Singko

19 2 0
                                    

Mai Reica's PoV

"So, how are you, Rei? It was a few months ago when we first met." Senri asked and took a sip from his wine.

We're both having our dinner after ng shoot.

"Ito. Dinagsa ng swerte. Thank you talaga ha? Kung di dahil sa'yo baka kung ano na ang nangyari sa'kin nun." Sinsero kung pagpapasalamat sa kanya at hinigpitan ang hawak hawak kong baso ng tubig.

"Nah, how many times do you have to say thanks? Its okay." He smiled at nakita ko ang perfect set of white teeth niya.

Ngumiti na lang din ako at ibinaling ang atensyon sa pagkain na hindi ko alam ang pangalan kasi parang italian food e. Or hindi ko lang talaga kung paano bigkasin.

"Sorry. I was just very glad that you came that time. On time pa talaga. I was grateful you know." I shrugged habang ginagalaw-galaw ang pagkain.

He chuckled.

"Okay then. You're grateful. End of story. But, stop saying thank you, now. I'm already full with your gratitude." He smilingly said. I pouted. He flinched and excused himself to the rest room.

"Okay." I replied.

Tumayo na siya para pumuntang banyo. Habang ako naiwan dito at kumakain ng pagkain na siya ang pina-order ko kasi hindi ko mabasa ang pangalan ng pagkain na nakasulat sa menu. Sa Italian restaurant ba daw ako dalhin. Sosyalin talaga.

The man I am with is Senrico Klein Sandoval. Saavedra's Clothing Lines' photographer. He is the same man who saved me from the bar maniacs six months ago. Two months before ko nakilala ang myembro ko sa Unravel Band.

He saved me from those maniacs. Muntik na akong marape 'nun and I thought that will be the death of me kung hindi siya dumating para iligtas ako. Himala kung tawagin na napadaan siya sa maliit na eskinitang 'yun na madalang lang kung daanan ng mga tao.

Galing kasi ako ng bar 'nun para sa raket ko. Kailangan ko ng pera 'nun dahil may balitang umabot sa akin na hindi kaaya-aya at sobrang sakit. Isa lang kasi ang nasa isip ko 'nun.

Kailangan kong kumita ng malaki para sa kanya.

May nangyari kasi sa isa ko pang kapatid na nakatira sa Siquijor. Ayaw ko siyang manatili dun dahil baka maulit na naman ang nangyari sa kanya. Kaya ninudnod ko ang sarili ko sa mga side lines na pwede kong pasukin. Tatlong araw lang kasi ang klase ko kaya may apat na araw ako na pwedeng igugol sa paghahanap ng pera.

Sobrang takot ang naramdaman ko ng gabing 'yun. Kung bakit kasi naka mini dress ako nun kaya napagtripan ako ng mga hayup sa daan. Dumaan lang naman ako dun kasi shortcut 'yun pauwi ng bahay namin.

That was the time that I decided not to wear dresses outside. Especially, kung nasa lugar ka na creepy at may maraming drug addicts.

Flasback

"Bwisit!" I said habang naglalakad sa shortcut na daan papunta sa bahay namin. Bitbit ko pa ang wedge na suot ko. Naka paa lang tuloy ako ngayon.

"Bakit ba kasi kailangan na magsuot ng ganito?" Reklamo ko. Niyakap ko ang backpack na dala ko at itinakip sa may dibdib ko.

Nakasuot lang kasi ako spaghetti strap na tight dress na hanggang kalahati lang ng thigh ko. This dress is too short.

"Pst!" Napalingon ako sa paligid ko na sobrang dilim. Shit! Hindi ako matatakutin pero naninindig ang balahibo ko sa katawan. Bakit ba ang dilim ng daan na 'to?! Inignora ko ang sumitsit sa'kin at pinagpatuloy ang paglalakad na ngayon ay mas binilisan ko na. Nakapaa lang ako pero wala akong pakialam kung masugatan man ako.

She Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon