8

1.7K 78 0
                                    

E short story ko nalang to. Medyo malapit na matapos eh :D

Yuri on the multimedia.

***

Maaga akong papasok ngayon dahil maghahanap ako ng trabaho para regalo kay Renz. At sana magugustuhan niya ang ibibigay ko.

Nasa labas na ako ng gate at nakita ko si Felicity sa labas at kinakawayan ako. Kumaway ako at lumapit sakaniya.

"May nahanap na akong trabaho na babagay sayo" masayang sabi niya.

"Talaga? Ano?" Excited kong tanong, I can feel my eyes twinkling.

"Sa coffee shop ni Mama. May Vacant pa pang gabi. Don't worry, ihahatid kita pauwi. Baka kung ano pang mang-yari sayo" sabi niya habang humahalakhak at hinawakan ang batok niya.

Lumawak ang ngiti ko. Pwede na 'yon atleast may pagkakikitaan muna ako ngayon, dahil hindi kaya ang sweldong binibigay sa'kin ni Tita.

Hinawakan ko ang kamay niya "Salamat Symphony, malaking tulong 'to." Pagpapasalamat ko at ngumiti.

I really love her and admire her.

"Ano pala ang bibilhin mo diyan?" Her face is confused habang tinitignan ako.

"Bibili ako ng cake para sakaniya. At 'don ko na din siya sasagutin" kinikilig kong pahayag sakanya at inimagine ang pangyayari.

Narinig ko ang pagsinghap nito at tinignan ako, ang laki ng ngiti niya.

"I'm happy for you at kung sasaktan ka niya, nandito ako. Handang bugbugin siya" aniya at ipinakita sakin ang kaniyang kamao at umaktong nanununtok.

Napatawa nalang ako ng mahina. Hinawakan niya ako bigla sa braso at hinila. "Tara. Puntahan natin ang Coffee shop. Malapit lang naman dito sa school natin eh."

Nang marating na namin ang Coffee shop ng Mama niya, namangha ako sa ganda. Nakakamangha ang exterior design, sky blue ang kulay ng lahat pero may iba 'ding accent tulad ng blue, mint blue at iba pa.

"Nandiyan ba ang Mama mo?" Tanong ko saka'nya. Matagal ko na kasi 'di nakikita ang Mama niya eh.

Umiling ito at di ako tinignan at pumasok na, sumunod nalang ako sakanya.

Pagka-pasok ko. Amoy ko na ang matatamis na Cake at halamuyak ng Coffee. Ang ganda din ng design sa loob. May iilan 'ding mga costumer dito.

Lumapit naman si Felicity doon sa Counter na nabigla yata pag-kakita saka'nya.

Sumunod nalang ako kay Felicity.

"Ma'am! Bakit po kayo nakadalaw dito?" Natatarantang tanong nung Cashier.

Lalaki siya at ang cute niya. Working student yata to siya dito, dahil halata sa mukha niya na bata pa 'to.

"Nasabi ko na to kay Mama na" pinaharap niya ako doon sa cashier guy.

Lumunok ako ng laway na nakatitig lang sakin.

"Siya ay magta-trabaho dito tuwing gabi. Part-time lang" masayang sabi ni Felicity.

Ngumiti nalang ako, ahihiya dun sa Cashier Guy. Ngumiti din siya sakin pabalik.

"Oho maam. Nasabi po sakin ng Mama mo tungol sakaniya." Magalang na sabi niya kay Felicity.

Mayaman talaga si Felicity. Pero ang 'di ko alam kung bakit nagpapahatid siya kay Renz nung nakaraan.

"So, aalis muna kami ha. Turuan mo siya mamaya ha?" paalam ni Felicity.

Nanlako ang mata ko ng bigla akong hatakin ni Felicity.

Lumingin ako doon sa lalaki at nagpaalam. Kumaway nalang siya sakin.

I've Got You [PUBLISHED UNDER AFO] 😸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon