan nga niyan ay pabor pa sa akin iyang suhestiyon mo dahil balak ko rin naman iyon. Para makalayo na kami ni Clem dito."

Napatitig ng matagal sa akin si Lime na ikinailang ko.

"Mukhang nagbago ka na," puna ni Lime. "Hindi ka na tulad nang dati na walang paki sa iba. Buti na lang ay naihiwalay ko pa sa iyo ang demonyo ng pagmamalaki bago ka pa niya tuluyang lamunin."

"Lamunin?" nagtatakang tanong ko rito. Hindi ko kasi ito naintindihan.

Akmang sasagot na sana ito nang makarinig kami ng sigawan. Nanggagaling ito sa laundry area ng hotel.

"Sa susunod ko na ipapaliwanag," wika ni Lime. "Sa ngayon, dapat na tayong umalis rito."

Tumango naman ako rito at inayos ang pagkakabuhat rito. Sabay naman kaming tumakbo papasok sa loob ng kagubatan, palayo sa MAC Hotel at palayo dating buhay na meron ako.

Halos ilang minuto rin kaming tumakbo hanggang sa maisipan naming magpahinga na muna. Sumilong kami sa isang puno at doon ay naupo sa malalaking ugat nito.

"Maghahanap lang ako ng makakain natin," biglang wika ni Lime habang tumatayo na tinanguan ko naman.

Nang nawala si Lime ay nagkaroon ako ng pagkakataong titigan ng mabuti ang mukha ni Clem.

Napangiti ako bigla dahil alam kong dito na mag-uumpisa ang pagbabagong buhay ko. Hindi madali dahil alam kong ibang-iba ang buhay ng isang Marion noon pero sa ngayon, wala na akong paki.

Mayamaya pa ay bigla iton umungol at napahawak sa ulo.

"Clem?" nag-aalalang tawag ko rito. "Ayos ka lang ba?"

"A-ayos lang." Biglang nanlaki ang mga mata nito. "Marion, si Marcus!" sigaw nito sa akin at halata sa mga mata nito ang takot.

"Wala na si Marcus, Clem," malambing kong sagot dito. "Wala nang magtatangka sa iyo."

"Nasaan tayo, Marion?" natanong ni Clem habang palinga-linga.

"Nasa kakahuyan tayo," sagot ko rito. Nangunot naman ang noo nito. "Kung nagtataka ka naman kung bakit, tumakas tayo mula sa sunog. Kasama natin ang kapatid mo."

"Salamat sa pagligtas mo sa akin, Marion," biglang saad ni Clem nang mapagtantong ako ang tumulong sa kanila ni Lime para makaligtas.

"Simula ngayon ay huwag mo na akong tatawagin pang Marion," nakangiti kong sabi dito. "Ako na ngayon si Allen."

Bigla namang napabalikwas ng tayo si Clem na ikinakirot ng ulo nito. Agad ko naman itong dinaluhan.

"Okay ka lang?" nag-aalala tanong ko rito.

"Bakit?" tanong ni Clem. "Bakit Allen na ang itatawag ko sa iyo?"

"Dahil magbabagong buhay na ako, Clem," sagot ko rito. "Magbabagong buhay ako kasama ka."

"Pero--"

Hindi na naituloy ni Clem ang sasabihin dahil kinabig ko na agad ito at hinalikan. Nakaramdam ako ng kiliti nang maglapat ang aming nga labi. Nakaramdam din ako bigla ng init at bago humantong sa ibang bagay ang halik na iyon ay humiwalay na ako.

"Hayaan mo sana ako na makasama ka, Clem."

Hayaan mo rin sana akong manatili sa tabi mo...

Seven Deadly Sins: SuperbiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon