7

1.7K 79 4
                                    

Pagkapasok ko ng bahay. Hinawakan ko ang dibdib ko.

Seriously did i say that? Napailing nalang ako. Di naman siguro masama na gustuhin ko siya diba? Like pa. Hindi love. Napailing ako sa iniisip ko. Don't worry self..

Pumasok nalang ako sa kwarto at nag bihis ng uniporme at naglinis ng bahay. Wala pa raw sila Tita at Bianca may lakad raw sila.

Pagkatapos namin nun. Kumain nalang kami at natulog. Di naman ako pinagsasalitaan ulit nila Tita at Bianca kasi ako na ang unang umiiwas sakanila.

ISANG buwan ang nagdaan. Nandito kami sa garden. Kasama ko si Felicity at Renz. Sa isang buwan 'nun. Naging malapit ako sakanila at mas naging sweet at pursigido si Renz sa kanyang pangliligaw sakin.

Masaya talagang kasama si Renz. Lalo tuloy akong nagugustuhan siya. Looks and personality. Hindi na talaga ko magtataka halos lahat ay humanga sakaniya.

"Say ahh" iniharap niya saakin ang kutsara na may pagkain at medyong malaking piece na manok. Ano ba'yan baka mabilaukan ako nito

Ngumanga naman ako habang nagbabasa ng libro. Hinayaan ko nalang ito dahil nag effort.

At sinubuan niya ako ng pagkain na kinakain niya. Ang sweet niya.

Nung isang buwan na yun. Di na ako inaaway ni Bianca. Ewan ko dun. Nung nagsimulang nangliligaw si Renz. Sa bahay naman 'di na niya ako pinapansin. Ang wierd nga eh.

"Teka Renz? Malapit na birthday mo ah?" Biglang tanong ni Felicity.

Kaya napatingin ako kay Renz na may pagtataka sa mukha.

"Birthday mo? Kailan?" Gulat kong tanong. Bakit hindi ko alam? Parang mas updated pa si Felicity kesa saakin ah?

Kinamot niya ang ilong niya nahihiyang umiwas ng tingin. "Next week" sabi niya at kumain uli pero di na tumingin saakin uli. Namumula na naman ang tenga nito.

Next week? Anong ireregalo ko sakaniya? Wala pa akong pera dahil nagamit ko ito 'nun sa project namin.

Nung time na sumabay na kami pumasok sa room at tumabi kay Felicity. Last week kasi gusto niya pagkatabi kami. Kaya ayun napagbigyan kami ni Maam since ako lang ang nakaupo sa likuran.

"Symphony! Anong ireregalo ko kay Renz?" Tanong ko sakanya. At hinawakan ang balikat niya.

Nag-iisip naman siya. "Hmm. Kaw na bahala" at benelatan niya ako.

Sinapak ko naman siya kaya napa aray siya. 'Buti nga sayo'. Tumawa naman ako ng malakas sa isipan ko.

Buong oras sa klase akong nag-iisip kung ano ang ireregalo sakanya. Kaya nalutang ako. Kung saan saan na umabot yung inahinasyon ko.

Pagkatapos ng klase namin. Inihatid na kami ni Renz. Ganyan ang ttabaho niya samin. Ako yung huling ihahatid.

"Bye!" Paalam ko kay Felicity. Ngumiti naman siya sakin. At nag flying kiss. Napatawa nalang ako.

Ang cute niya talaga. Pag ngumiti siya lumalabas ang dalawang dimples niya.

Lumabas na ng tuluyan si Felicity. Tinignan ko naman si Renz na palaging nagtetext. Napapansin ko na din to ngayon. Ang serious niya.

"Sino yang katext mo?" Tanong ko sakanya at sumandal sa balikat.

"Wala. Friend ko" seryoso niyang sabi.

Nakakatampo naman 'di nalang ako uli nag balak mag tanong baka masabihan pa akong nahihimasok sa kanyang privacy. Pero pwede naman diba? Manliligaw siya sakin eh at dapat may alam ako sakaniya or baka huwag nalang para privacy eh.

I've Got You [PUBLISHED UNDER AFO] 😸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon