6

1.8K 88 0
                                    

Felicity on the multimedia
***

Pagkatapos nang klase nandito kami sa Canteen ni Symphony or Felicity. At kinwento ang lahat sakaniya.

"I'm sorry Melody kung wala ako sa tabi mo noon" malungkot niyang sabi at tumungo ito.

Ngumiti nalang ako. "Past na 'yon" sabi ko saka'nya at kumain ng pasta na libre niya.

Napasinghap kami ni Felicity ng may biglang umupo sa harapan namin.

"Renz? Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong, hawak ko parin ang tinidor.

"Ang sabi ko kanina sabay tayong mag-lunch" nakanguso iyo at linalaro yung tissue paper sa table namin.

Kinamot ko naman ang ulo ko. "Sorr. Nakalimutan ko" paghihingi ko ng pasensya sakanya.

Nakakahiya. Bakit ko ba nakalimutan iyon? Baka nadala lang ako ng sobrang ligaya dahil nakita ko na bestfriend ko. Ang dami na talagang nagbago sa mukha niya.

Tinignan niya ako na nakanguso parin. "Dito nalang ako kakain din." sabi niya. At tinignan si Felicity. "Pwede ba?" Nahihiyang tanong niya.

Tumikhim ako.

"Sure, dito ka sa upuan ko. Ako na diyan" masayang sabi ni Felicity.

Napasimangot nalang ako

"Sige, bili muna ako ng makakain ko" sabi niya at tumayo.

Pinanoud ko lang siyang lumakad. Pati ang linakad niya parang isang model, at yung mga ulo ng mga babae ay halos mabali na basta makita lang siya.

Lumipat naman si Felicity sa harap ko.

"Nakakakilig kayo" Tumili ito at biglang tumawa while snoring. Naalala ko sakaniya si Vice. Vice ganda is that you?

"Grabe kayo. First time ko lang siyang narinig mag salita in my intire year!" Tili niya ulit. Namumula na ang kanyang mukha sa kakatili.

"Year?" Kumunot ang noo ko.

Natigilan naman siya. "Lumipat ako dito sa school nung nalaman ko na dito ka pala nag-aaral kaya transferee ako" nahihiyang sabi niya.

Napangiti nalang ako. She's a true bestfriend and I'm lucky.

"Nandito na ang prince charming mo" kinikilig niyang sabi.

Kaya napatingin ako kay Renz na papalapit na samin at tumabi siya sakin. Inilagay niya ang tray sa table.

Nagsimula na siyang kumain. Yung inorder niya isang rice, chicken, salad, coke at extra rice? Ang dami naman yata?

Nagulat din si Felicity habang tinignan ang nakahanda sa table.

"Mauubos mo 'yan?" Gulat na tanong ni Felicity nakita ko ang panlalaki sa mata niya.

Napahinto naman sa pagkain si Renz at nahihiyang tumango kay Felicity. Napatawa nalang ako.

Kumain nalang din kami ni Felicity. Sakanila ni Felicity at Renz ay naka rice. Lunch ko kasi ay Carbonarra, nabubusog nako rito.

Tumingin sakin si Renz.

"Sabihin mo 'ahh'" sabi niya habang ngumunguya.

"Ah" sabi ko sakanya in a bored tone. Ano gagawin niya? A B C D?

Bigla niya akong sinubuan ng pagkain. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

"Kyah. Ang sweet, direct kiss yun ah" mahinang tili ni Felicity.

Sa narinig ko biglang pumunta ang lahat ng dugo ko sa mukha nang pagkarinig ko nung kiss. Parang may nagbara bigla sa lalamunan ko kaya napaubo ako, maluluha 'kong hinanap ang water bottle ko pero naubos ko na pala kanina lang. Kinuha ko nalang ang coke ni Felicity at ininom.

Narinig ko ang pagsinghap nila Renz at Felicity. Si Felicity naman naka 'O' ang bibig. Si Renz naman tinitignan ako na namumula.

Inubos ko nalang ang coke at tinignan si Felicity.

"Sorry, naubos ko" nahihiya akong napatingin kay Felicity at tumawa ng mahina.

Nakita 'kong umiling ito at tinuro yung katabi ko. Napatingin ako kay Renz at saka'nya uli. Don't tell me kay Renz ang ininom ko?

"S-sayo to?" Nauutal kong tanong. Habang pinapakita sakaniya yung coke.

Tumango naman siya at ngumisi. "Gusto mo pala ng kiss eh. Sabihin mo sakin, pagbibigyan naman kita" asar nito at ngumuso sa harap ko. Napaatras ako sa gulat at tinulak siya.

Humahalakhak naman si Felicity sa harap namin at parang neenjoy siya sa kakanuod saamin. Tinignan ko naman sila ng masama kaya tumahimik si Felicity.

Hinatak ako ni Renz at inakbayan. "Sorry na" malumanay nitong pagkasabi at inilagay ang kaniyang pisngi sa balikat ko.

Tinignan ko siya at siniko sa tagiliran. "Trip niyo talaga ako" bagot kong sabi.

"Ang cute mo kasing asarin" sabi ni Felicity at ngumisi. I straightened my face, ang pasaway nilang pareho.

NANDITO AKO ngayon sa sasakyan ni Renz. Ihahatid niya kasi ako pati si Felicity. Pero ang lapit lang nang bahay namin. Uunahin namin ihatid si Felicity na ang layo ng bahay. Para daw roadtrip ang magaganap. Ang sama, dapat ako yung una bababa eh.

Spend more quality daw sabi ni Felicity.

"Oy dito na ako Manong. Bye Melody! Bye Renz. Ingat kayo ha. Huwag din mag madali ayaw ko pa maging tita. Maaga pa" sabi niya habang tumatawa at lumabas na.

Takang tinignan ko si Renz "Ano raw? Anong Tita?" Lito 'kong tanong sakanya. Kumunot naman ang noo ko nang mapansin siya na namumula ulit.

Napapansin ko na 'to na palagi tong namumula ah.

"Ano?" Tanong ko ulit. Hindi kasi siya sumasagot. Nakatitig lang ito sakin.

"Wala. 'Di ko nga alam eh" sabi niya at sumimangot Nagdrive ulit yung driver ni Renz, ang ganda din ng kotse niya. Siya na mayaman. Magkatabi kami ngayon. Si Felicity kasi umupo katabi sa Driver.

Panay nga salita niya. Ang daldal pala niya hanggang ngayon at nakakamiss.

"Bakit pala Melody ang tawag niya sayo?" Tanong niya sakin at tinignan ako.

Sumandal nalang ako. "Mag bestfriend kasi kami dati. Symphony tawag ko sakanya. Tawag niya rin naman sakin ay Melody" sabi ko sakanya at humikab inaantok ako

"Talaga? Matagal na kayong magkakakilala?"tanong niya.

Pumikit nalang ako. Nakaka antok ang lamig. "Hmm"

"Pahinga ka muna princess. I love you"

Naalimpungatan ako ng masakit ang leeg ko. Kaya minulat ko ang mata ko.

Saan na ako? Lumingon ako sa paligid. Si Renz, nakaakbay sakin at natutulog. Wala na yung driver din dito. Tumingin ako sa labas nasa bahay na ako ni Tita. At omaygod. Gabi na!

"Renz" pangungulit ko sakanya. "Gising.' Tinusok tusok ko yung pisngi niya.

Tulog mantika ba to!? Tsk. Tinanggal ko ang pagkaka akbay niya. Nang dahil dun nagising siya kaya napatingin ako. Hindi naman pala siya tulog mantika.

Lalayo na sana ako ng hinawakan niya ang mukha ko at pinagdiin ang aming mga labi.

Mulat ang mata ko ng naghalikan kami. At siya ay nakapikit. My God, bakit niya ako hinalikan? Kabado na ang puso ko. Para itong gustong makawala dahil sobrang lakas ng pagkabog nito.

Nang biglang gumalaw ang labi niya at kinagat ang ibabang labi ko. Kaya napapikit ako sa ginawa niya. At inikot ang dalawang braso ko sa leeg niya at inisabit.

And I kiss him back. Ang lambot ng labi niya. Bawat halik namin. Kumakalabog ang puso ko at masarap sa feeling. Nakakagaan.

Ako na ang unang bumitaw sa halik namin. At pareho kaming humihingal. Ang first kiss ko. Siya ang nakakuha. At masaya ako dun.

"Uhh. Una nako" nahihiyang sabi ko at binuksan ang pintuan ng kotse niya. Nang hinila niya ang kamay ko at napapikit ako. 'Not now. Nakakahiya ang halikan natin'

Humarap ako sakanya at minulat ang mata. "Take care princess. I love you" mahinang sabi niya at hinalikan ang noo ko. Napapikit nalang ako at napangiti.

"I like you" sabi ko at umalis na nang 'di siya liningon.
***

I've Got You [PUBLISHED UNDER AFO] 😸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon