4

1.9K 105 0
                                    

Renz Perez on the multimedia.
***

Malapit na ang nine am kaya nagmamadali na akong naglalakad papunta sa school pero pakiramdam ko talaga may sumusunod sa likod ko.

Dahan dahan ako lumingon sa likod at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Renz na nakasandal sa isang poste at kababa lang niya sa ka'nyang DSLR na nakasabit sa kaniyang leeg. Tumingin ito sa'kin at isinuklay nito ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang kamay. Ba't ang cool niya tignan kahit sa simpleng uniform lang? Mahilig din ito sa photography dahil nakikit ko mga works niya.

Napailing ako at unang naglakad, baka may hinihintay siya.

"Hey" habol ni Renz sakin. Napatingin ako sakanya at ngumiti. "Hey" bati ko din saka'nya. It's unusual. Nagtataka talaga ako dahil pinapansin na niya ako o baka naawa siya dahil napaka-iyakin ko.

Tumingin naman ito sakin. "Pwedeng pasabay?" Nahihiyang tanong nito at kinakakamot ang ulo.

Napanguso ako sa nakita dahil ang cute niya. "Sure." Sagot ko at dumiritso ng lakad. Nahihiya parin ako sakaniya.

Napatingin ako saka'nya at kumunot ang noo, something's change. "You look cool. Mas bagay sayo ang black hair" sabi ko sakanya. Totoo naman. Pomogi siya diyan. Kahapon naman brown pa yung buhok diyan, kaya pala may nagbago.

"You think so?" Kinamot niya ang kaniyang batok. "Brown parin dapat para bagay tayo." Sabi niya. Natigilan naman ako at kinagat ko ang labi ko. Baka 'kung ano pa masabi ko dahil pinakilig na naman niya ako.

Napatingin lang ako sa likod niya habang una itong naglakad Ba't kaba ga'nyan Renz?

Huminto ito dahil napatigil ako, lumingon siya sakin. "Are you okay?" Nag-alalang tanong niya. Ngumiti nalang ako at umiling. Sumabay nalang ako sa pagpalalakad niya.

Papasok na kami sa loob ng Campus. Napapalingon naman ang mga iilang estudyante saamin. Napatampal ako sa aking mukhaGod, famous pala itong katabi ko.

Habang naglalakad kami. Biglang nagkadikit yung braso namin. Napasinghap ako at napalayo. Bakit ganun? Parang may kuryente?

No, hindi ako si Volta. Feeling ko din, naramdaman din niya yun. Yung kuryente dahil napalayo din siya at nakita 'kong napahimas ito saka'nyang braso.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinolding hands. I'm out of breath. What the heck is he doing?

Tinignan ko siya ng masama at pilit kinakalas ang pagkakahawak sakin. Para lng nagiging jelly ang tuhod ko, nakakalalambot sa katawan. Tumingin lang ito sakin at umiwas ng tingin, nakikita ko na naman ang pamumula sa kaniyang tenga at leeg. Napapahawak ako sa aking dibdib. What is this? Ano ba 'tong nararamdaman ko ngayon?

Bawat tingin ng mga estudyante samin ay nag-iinit ang mukha ko. Nahihiya ako, at kinikilig.

Huminto kami pareho sa room ko. Binitawan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa mukha niya

"Dito na 'ko" nahihiyang sabi ko sakanya. At tumingin sa malayo kasi nakatitig siya sakin.

"Sabay tayo ng lunch ha?" masiglang sabi niya. Kaya napatingin ako saka'nya. Nakangiti na siya.

Napangiti nalang rin ako dahil nakakahawa siya. "Okay" pagsang-ayon ko. Nakita kong umalis na ito at pumasok sa katabing room, doon ang next subject niya.

Napalingon ako sa loob ng classroom namin. Nanlaki naman ang mata ko nang nakatingin sila sakin at ngumisi.

"W-what?" Kinabahang tanong ko. Ano ba iniisip nila?

"Ayiee. The famous hearthrob prince and the famous sungit princess are going out!" asar ni Felicity. At sumunod ang asar nang iilang kaklase ko.

Napasimangot nalang ako at umupo sa silya. Tinakpan ko ang aking mukha ng notebook dahil namumula ang mukha ko sa hiya.

I've Got You [PUBLISHED UNDER AFO] 😸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon