Mai's PoVNagtitipa ako sa screen ng cellphone ko habang inaantay si Alexis na dumating. Ako nauuna palagi kapag may meet up kami kasi makupad s'yang maglakad. Ewan ko sa babaeng 'yun parang sa tuwing naglalakad, fine-feel ang moment niya.
"Mai!"
Napalingon ako ng may malanding boses na tumawag sa pangalan ko. Nakita ko naman ang isang baklang betty poop na nakangisi sa'kin.
Kilala ko ba 'to?
"Yes?" Sagot ko sa pagtawag n'ya sa'kin.
"I'm sure di mo na ako natatandaan." As a matter of fact pa na sabi n'ya sa'kin. Umupo naman siya sa harap ko. Napakunot ang noo ko dahil tinawag niya pa ako kahit di ko siya kilala, umupo pa siya sa harapan ko.
"Sorry but do I know you?" Tanong ko naman habang takhang nakatingin sa kanya. Ngumisi naman siya ulit.
"Sabi ko na nga ba at di mo na ko nakikilala e." Sabi na naman ng baklang nasa harap ko.
Seriously?
May topak ba 'to? O ano? Di ko nga siya nakikilala. Psh.
"Have we met?" Mapagpasensya kong tanong ulit at pinasingkit ang malaki kong mata.
"Yes. Ikaw 'yung ni recommend na model sa fashion show namin at ako 'yung organizer. Naaalala mo last week pa 'yun." Chika naman niya.
Talaga? Kilala ko 'to?
"Ganun ba? Di ko na maalala e. Sorry." Hinging paumanhin ko. Sa dami ba namang sinasalihan ko, hindi ko na maaalala ang mga mukha ng organizers sa isang events na nasasalihan ko.
"Nah, okay lang. Ikaw ha? Bakit ayaw mo maging full time model? Sayang 'yang beauty mo 'te." Sabi n'ya sa'kin.
"Nag-aaral pa kasi ako." Matipid na sagot ko. Asan na ba ang bruhang 'yun? Palagi na lang n'ya ako pinaghihintay.
"Ah. Kaya pala. Pwede ka naman maging full time na model kahit nag-aaral ka pa no. Ipapaayos mo lang sa manager mo ang schedule mo." Sabi naman n'ya sa'kin.
Teka? Kilala ko ba talaga 'to?
"Ah. Ganun ba? May ibang raket din kasi ako kaya ayoko mag full time. Ano nga pala pangalan mo?" Mabait kong tanong sa kanya.
"Ah! Ako nga pala si Raymond Go. Gusto sana kitang kunin na full time model sa kompanya ko e. Kaso, hindi ka pwede." Ha? Kompanya? Satuita?
Seryoso?
"Teka teka, Saavedra? As in Saavedra bag? Saavedra clothings?" Gulat na tanong ko. Seryoso?
"Yup." Tipid naman na sagot niya.
Pabebe?
"Weee? Di nga?" Nagbibiro ba 'to?
"Yes, I'm telling no lies." Sagot naman niya at nangiti. Okay! Shock ako dun ah!
Isang baklang betty poop? May ari ng isang napakalaking kompanya? Nagbibiro ba 'to?
"No. Its not what you're thinking." Sabi niya at winave ang kamay sa harapan ko.
Ano raw?
"What?" Nalilitong tanong ko.
"Saavedra ako pero hindi naman ako ang buong may-ari. Marami kami na may-ari ng kompanya. Isa lang ako sa mga stock holders." Sabi niya pa. Ah! Akala ko siya talaga ang may-ari ng malaking kompanya na 'yun.
"Ah. Ganun pala 'yun." Sabi ko naman.
"Hindi ka naniniwala?" Tanong niya pa. Hindi lang ako makapaniwala no! Ang simple kaya niya manamit.
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved
General FictionI look into her eyes and cupped her face to look me on the eyes too. "This certain woman in front of me. I assure you, she will be loved despite of all what she did, what happened in her past and who she came from. I don't care because I just loved...